CHAPTER 17 (Aramis Micheal)

1.9K 58 0
                                    

Thalia's POV

Pabalik balik naman ako ng lakad habang nandito ako sa labas ng operating room. Kasalukuyan na kasing ino-operahan si travis and si carl bilang donor kaya kinakabahan din ako.. Sana maging sucessful..

Dahil naman sa pabalik balik ko ng lakad dito habang nakatungo e may nabunggo pa tuloy ako. "A-aray!!" Shete. ang sakit ng paa ko pati pwet ko T____T

"Ano ba yan miss, ang lampa mo naman." Napatingin naman agad ako sa nagsalita.

O_____O



"ARAMIS/LIA?"





Aramis' POV

Kasulukuyan ko naman hinahanap yung daan papunta sa room ng kapatid kong na-confine dito sa hospital ng bigla kong may nakabunggo kaya naman natumba agad siya at napayuko para tignan siguro kung may bali siya sa paa or what. "A-aray!!"

"Ano ba yan miss, ang lampa mo naman." Tss, tama naman ako diba? Sino ba tong hindi tumitingin sa dinadaanan? Tsaka bat nandito na ko sa may Operating Room banda? Bat ba kasi ganito mga hospital dito sa batangas, ang lalaki masyado -.-

Nanlaki naman agad yung mata ko ng inangat niya yung ulo niya sakin. "Aramis/Lia?" Sabay pa namin na sabi.

Shit lang. Si lia na ba talaga tong nasa harapan ko ngayon? A-ang kauna-unahang babae na binasted ako nung college? </3

By the way, I'm Aramis Michael P. Smith. Ram for short pero mas sanay din ako na tinatawag sa second name ko which is, michael. Half american and Half filipino. Kung paano kami nagkakilala ni lia? Well, naging classmate ko siya nung college kasi parehas kami ng course na, BSBM. Since, parehas namin gusto na magpalakad ng company and own buisnesses. Nakilala ko siya bilang masungit. Ubod ng sungit -.- Yung tipong, focus lang sa studies. Ni hindi nga marunong makipag-socialize.. sabi nga ng iba may malalim na dahilan kung bakit siya ganun. Hindi na siya marunong magtiwala sa iba since nung iniwan siya ng boyfriend niya ng walang dahilan.. tss. G*go lang nung lalaki na yun kasi lahat na ng magandang katangian na kay lia. Kumbaga, she's beautiful inside and out.

Yun nga lang suplada, kagaya lang ngayon nakataas na naman sakin yung kaliwang kilay niya -____-

"A-anong ginagawa mo dito rabies?" tss. Ayan na naman siya sa pantawag niya sakin na yan. Nung una kasi akong nagpakilala sakanya, ang pagkakarinig niya daw sa pangalan ko e, "arabies" Pucha. Mukha ba kong aso? Sa gwapo kong to? -______-

Kung di ko lang din naging close to at nahulog ang loob ko dito e.. Actually, I love her since the day I met her..

Tapos yung tipong, bitter pa siya sakin kasi halos kapangalan ko daw yung ex niya tapos parehas pa kami ng second name nun -.-

"Tss.. Rabies ka dyan. It's aramis."

"Che. Rabies! Hahahaha!" Napangiti din naman agad ako ng makita ko siyang tumatawa.

God.. namiss ko nga siya, walang duda.. Bihira ko lang din kasi siyang makitang ngumiti o tumawa dati tapos yung tipong, kahit okay siya alam mo sa sarili mo na part pa rin sakanya na malungkot o may kulang..

Pinilit ko naman tanggalin yung ngiti sa mukha ko. "Tss. ge lang. Pagtawanan mo pa ko."

"Hahaha nagkabaliktad yata tayo ngayon ha. Kelan ka pa naging masungit? Kelan ka pa nagkaroon ng dalaw? Ha, rabies? HAHAHA."

Patuloy naman siya sa pagtawa at pang-aasar kaya binatukan ko na din siya ng mahina para tumigil. "Tss. Abnormal talaga. Bat ka nga pala nandito?"

Bigla naman lumungkot yung mukha niya. "Y-yung ex ko kasi.." Bigla naman akong natigilan. Shit.D-don't tell me, nagkabalikan na sila after five years? <//3 "N-nasa operating room siya.. in-operahan.."

O_______O

Unti-unti naman lumuwag yung pakiramdam ko pero nakaramdam pa rin ako ng awa kay lia na halatang nag-aalala na ng sobra ngayon.

S-siguro nga, minahal niya ng sobra yung ex niya na yun </3

"M-may sakit siya?"

"Oo, Liver Cancer.." *sobs* "H-hindi ko na alam aramis.. di ko na alam gagawin ko.. p-paano kung, hindi maging sucessful yung liver transplant? P-paano kung kumalat na pala yung cancer cells sa katawan niya? .." Unti-unti naman akong nakaramdam ng awa kay lia kaya inalalayan ko siya patayo at agad na niyakap.

"Shh.. stop crying. M-makakaya niya din yan." Para naman akong tinutusok ng ilang beses sa dibdib tuwing naririnig ko din yung hikbi niya.

"Sana nga, sana.. *sobs* kasi pagkatapos nito, h-hindi ko na rin siya makikita ulit.. babalik na naman ako sa dati na lagi kong dala-dala yung sakit at hirap.." Naramdaman ko naman yung sakit sa puso ko na parang sumisikip yung dibdib ko na ewan.

Nasasaktan ako kasi, nakikita kong nasasaktan na naman yung babaeng una kong minahal ng dahil sa g*gong ex niya..

I promise lia, babawiin kita sakanya. Maybe not this time.. but for the right time.. Gagawin ko lahat para di na ulit kita makitang nasasaktan..





Thalia's POV

Pagkatapos naman ako i-comfort ni rabies e, naiwan na ulit ako mag isa dito sa labas ng operating room. Tanga kasi nun rabies na yun, naligaw dito sa hospital hahaha. Abnormal talaga yun, mahina pa rin sa directions. Ganun din kasi nung una kaming nagkakilala nung college. Naligaw kasi ako nun that time at nagvolunteer siya na i-tour na din ako sa university pero ayun, mali-mali din pala yung directions na binigay niya sakin nun kaya parehas kaming late sa first subject nun. Parehas kasi kami ng course niyan ni rabies. Siya lang din yung naging ka-close ko nung college kasi nga masyado akong mailap sa tao nun dahil siguro natakot na din ako magtiwala.. pero yan si rabies, iba yan. :)

Masasabi ko na totoo ko siyang kaibigan kahit alam kong nasaktan ko siya ng sobra nung binasted ko agad siya at di binigyan ng chance na manligaw sakin.. lumayo siya sakin nun pero, nung graduation naging okay din kami and ngayon lang din kami nagkita after almost half a year kasi busy na din siya sa company niya. Nandito nga lang din daw siya sa batangas para sa buisness nila. Nagkataon lang na naconfine din yung kapatid niya dito sa hospital kasi biglaang nagka-dengue.

Ocake, enough of the kwento xD Back to reality na.

Nandito pa rin naman ako sa labas ng operating room at naghihintay. Inaamin ko, kinakabahan talaga ko..

P-paano kung -- aish! Basta ko, ayoko maging negative.. Think positive thalia..

Kaya yan ni carl at lalong lalo na travis..

Y-yun pang hito na yun, matibay ata yun..

Patuloy naman ako sa pagdasal habang nakaupo dito sa mga upuan sa labas ng operating room ng biglang lumabas si doktora kaya napatayo din agad ako at napalapit sakanya. "K-kamusta po doc? Kamusta po yung operation?" Medyo kinakabahan ko naman na tanong kay doktora.

"The operation was.."




____
A/N: Pabitin portion! XDD Hahahaha kamusta kaya yung operation? And, may new character na guys! :D Si rabies ay este, si aramis michael. Shocking ba? Hahaha bida ba siya or kontrabida? Ano kaya magiging role niya? Abangan .. HAHA.

At higit sa lahat, Happy, happy mother's day sa mga mommy, lola at tita niyo guys! :)))) Godspeed <3

Kahit na anong mangyari, Ikaw parin ;) (KNPKAK Book Two)Where stories live. Discover now