CHAPTER 10 (Date ka dyan? PBB teens lang?)

2.2K 77 2
                                    

Thalia's POV

"So, ano na pango? Anong gusto mong panuorin?" Tanong ni travis habang nasa elevator na kami paakyat sa sinehan. Seryoso ba siya? D-date daw to?! O///O

Ay ano ba lia!! Tandaan mo, MAPANG-ASAR AT LOKO-LOKO ANG EX MO NA YAN >//<

Bigla naman niyang pinindot yung ilong ko. "Oh? Tulala ka dyan?"

"H-ha? Hindi ah."

"Haha ngayon ka lang ba nayaya ng isang date?"

Agad naman nanglaki yung mata ko sa sinabi niya. Buti nga nandito na rin kami sa may sinehan kasi kung hindi, baka nahulog ko to sa elevator ng wala sa oras -_____-

"Kapal mo ha! Sa ganda kong to."

Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Haha. Pango naman."

"Ewan ko sayo!!"

"Pero ano na bang papanuorin natin? Diary mo o yung Captain America?"

"Diary ko?"

"Oo. Diary ng panget."

Hinamapas ko naman agad siya. "Waah! Ang kapal mo talaga!!"

Natatawa naman siyang bumili ng ticket at popcorn. Seryoso ba talaga tong hito na to? B-bat parang bumalik yung dating travis na nakilala ko?

Pagkapasok naman namin ng sinehan e, napahawak agad ako kay travis sa dilim. "HAHAHAHAHAHA." Bwisit na to!! Nagawa pa talaga kong pagtawanan. "Takot ka sa dilim? Hahahahaha."

"Haler! Baka ilang beses na kong natrap diba? Nung sa locker roon pa nga na kasama kita --" Natigilan naman agad ako. Waaah kung ano-ano lumabas sa bibig ko.

Sinuway na rin naman na kami ng guard na wag na daw muna mag LQ -______-"

Seryoso? Mukha ba kaming magsyota o mag-asawa ng hito na to?!

Humanap na rin naman na kami ni travis ng pwesto sa dulo. Galing nga e, kung kailan kami nakahanap na ng pwesto lahat-lahat dun lang bumukas yung ilaw. Credits na kasi nung pumasok kami ng hito na to kaya ang dilim kanina. "Hahaha hindi mo pa talaga ko binibitawan hanggang ngayon." *smirk*

Napatingin naman agad ako sa kamay kong nakahawak parin sa braso ni travis kaya hinatak ko din agad yung kamay ko palayo sakanya. "Ewan ko sayo! Feeler!"

"Hahahaha aminin mo nalang kasi pango." Ha? Pinagsasabi ng hito na to? -.-

"A-aminin ang ano?"

Tumingin naman siya sakin ng seryoso. "Na mahal mo pa din ako."

ANO DAW???! O//////O



Travis' POV

Nanlaki naman agad yung mata ni thalia. Hahahahaha sarap talaga niyang asarin. "M-m..mahal? I-i..ikaw?" Medyo nauutal naman niya na sabi.

Psh, tanga mo din travis e. Alam mo naman na magiging awkward na naman.

"Haha joke lang."

AWKWARD SILENCE.

Kumain nalang din naman na ko ng popcorn and buti naman namatay narin yung mga ilaw kaya napausog na naman si thalia at agad na napakapit sakin. As usuall, takot sa dilim.

"Ay -- sorry!" Sabi naman niya sabay iwas ulit ng tingin at bumitaw na sakin pero kinuha ko ulit yung kamay niya.

"Hawakan mo nalang ako hanggang matapos yung movie. Tss, baka bigla ka nalang magwala o umiyak dyan sa takot sa dilim e. Haha."

Hinampas naman niya ko ng mahina. "Ang sabihin mo chumachansing ka lang!" At talagang nakipag-asaran pa? HAHA.

"Kung ako man chachansing sa sexy naman. Haha."

"Kagaya ko nga. Hahahahaha."

"Asa. Haha."

"Leche!!"

Natigilan naman kami sa pag-aasaran ng sinuway na kami nung mga tao sa harap namin. "SHHH!!"

Parehas nalang naman na kaming natawa ni thalia tsaka nagfocus na sa movie. Hahahaha.

Susulitin ko nalang muna tong araw na to.. kasi may posibilidad na hindi na to maulit </3




Thalia's POV

Napanatag naman yung loob ko kabit papano.. Yung feeling na parang safe ka.. Safe ka kasi nandyan siya. Tsaka may phobia talaga ko sa dilim pero parang unti-unti din nawawala kasi hawak ni travis yung kamay ko.

WAAAH!! M-mahal ko pa nga ba ang hito na to? O sadyang nanibago lang din ako sa pagtreat niya sakin ng ganito kasi halos gawin niya na nga kong utusan nung nakaraang araw.. T-tsaka, malapit na din pala kaming bumalik ng manila, bukas na..

After naman namin manuod ng movie e, nagtatalo na naman kami. "Kamukha mo talaga si eya. Haha."

"Alin? Nung gumanda? Haha."

"Hindi ahh. Haha."

"Leche ka! Mas gwapo naman sayo si james reid noh!"

"Mas gwapo ko kaya ko dun. Tanungin mo pa sina ate." Turo naman niya sa mga babaeng kanina pang nakasunod sa likod namin. Hala. Mga teenager palang to ha? "Diba mga ate, gwapo ako?" *wink* Nagsitilian naman agad sila.

"Waaaah! Oo kuya! Kaya lang, kasama mo na misis mo e!"

"Sayang nga. Waley na tayong lag-asa mga babaita!"

"Oo nga. Tapos ang sweet pa nila.g mag-away parang teenager lang din kagaya natin! Hihi."

What the heck?!

B-bat ba lagi kaming napapagkalaman na mag-asaw ng hito na to?! >///<







Travis' POV

Natawa naman ako kay thalia na pulang pula na rin yung mukha kaya nagpaalam narin ako sa mga babaeng yun na nasunod samin. Salamat nga rin kasi tumigil na sila sa kakasunod samin ni thalia kaya kumain na rin muna kami ng lunch sa KFC and nag take out nadin kami ng pagkain para kay kuya junie. Altough, may naiwan din namang pagkain sa may resthouse.

Dumaan na din muna kami sa blue magic and binili ko na rin ng stufftoy si thalia. "Anong gusto mo dyan?" Tanong ko kay thalia habang natingin tingin din siya ng stufftoys.

"H-ha? Ano naman gagawin ko sa stufftoy?"

"Try mong yakapin." Masungit ko naman na sagot. Tss, baliw na babaeng to talaga.

"Aish. Pero ang cute ng aso na yun oh!" Lumapit naman agad kami dun sa tinuturo niyang stufftoy na aso. Hmm.. cute nga and huggable at the same time.

"Mas cute ka. Haha." Pang-aasar ko naman na siyang ikinamula ng mukha niya at talagang hinampas pa sakin yung stufftoy na hawak-hawak niya kaya hinatak ko narin yung mula sakanya and pumunta na sa may counter.

"Abnormal na hito. Haha. Pero seryoso, bibilhin mo talaga para sakin yan?"

"Thanksgiving lang din and last gift ko bago ulit kami bumalik ng manila."

Ngumiti naman siya sakin. Yung alam mong totoo na at walang halong galit.. Alam ko rin naman kasi, na may galit siya sakin after all nung nangyari and sa hindi ko pagpaparamdam sakanya for almost five years.. kubg tutuusin nga wala pa kaming closure. "Well, t-thanks.."


Papunta naman na kami ng parking ng pigilan kami ni manong guard. "Nako sir, mahihirapan po kayo kung ba-biyahe kayo pauwi ng ganitong oras."

"Bakit po manong?"

"Malakas na po ang ulan. Signal no. 3 na din po dito satin."

What the -- Kaya pala ang dami narin nagsisiuwian simula kanina?

"WAAAH! Paano tayo nito, travis?!" Reklamo naman sakin ni thalia na medyo natataranta na rin..

Paano na nga ba? Ang wrong timing naman ng bagyo na yan -_______-"

Kahit na anong mangyari, Ikaw parin ;) (KNPKAK Book Two)Where stories live. Discover now