Lady Pack Women Association

32.2K 385 20
                                    

Lady Pack. Halos lahat alam ang asosasyon na ito. Hinahangaan at iniidolo ng marami ang bawat miyembro hindi lamang sa kadahilanan na sila'y handang tumulong sa mga nangangailangan at mga kapos-palad kundi dahil sa aking kagandahang tinataglay ng bawat isa sa kanila. Mga mukhang kahit sino ay mapapahanga at mabibighani.

Para sa mga tao, hulog sila ng langit. Mga Diyosa na bumaba sa lupa upang magbigay ng tulong sa mga taong higit na nangangailangan ng karampatang suporta, edukasyon, matitirhan, at marami pang iba.

Ngunit kahit ganun, maituturing pa ring misteryosa ang bawat isa sa kanila. Tanging alam lamang ng publiko sa bawat miyembro ng naturang organisasyon ay ang kanilang mukha, pangalan at estado sa lipunan. Maliban doon ay wala ng iba. Hindi makakuha ang mga media ng malalalim na mga impormasyon o kaugnayan upang lubusan pa silang makilala ng publiko. Kahit ang mga eksperto sa pagkakalap ng mga impormasyon ay walang magawa. Nanatiling isang malaking hiwaga ang kanilang pagkatao sa taong-bayan.

Pulos haka-haka lamang ang maririnig mo sa bawat bibig ng mga tao kapag sila na mismo ang sentro ng paksa. Na sa likod daw ng kagandahang angkin at bait ng bawat isa ay may nakatago daw na kademonyohan at kasamaan na kahit ang batas at diyos ay walang magagawa para pigilan sila. Na ang katawagang diyosa ay mananatili lamang katawagan sa bandang huli.

------------------------

Hi po sa inyo. Sana magustuhan niyo ang nobelang ito. Huwag pong mahiyang magkumento at magbigay ng inyong opinyon .Wini-welcome ko po ang lahat dito.

LPS: Wild Obssession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon