Prologue

298 29 26
                                    

prologue:

"Nabalitaan niyo na ba yung nangyari?"

"Ha anong nangyari?"

"Nag attempt daw mag suicide si Rain."


Iilan lamang yan sa mga naririnig kong usap usapan ng mga estudyante sa paligid ko.

Mula kaninang umaga ay yan lamang ang naririnig ko at wala nang iba. Hays, wala na bang magawa ang mga tao ngayon at pati buhay ng iba pinapakialaman na din nila?

"Sean!"

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Wesley na tumatakbo papunta sa direksyon ko at hingal na hingal habang nakasabit sa likuran niya ang gitara niya.

Napakunot na lang yung noo ko dahil mukhang nagmamadali talaga siya. Nang makalapit na siya sa akin ay hinawakan niya ako sa balikat bilang suporta at muntikan na ding mahulog ang gitara na nasa likuran ko rin dahil sa pwersa, "Pre? Narinig mo ba na nagtangka daw mag suicide si Rain?" Hinihingal na saad niya sa akin.

"Pre, kanina ko pa naririnig yang balita na yan. Sino ba yang Rain na yan at mukhang napaka famous niya ngayong araw?" Nagtatakang tanong ko.

Sa totoo lang, kanina pa ako naiirita sa mga naririnig ko. People talk about suicide as if it wasn't a very sensitive issue.

Nagulat na lang ako nang bigla akong binatukan ni Wesley, "Pre! Si Rain! Yung babaeng may napakalamig na aura na taga kabilang room!" Saad niya pa sa akin.

Napakibit balikat na lamang ako dahil kahit anong gawin niyang pagpapaliwanag ay hindi ko talaga maintindihan. Siguro nga anti-social talaga ako at wala akong pake sa mga taong nasa paligid ko. Mas gusto ko lang kasing mapag-isa o kaya tumugtog sa banda namin kasama si Wesley. Ayun lang yung madalas na ginagawa ko sa buhay ko.

Mas lalong napakunot yung noo ko nang biglang tumahimik ang lahat. Yung mga nag kwekwetuhang estudyante ay bigla na lang ding tumahimik mula sa pagkwkwentuhan at tumabi sa gilid ng corridor.

Napatingin ako sa may hagdan paakyat sa corridor at nakita ko na may paakyat na isang babae.

Tinignan ko siya ng mabuti. Tuloy tuloy lang siyang naglalakad at ang mga estudyante ay nakatingin lamang sa kanya at yung iba ay pinagbubulungan siya.

Pinagmasdan ko yung itsura niya. Sakto lang yung haba ng buhok niya at may bangs siya, walang emosyon yung mga mata niya at napakalamig.. Kahit nasa malayo pa lang siya ay ramdam na ramdam ko ang napakalamig niyang aura.

Patuloy lang siya sa paglalakad na animo'y wala siyang pake sa mga taong nasa paligid niya. Inayos niya ang backpack niya at ang kulay abo na scarf na nakapulupot sa leeg niya.

Nang madaanan niya ako ay hindi ko alam pero pakiramdam ko ay bigla na lang nagtaasan ang mga balahibo ko. Di ko alam pero sobra na lang akong kinalibutan at pakiramdam ko ay biglang lumamig yung paligid.

Bahagya akong napatingin sa mata niya at hindi ko inaasahan na mapatingin din ito sa akin. Wala itong buhay at sobrang lamig. Wala din akong mabakas na kahit na anong emosyon sa mga mata niya. She's like a dead person.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya hanggang sa dumako yung tingin ko sa pulsuhan niya na may mga benda.

Nang malagpasan na niya kami ay narinig kong huminga ng malalim si Wesley at hinawakan yung dibdib niya, "Oh my god pre! Grabeng goosebumps yung naramdaman ko! Nagtaasan talaga lahat ng balahibo ko! Jusko pakiramdam ko sobrang lamig ng paligid nung dumaan si Rain!" Saad pa ni Wesley habang niyayakap yung sarili niya.

Hindi ko na lang pinansin yung sinasabi ni Wesley sa halip ay nanatili akong nakatingin sa pinagdaanan nung babae kanina.

She's the kind of cold that isn't measured by temperature.

And suddenly questions are starting to flood me.

What's her reasons? Why did she attempt to commit suicide?

***

end of prologue

Chasing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon