2: When midnight comes

38 3 38
                                        

❝it is our wounds that create
in us a desire to reach
for miracles.❞

--

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--


chapter two

Rain's POV


Bumangon na ako mula sa kama ko at inayos na lahat ng kailangan ko. Bumaba na ako at nakita ko si mama na naghahanda ng umagahan kaya naman umupo na ako sa harap niya at kumain na lang ng tahimik.

"Rain anak," Rinig kong tawag sa akin ni mama kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita kong naluluha nanaman si mama nang magtama yung paningin naming dalawa. Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at kinuha yung first aid kit.

Lumapit siya sa akin at bahagyang napangiti, "Okay lang ba na tignan ni mama yung pulsuhan mo?" Tanong niya sa akin.

Napatigil naman ako sa pagkain dahil sa totoo lang ay wala talaga akong gana kumain. Pumunta naman kami ni mama sa may sala at umupo sa may sofa.

Inabot ko sa kanya yung mga kamay ko at agad niyang nirolyo pataas yung long sleeves ng uniform ko at tinanggal yung mga benda don.

Napayuko na lang ako kasi narinig ko na humihikbi na saad ni mama, "Pasensya na Rain." Saad niya sa akin.

Umiling lang ako sa kanya, "I told you it's never been your fault." Saad ko sa kanya.

Hindi naman na siya umimik at pinalitan niya ng bagong benda ang pulsuhan ko at inayos niya na ulit yung long sleeves ko.

"Ginawan din pala kita ng bagong scarf mo, suotin mo 'to ngayon dahil lumalamig na yung panahon." Saad sa akin ni mama at inabutan niya ako ng kulay violet na scarf kaya naman agad ko itong tinanggap at sinuot.

Bahagya kong tinignan yung itsura ko sa salamin.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na din ako kay mama at lumabas na ng bahay namin at laking gulat ko kasi bumungad sa akin si Allan na halatang kanina pa ako hinihintay at napansin ko din na may hawak siyang paper bag.

"Ulan!" Sigaw niya ng makita niya ako at dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Rain hindi ka man lang nag text sakin kahapon. Nag-alala ako ng sobra. Ano? Nakuha mo ba yung notebook mo sa school?" Giit niya at napatango na lang ako sa tanong niya.

Napahinga siya ng maluwag at binigay niya sa akin yung paper bag na hawak hawak niya.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano yung laman ng paper bag baka kasi mamaya pinapahawak niya lang pala sa akin 'to.

Chasing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon