1: A Rainy Day

98 13 42
                                    

there i stood, in
the few seconds between
calm and chaos.

--

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--

Chapter one

Rain's POV

Umuulan at sobrang lamig ng simoy ng hangin. Kahit nasa kwarto lang ako at nakatanaw sa bukas na bintana ay ramdam na ramdam ko kung gaano kalamig kaya naman mas siniksik ko ang mukha ko sa turtle neck na suot ko.

"Rain rain go away, come again another day little Allan little Allan wants to play."

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Allan na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko at may hawak siyang dalawang mug. Nginitian niya ako pero nanatili lamang akong nakatingin sa kanya gamit ang malamig kong titig. He's here again.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko sa kanya. He just shrugged at inabot sa akin ang isang mug.

"Here. Drink this. Pinagtimplahan kita ng hot milo. Wag ka ng umangal dahil ginawa 'to ng isang hot na lalaki sa buong mundo which is ako." Saad niya pa sa akin at nag pogi pose pa pero hindi ko siya pinansin sa halip ay tumingin na lamang ulit ako sa labas ng bintana kaya narinig kong napa buntong hininga siya.

"Umuwi ka na sa inyo Allan." Matamlay na saad ko sa kanya pero umupo lang siya sa tabi ng kama ko at pinakailaman ang mga picture frames na basag sa gilid.

"Kakapunta ko lang dito papaalisin mo na agad ako? Rude. Please learn what is hospitality Rain!" Giit niya pa sa akin pero nanatili lang akong walang imik.

Si Allan ang katangi tanging tao na kinakausap at nilalapitan ako bukod sa mama ko. Nakilala ko siya noong highschool dahil sa pagtugtog niya ng gitara at sikat siya dahil doon. Simula nung nakilala niya ako ay hindi na niya ako nilubayan at lagi na siyang dumidikit sakin. I felt bad for him because why do he need to stuck himself to me? To a depressed girl like me?

"And besides tumawag sa akin si tita kanina na humahagulgol. She said to me that you did it again." Napatayo na ako mula sa pagkaka upo ko dahil sa sinabi niya. I really don't want to bring up this topic again.

"Rain naman, bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit mo ba sinisira ang buhay mo?" Tanong niya at bakas sa boses niya ang pagiging seryoso niya. Napapikit na lang ako dahil sa inis ko at napayukom ng kamao.

"I don't know what's happening to me so who can know? And besides you know the reason. Don't act like this is my first time that I did this." Malamig at walang ka emosyong-emosyon na saad ko sa kanya.

Chasing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon