SOWK10

111 4 0
                                        

Kailan nga ba nagsimula ang lahat?

Bata pa lang si Yeri ay kakilala na niya si Hanbin. Magkakabata si Hanbin at ang kapatid niyang si Jay. Matalik na kaibigan naman ni Yeri sina Yeol Eum at Chanwoo. Tuwing uwian ay sinusundo si Yeol ng kanyang kuya Hanbin kaya laging sumasabay si Yeri sakanila.

Sungki pa noon si Yeri kaya madalas siyang ibully ng mga kaklase niya. Hinding hindi makakalimutan ni Yeri ang minsang pagligtas sakanya ni Hanbin. Uwian na noon at naglalakad mag-isa si Yeri nang harangan siya ng mga kaklase niya at pinagkaisahan. Paiyak na nun si Yeri ngunit nagulat siya dahil may biglang yumakap sakanya at narinig niyang nagtakbuhan na ang mga kaklase niyang nangbubully sakanya.

"Tahan na Yeri. Andito na ako okay? Hinding hindi kita papabayaan. Hindi kana nila malalapitan. Ako ang magiging superhero mo okay?"

Hinding hindi makakalimutan ni Yeri ang tagpong iyon. Mula noon ay naging mas malapit na sila ni Hanbin at mula din noon ay nagustuhan na niya ito.

Naging bestfriends ang turingan nina Yeri at Hanbin. Kuya pa noon ang tawag ni Yeri kay Hanbin pero habang nagtagal ay Hanbin nalang ang tawag niya rito. Okay naman ang lahat sakanila. Alam nina Yeol at Chanwoo na may gusto si Yeri kay Hanbin. Noong college na si Yeri ay madalas silang magkasama ni Hanbin dahil nasa iisang school lang sila. Madalas din nilang pagkamalang boyfriend niya si Hanbin.

Birthday noon ni Chanwoo at nagkakasayahan ang lahat. Nasa iisang mesa sina Yeri, Yeol, Jay, Chanwoo at ang iba pa nilang kaibigan na sina Sungjae, June, Bobby, DK, at Yunhyeong. Nagtatawanan ang lahat dahil sa mga biro nina Bobby, DK at Chanwoo nang biglang dumating si Hanbin na may kasamang babae. Lahat ay nagulat lalong lalo na si Yeri dahil wala namang nababanggit sakanya si Hanbin na babae. Maging si Yeol ay nagulat din dahil wala itong alam.

"Guys, si Hayi nga pala nililigawan ko." Pakilala ni Hanbin sa kasama niyang babae. Kilala ni Yeri si Hayi dahil sikat na singer ito.

"Tangina pre big time kana ah!" Panloloko ng kuya niya kay Hanbin. Natuwa naman ang ilan kay Hayi dahil mabait ito at palakaibigan din.

Simula noon ay marami nang nagbago sa pagsasamahan nila ni Hanbin. Magkaibigan padin naman sila pero hindi na katulad ng dati dahil may Hayi na sa buhay ni Hanbin.

Pagkagraduate ni Yeri ay napagdesisyunan netong mag Masteral. Dahil medyo malayo ang school ni Yeri sa bahay nila ay napagdesiyunan niyang mag-dorm nalang. Doon niya nakilala ang mga kaibigan niyang sina Irene, Wendy, Seulgi at Joy. Isang taon nang magkakasama noon ang apat pagkalipat niya pero hindi naman siyang nahirapang pakisamahan ang mga ito. Tinuring din siya ng mga itong parang bunsong kapatid dahil siya ang pinakabata sakanilang lima. Kasama niyang nagmamasteral si Joy. Sina Irene, Wendy at Seulgi naman ay nagtratrabaho na.

Noong 20th birthday ni Yeri ay invited ang lahat. Doon nagkakilakilala silang lahat. Nagkagulatan pa sina Irene at June dahil sa iisang opisina pala sila nagtratrabaho at matagal nang pinopormahan ni June si Irene. Si Jay naman ay agad nilapitan si Wendy ngunit sinungitan pang siya neto. Samantalang si Joy at Sungjae naman agad na nagkasundo dahil pareho silang mahilig sa aso. Si Seulgi naman ay agad na napansin si Yunhyeong dahil sa galing netong magluto. Kasama din noon si Hayi sa celebration ng birthday niya. Mula kasi noong naging sila na Hanbin ay lagi na din itong kasama sa mga lakad ng tropa nila. Aminado si Yeri na nasaktan siya noon pero wala naman siyang magagawa. Masaya siyang nakikitang masaya si Hanbin. Alam na din niya kung saan siya lulugar. Mahirap, masakit pero hanggang dun nalang siguro. Hanggang kaibigan lang talaga siya pero nalungkot din si Yeri dahil pati pagkakaibigan nila ay nagbago na. Hindi naman siya iniwan at pinabayaan nina Yeol at Chan kaya kahit papaano ay okay naman siya.

4 years din ang tinagal ng relasyon nina Hanbin at Hayi. Walang nakakaalam kung anong dahilan ng paghihiwalay nila. Nagulat nalang noon si Yeri dahil sa tawag ng kaibigan niyang si Yeol para ibalita na umuwi ang kuya niyang lasing na lasing dahil break na sila ni Hayi. Ang hula naman ng iba ay baka mas pinili ni Hayi ang career kesa kay Hanbin kaya nakipaghiwalay ito.

Simula noon ay mas naging tahimik na si Hanbin. Madali na siyang mairita o mainis sa tuwing inaasar siya ni Yeri at Chanwoo ngunit hindi tumigil si Yeri dahil alam niyang kahit papaano ay napupunta sakanya ang atensyon ni Hanbin.

Minsan ay kinausap siya ng Kuya niya tungkol kay Hanbin. Busy noon si Yeri sa pagaayos ng gamit dahil babalik na siya ng dorm nang biglang pumasok ang kuya niya sa kwarto at kinausap siya.

"Yerms may gusto ka pa ba kay Hanbin?" Nagulat naman si Yeri sa tanong ng kuya niya. Ang alam niya kasi ay hindi neto alam na may gusto siya kay Hanbin.

"Luh? Anong gusto ka jan hahahaha adik ka ba kuya" Sagot ni Yeri pero deep inside ay kinakabahan na ito

"Ano ka ba Yeri! Bobo lang ang hindi nakakahalata na crush mo si Hanbin no. Kaya bobo si Hanbin hahahahaha" pabirong sahog ng Kuya niya

Napabuntong hininga naman si Yeri, "Crush lang naman eh kuya. Masama ba?"

Tinapik naman ni Jay ang ulo ni Yeri "Sigurado ka bang crush lang? Basta Yerms alagaan mo puso mo ha? Oo loko loko ako pero kapatid parin kita at ayokong nasasaktan ka. Mahal ko si Wendy pero mas mahal kita kasi kapatid kita. Lagi mong tatandaan yan okay? Andito lang ako bilang kuya mo." Hindi alam ni Yeri ang sasabihin dahil minsan lang sila mag-usap ng seryoso ng kuya niya. Nginitian nalang niya ito at sinuntok sa braso.

"Ano ka ba kuya! Kaya ko sarili ko no hahaha tsaka promise happy crush ko lang yun si Hanbin." Pero alam ni Yeri sa sarili niya na hindi lang naman talaga ito happy crush lang. Pero ano nga ba? Mahal na ba niya si Hanbin? O talagang gustong gusto lang niya ito. Hindi alam ni Yeri ang sagot dahil maski siya ay naguguluhan din sa kung anong nararamdaman niya.

Somewhere Only We Know Part 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora