Huling Kabanata

1.1K 19 5
                                    

Nakalipas na ang 3 araw na pakikipagsapalaran ni Eduardo sa pakikipaglaban nila sa mga kastila. sana ay ayos lang siya at hindi siya napahamak. Sana ay nakuha na natin ang tagumpay para makamit na natin ang kalayaan na matagal na nating inaasam.

"Binibining Esperanza? Binibining Esperanzaaa!" nagmamadaling pumunta si Amelita kung saan ako naroon.

"Bakit Amelita?" kitang kita sakanya ang masayang emosyon sa kanyang mukha.

"May nagpapabigay ng sulat at ang sabi ay mula raw ito kay Eduardo" agad naman niyang ibinigay iyon sa akin at may kasama pang rosas. napangiti naman ako dahil sa alaala tungkol sa rosas at liham mula sa kanya.

"Mauna na po ako Binibining Esperanza"  at umalis na si Amelita at umupo ako sa upuan ng aming hardin at binasa ang liham mula kay Eduardo

Kumusta mahal ko? Nagagalak ako dahil nakapagsulat pa ako sayo ngayon. Akala ko huli na ang ating pagkikita noong nakaraang 3 araw pero hindi, matagumpay naming naipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas. Marami ang sugatan ng mga katipunero at Marami din ang lakas loob na hinarap ang kamatayan. Marapat na pumunta ka sa bayan ng Cavite II el Viejo   . Magkita tayo roon  Binibing Esperanza. Mahal kita.

Eduardo

Nagagalak ako at ligtas si Eduardo. Mabuti ay hindi siya napahamak sa kanyang pakikipaglaban. agad naman ako nagtungo sa aking silid tulugan upang mag ayos na dahil magkikita kami ni Eduardo.

"Binibining Esperanza? saan po kayo paroroon?" nakita akong nagaayos ng aking damit ni Amelita

"Paroroon ako sa Cavite II el Viejo , magkikita kami roon ni Eduardo"  at ngumiti ako kay Amelita

"Kung ganon, maaari ko po ba kayong samahan?  Baka po kayo ay mawala doon at para may kasama na rin po kayo" sabi naman ni Amelita. Tumango na lamang at at napangiti sa kanya. Maswerte ako dahil mayroong siya na nagaalaga sa akin.

Maya maya ay naisipan ko na rin na magbihis na dahil baka ay matagalan ang biyahe namin papunta sa Bayan ng Kawit. Sinigurado ko maayos ang aking itsura sa aming muling pagkikita ni Eduardo.

" Tara na po binibini" wika ni Amelita

Pumasok muna ako sandali sa kwarto ni Don Bartolome na natutulog at niyakap ko siya. hindi parin siya gumagaling sa kanyang sakit. Kahit na may hindi kami pagkakaintindihan at hindi ko siya tunay na ama ay tinuring ko sya bilang isang tunay na ama dahil alam kong ginagawa lang nya iyon para sa akin. nagulat naman ako at biglang pumasok si Donya Clara sa silid.

"Saan kayo tutungo?" wika ni Donya Clara

"Tutungo lamang po ako sa kabilang bayan Ina" nagulat ako ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Magiingat ka. Tandaan mo na Mahal na mahal ka namin ng iyong Ama at iyong mga kapatid" naluluha na sabi ni Donya Clara

" Bakit po kayo umiiyak?" Nagtataka naman akong nagtanong sa kanya

"Wala, Ang tagal na kitang hindi nayayakap ng mahigpit" bumitaw na siya sa pagkakayakap at nguniti sa akin

"Sige na Esperanza, mauna na kayo. Magiingat kayo." wika ni Donya Clara at tumango naman ako lumabas na ako ng aming hacienda at sumakay na kami sa kalesa at naglakbay na kami papunta sa Kawit.

Una't Huling PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon