Kabanata 17

797 27 8
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw, Umaga na pala.. Inayos ko ang aking higaan at nagayos na rin ako.  Napagdesisyonan ko nang lumabas muna at pumunta ako sa gilid ng mansyon namin...

"Binibining Esperanza ! Binibining Esperanzaaa!!" Tawag saakin ng isang pamilyar na boses. Si Amelita palaa.

"Bakit Amelita?" At ngumiti ako sakanya

"Mabuti po ay lumabas na po kayo sa inyong kwarto. Antagal niyo na pong hindi lumalabas. May nagpapabigay po ng sulat galing po kay Eduardo"sabay abot sakin ni amelita ang isang sobre na puti...

Kinuwa ko naman iyon. Pinagmasdan ko ang sobre na iyon. Siguro oras na nga para kalimutan siya. Dapat siguro ialis ko na ang mga bagay na mapagpapaalala sakanya. Para maging masaya na ako. Pumunta ako sa isang gilid at bag hukay ako ng maliit.. binaon ko doon ang sulat ni Eduardo

Tinakpan ko ulit ng lupa hanggang sa natakpan na ito ng tuluyan. Sana tama ang desisyon ko. Tama na sigurong kalimutan nalang siya. Nag lakad ako hanggang sa napadpad ako sa lagusan. Tinakpan na ito ng malaking bato .

"Tinakpan po iyan dahil nabalitaan ni Don Bartolome ang nangyari sainyo ni  Eduardo. Nagalit po siya at tinanggal po lahat ng koneksyon sa Pamilya Villafuerte."Pagpapaliwanag naman ni Amelita

"A-h eh ganun ba?"sabi ko sakanyaa

"Binibining Esperanza may bisita po kayo"sabi ng isang tagapagbantay namin dito  at tumambad si  Sylvester na may dalang bulaklak

"Maiwan ko po muna kayo Binibini" sabi ni amelita at umalis na siya..

"Magandang Umaga Esperanza" ngumiti siya sakin

"Magandang Umaga din Ginoong Sylvester" Wala akong ganang sabi sakanya. ayoko maging masama pero wala talaga ako sa mood ngayon

"Para sayo nga pala itong bulaklak. Sana ay magustuhan mo" binigay naman nya anhg bulaklak saakin

"Salamat" ngumiti nalang ako ng pilit at naglakad kami sa hacienda

"Kinalulungkot ko ang nangyari sainyo ni Eduardo." napatigil ako sa paglalakad at muli ko uli syang tinignan

"Kung nandito ka para kaawaan mo ako.ayos lang ako wala ka dapat Ipagalala.  Bakit ka naparito ? ano ang pakay mo?"pagtatanong ko sakanyaa

"Gusto kong tignan kung ayos ka lang. nandito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan katulad ng ginawa niya. Mahal kita Esperanzaa. Mahal parin kita. Ngayon wala na si Eduardo. Pwede bang ako nalang ang pumalit sa presensya niya? pwede bang ako nalang ang mahalin mo?" Napatigil naman ako sa lahat ng salita na binitawan niya. nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko namalayang nasampal ko na sya

"Hindi mo kayang palitan ang pagmamahal ko sakanya. Mahal ko parin siya Sylvester! at walang makakapantay  ng pagmamahal ko sakanyaa kahit masakit na! kahit iniwan niya ako. kaya kung pwede lang. Layuan mo na ako." tumakbo ako papalabas ng mansyon. Akala ko madali lang na kalimutan ko sya. ang hirap pala. ang hirap kalimutan ng taong minahal mo ng sobra sobra. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito dahil kahit nung nasa hinaharap ako hindi ko pa naranasan umibig ng ganto.

Hanggang sa may nabangga ako. Isang Magandang babae,  parang magkaedad lang kami

"Ayos ka lang?" wika ng babae at tinulungan ako tumayo

"A-ayos lang ako"ngumiti ako ng pilit sakanya

"Ako nga pala si Cora, Cora Buenaflor. Ikaw? Ano ang pangalan mo?"tanong niya saakin

"Esperanza,Esperanza Trinidad" maikli kong sagot sakanya

"E-Esperanza?" Pautal utal niyang sabi

"May problema ba?"pagtataka kong tanong sakanya

"Ah Wa-wala. Mauuna na ako Esperanza. Nagagalak akong makilala ka."at tumalikod na siya saakin at naglakad na papalayo. Ano kaya problema ng babae na yun? Weird.

Naupo muna ako sa isang upuan na gawa sa kawayan. Maraming puno ang nakapaligid dito pati na rin ang mga halaman.Napa buntong hininga nalang ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko akalain na makakapunta ako sa nakaraan at napaibig ako sa isang lalaki na may matangos ang ilong, Magandang mga mata,Matangkad at iba pa. Siya rin ang lalaking nagpaiyak at dumurog sa puso ko.

"May dahilan ang mga nangyayari Esperanza kaya wag kang magalala"nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Si Binibining Victoria pala.

"Binibining Victoria! Antagal na po nating hindi nagkitaa"napayakap ako sakanya at biglang tumulo ang luha ko. Di ko alam pero siguro dala na rin sa mga pinag dadaanan ko.

"Sofia, sa lahat ng pagsubok na haharapin mo, lagi mong tatandaan ang sinsasabi ko. Tatagan mo ang loob mo at Manalangin ka sa Diyos humingi ka ng tulong niya dahil siya lang ang makakaintindi sayo ng nararamdaman mo ngayon." napahigpit ang yakap ko sakanya

"Kailan po ba ako magiging masaya? Kahit nasa hinaharap ako malungkot na ako dahil iniwan kami ni Papa nung maliit palang ako. Hindi ko na po kaya Binibining Victoriaa"patuloy parin ako sa pag iyak at nararamdaman kong tinatapik ni Binibining Vitoria ang likod ko para pakalmahin ako

"Sofia, Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya tayo. Hindi sa lahat ng panahon nakukuha natin ang gusto natin. Siguro may dahilan ang mga nangyayari sayo. May magandang darating sayo. Mag tiwala ka lang sakanya " tumingin naman ako kay binibining victoria

Siguro nga tama sya. Kailangan ko lang tatagan ang nga pagsubok na dumadating sakin dahil hindi naman sakin ibibigay itong mga pagsubok kung hindi ko naman kayaa

Salamat dahil may isang Binibining Victoria akong nakilala .

-------------

Sorry po di po ako nakapag update kagad hehe sorry po talagaaaa may ginagawa kase eh sooo ayoonn konting kembot nalang mag 5k reads naaaaaa so salamat po kahit antagal kong mag update binabasa nyo parinnn. Salamat po sa suportaaaaa! Naghihintay parin ako ng pasukan kase sa June 18 pa kami so asahan po natin na magihing busy ulet huhuhu pero isisingit ko po yung pag updatee
Salamat po ulettt mahal ko po kayoo

-BinibiningManunulat

Una't Huling PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon