Kabanata 20

811 25 1
                                    

                                                   Esperanza

Nagising ako dahil sa naramdaman kong may masakit saaking binti. minulat ko ang aking mata at nakita ko si Eduardo na nililinisan niya ang  sugat ko.

"Gising ka na pala Esperanza, Pasensya ka na nang dahil sakin nadaplusan ka tuloy ng bala. Hayaan mo gagaling na rini. yan ." wika ni Eduardo at nginitian niya ako

" Ayos lamang ako. Malayo ito sa bituka. Maraming Salamat sayo,Eduardo"  nginitian ko rin naman siya.

"Hindi, maraming salamat sa iyo,Esperanza. Kung hindi dahil sayo ay wala akong lakas para makalabas ng Fort Santiago at sana ay mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko sa iyo. hindi ko ibig na sa masaktan ka. " bigla siyang lumungkot pagkasabi niya iyon, mararamdaman mo na totoo ang mga sinasabi niya. Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha.

"Wala na iyon, Eduardo. Naiintindihan kita sa ginawa mo. Huwag ka na umiyak, Huwag na natin ibalik ang mga masasakit na ala-ala magsimula tayo ulit ng mga masasayang ala-ala kaya ngumiti ka na sige ka papangit ang iyong mukha." pabibiro kong sabi kay Eduardo at pinunasan ko ang kanyang mga luha at nginitian ko naman siya

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang pamilyar na lugar. Alam ko ay napuntahan na namin ito ni Eduardo. Nakita ko ang mga katipunero na ginagamot ang mga sugat ng kapwa katipunero nila

"Nasaan tayo Eduardo?" tanong ko kay Eduardo

"Nandito tayo sa lihim na lugar ng katipunan, Dito ay nagsasagwa ng pagpupulong kung may gagawin man kaming hakbang sa pakikipaglaban sa kastila" sabi ni Eduardo saakin at niligid ko pa lalo ang aking mga mata. pinilit kong tumayo sa hinihigaan ko.

"Huwag ka muna tumayo Esperanza, baka mas lalong sumakit ang sugat mo" Pagaalala na sabi ni Eduardo sakin bigla naman akong napangiti sa pagaalala niya. wala lang, namiss ko yung dating ala ala na wala pang pagsubok na dumadating saamin .

"Ayos lang ako Eduardo, Huwag mo ako intindihin " pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng sugat ko. inalalayan ako ni Eduardo na lumakad nakita kong maraming nasugatan dahil sa ginawa naming pag sugod sa mga kastila

"Ginoong Eduardo! Ginoong Eduardo!" isang katipunero na nangmamadaling pumunta sa pinaroroonan namin ni Eduardo

"May problema ba Macario?" pagtatanong ni Eduardo doon sa katipunero. Kinabahan ako dahil parang may nangyayaring di maganda.

"Ang iyong ama .." nabahala bigla si eduardo sa sinabi ni Macario

"Ano ang nangyari kay ama?!!!!!!" pasigaw na sabi ni Eduardo

"Dinakip ng mga kastila ang iyong ama at ina kasama na rin ang iyong kapatid na si Ginoong Alberto narinig kong ipapatapon sila sa Cebu pansamantala pero sa isang buwan ay ililipat sila sa Dapitan upang doon pahirapan" nakita ko sa mga mata ni Eduardo ang mga luhang pumapatak kasabay nito ang galit na nararamdaman niya sa mga kastila.

"Luluwas ako papuntang Cebu.Kinabukasan ng takipsilim ay maghahanda na ako sa aking pagluwas" wika ni Eduardo saamin

"Gusto rin namin na samahan ka Ginoong Eduardo" sabi ni Macario kay Eduardo

"Hindi muna maaari, Macario. Alam kong karamihan sainyo ay napagod dahil sa pagsugod niyo sa Fort Santiago kanina dahil sakin at Marami pa sainyo ang hindi pa nagagamot ang mga sugat. Kaya marapat lang muna kayong magpahinga"  sagot naman ni Eduardo sa sinabi ni Macario

"Pero..."magsasalita dapat si Macario ngunit pinigilan siya ni Eduardo

"Iyon ang ang aking bilin,Macario.
Maghanda kayo sa darating na araw. Nalalapit na ang pagdanak ng dugo. Ipaglalaban natin ang kalayaan ng pilipinas!"

"K A L A Y A AN!!!!!" sigaw ng mga katipunerong punong puno ng galit sa mga kastila. Handa silang ibigay kahit ang kanilang buhay para lang sa kalayaan ng ating bansa

"

Esperanza, ihahatid na kita pauwi. Baka hinahanap ka na ng iyong Ama at ina." Sabi ni Eduardo saakin at ngumiti siya. Kahit nakangiti siya ay nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagaalala niya sa kanyang pamilya.

"Sasama ako saiyo" sabi ko kay Eduardo

"Hindi maaari Binibini, mapanganib roon, ayaw kong may mangyayaring masama saiyo"

"Pero Eduardo, Hindi ako mapapalagay sa iyong kalagayan doon sa Cebu. Alam kong mapanganib doon, Sabay natin itong haharapin Eduardo. " pagpilit ko kay Eduardo. Totoo naman eh, mapanganip nga sa Cebu lalo na't nandun ang mga iba pang kastila.

"Pero Esperanza...."

" Nasasaktan ako pag nakikita kong nasasakatan ka. Nakikita ko sa iyong mga mata ang pagkabalisa mo, alam kong nagaalala ka sa iyong pamilya, kaya sana hayaan mo akong tulungan kita Eduardo." Matapos kong sabihin lahat na iyon ay Hindi ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko.

"Napakabuti mo, Esperanza. Kahit na si Ama ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay. Kahit na nasaktan kita ng sobra sobra." Pumatak naman ang luha ni Eduardo at sa pagkakataong iyon ay yinakap ko siya

"Dahil ganoon kita kamahal Eduardo. Kahit na sinaktan mo ako noon. Wala akong pakielam kasi mahal kita"

"Magkita tayo sa tapat ng iyong hacienda sa pagsapit ng takip silim ay aantayin kita roon. Magdala ka ng iyong kagamitan" tumango naman ako at hinatid na ako ni Eduardo sa aming hacienda at palihim akong pumasok sa loob

Nang buksan ko ang pinto ay tanging sa silid kainan lamang. Umakyat ako para magayos ng aking gagamitin at pinilit kong huwag ingay para hindi mahalata ang aking pagdating

"Binibining Esperanza?" Nagulat ako ng biglang may tumawag saakin. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si..

"Amelita" wika ko

"Bakit po magbubukang-liwayway na po kayo nakabalik? Siyaka po bakit po hindi po kayo makapaglakad ng maayos?" Sunod sunod na tanong saakin ni Amelita

"Ah kasi nakalimutan kong umuwi kanina. Inaya kasi ako ng aking kaibigan na matulog muna sakanila at may sugat kasi ako sa paa eh pero ayos lang naman ako hehe" pilit na tawa ko kay Amelita

"Ah Ganoon po ba? Sige po mauuna na po ako. May aayusin pa po ako" sabi ni Amelita

Tumango nalang ako at pumunta na ako saaking silid. Inayos ko na ang mga kailangan kong dalhin. Habang nagaayos ako ay may nakapa ako sa ilalim ng aking kama. Tinignan ko iyon at nakita ko ang sandatang binigay sakin ni Eduardo noong pasko. Eto rin ang muntikang tumapos ng buhay ko. Dinala ko rin ito. Nagsulat ako sa aking talaarawan

Nasaktan man ako sa aking ginawa , sa pagligtas kay Eduardo ay wala akong pinagsisihan saaking ginawa pati na rin ang aking desisyon na sumama kay Eduardo para iligtas ang kanyang pamilya. Hindi ko pinagsisihan ang pagbigay muli ng pagkakataon ang pagiibigan namin ni Eduardo.
Ganoon naman diba pag nagmamahal?

-Esperanza
-------------------------------------------
Waaahhh! Nakapagupdate na rin sawakas. Pasensya na kung halos isang buwan akong hindi nakapag update kasi maraming dapat ipasa at exam din namin last week so sorry talagaaaa. Sana 'wag parin kayong tumigil sa paghihintay ng susunod na kabanata. Sembreak na rin namin sawakaaass susubukan kong makapag update ulit! Salamat sa patuloy na nagbabasa nito
HAPPY 8K READS! at malapit na siyang mag 9K READS! MARAMING SALAMAT SAINYOOO!
❤❤❤❤❤❤
-BinibiningManunulat

Una't Huling PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon