"Hey.." pademure na bati dito ni Cha-cha sabay beautiful eyes. Natawa ako bigla. Mukha kasing tanga.

"Ang sarap mong hambalusin Cha-cha, mukha kang gaga," wika ko, agad namang nahinto ang pagbu-beautiful eyes ni Cha-cha nang dahil sa sinabi ko. Nanlilisik ang mga mata at nakangusong tumingin ito sa akin.

"Panira ka din talaga ng ganda moments, bakla. Kahit kailan talaga," pataray nitong wika kaya nagkatawanan naman kaming lahat.

"Oh, may cute na chikiting," wika ni Aries nang makaupo sa tabi ni Mommy.

"Ah, yeah. Meet Koala, baby ni Sharri," natatawang wika ni Mommy. Nagtatanong naman ang mga matang tumingin sa akin si Aries. Nagkibit-balikat lang ako. Pagkatapos ay tumingin ito kay Koala.

"Hi Koala!" bati nito sa batang maliit na duming dumi ang mukha dahil sa chocolate na kinakain.

"Hello po," sagot ng bata na hindi man lang tinitingnan si Aries. Masyado itong focus sa kinakain.

"Mommy mo si Sharri?" nakangiting tanong ni Aries.

"Yuppy," sagot dito ni Koala,

"Then who's your dad?"

"Daddy Gian," walang kakurap-kurap na sagot ni Koala kay Gian. Halata namang nagulat si Aries. Napa-ehem naman na parang ewan si Cha-cha.

"Guys, mabuti pa, iprepare ko na ang breakfast nang makakain tayo ng sabay sabay. Dalhin ko na ang cake na ‘to sa kitchen." wika ni Mommy na tumayo na. Tumango na lang kami.

Nang makaalis si Mommy eh muling nagsalita si Aries.
"Sharri is your mommy, and Gian is the name of your daddy? Are you sure about it little girl?"

Nag angat nang tingin dito si Koala. Bubuka na sana ang bibig nitong punung-puno ng chocolate nang bigla na lang ay..

"You heard her right. Sharri's her mom, and I’m his dad. Why? Do you have any legal questions about it?"

Lahat kami ay napatingin sa bagong dating na nakatayo sa harap namin, si Gian. Pawis na pawis ito. Para bang naglaro ito ng basketball dahil nakasuot ito ng panlaro at may dala dala itong bola. Nakasabit din sa balikat nito ang isang puting towel.

Tae. Pawisan na yan, pero bakit parang mas napakagwapo pa rin sa paningin ko?

"Pare, ikaw pala. Wala naman, naaaliw lang ako kay Koala that's why I asked it."

Ang gwapong lalakeng si Gian naman ay nagkibit balikat lang . "Okay. Akala ko kasi may problema ka. Kung may reklamo ka, pwede kang magfile ng ano mang complain sa korte, handa akong ipaglaban ang mag-ina ko," wika ni Gian na naglakad papalapit sa amin.

Rinig na rinig ko kung paano tumawa ng malakas si mommy na kasalukuyang nasa kusina dahil obvious na narinig nito ang sinabi ni Gian. Si Cha-cha naman ay napahagalpak din ng tawa. At ako? Napalunok ako. Bakit parang humaba ang buhok ko at tila natatapakan na ni Cha-cha.

Lahat sila ay tumawa maging si Aries. At ako lang ata ang isolated ang reaction dahil wala akong masabi. Alam kong biro lang ni Gian ang sinabi niya pero hindi ko maiwasan ang mamula.

Letse kasing Gian, kung anu-ano ang lumalabas sa bunganga.

Lumapit si Gian sa akin at laking gulat ko ng hawakan nito ang kamay ko. Parang huminto na naman ang mundo ko. Akala ko ay hahawakan nito ng matagal ang kamay ko, iyon pala ay kukunin lang nito ang pangtali ko sa buhok na nakasuot sa kaliwang kamay ko.

"Teka, anong gagawin mo sa----"

"Good morning, Sharri," wika ni Gian sabay naglakad papunta sa likod ko at itinali ang buhok ko pataas. Tumikhim si Cha-cha samantalang seryosong nakatitig sa amin si Aries. "Ang gulo ng buhok mo, pero ayos lang. Cool pa rin naman. There," wika ni Gian matapos itali ng basta basta ang buhok ko, bunny style.

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now