Bigla na lang itong naging malambing. Naninibago siya.


Marahan siyang tumango. "Y-yeah..."


Nagmamadali itong umalis sa kama. "Tamang-tama, nakaluto na ako."


"Anong niluto mo?" Nakamasid siya rito. Suot pala nito ang damit niya, nangialam na pala ito sa closet niya. Anyway seeing her wearing his shirt was okay and... sexy. Nagustuhan niya pa nga... at tila gusto niyang mainggit sa damit niyang free na free na nakalapat sa malambot na katawan nito.


Ubod tamis itong ngumiti sa kanya. "Kare-kare. Sabi ni Leo paborito mo raw iyon."


"Marunong kang magluto ng kare-kare?"


"Actually, hindi masyado. Masyado kasing magastos lutuin iyon pero marunong akong magluto ng ibang putahe. At dahil paborito mo nga ang kare-kare ay titiyakin kong mama-master ko iyon." Kumindat ito sa kanya.


Napahawak siya sa kanyang dibdib. Biglang bumilis ang tibok ng kung ano mang nasa loob niyon habang nakatingin siya kay Camilla. Napailing siya pagkatapos.


Tumalikod na si Camilla sa kanya at masiglang tumungo sa pinto ng kwarto. "Halika na sa kusina," yaya nito bago siya tuluyang iwanan.


Saglit pang natulala siya bago niya mapagpasyahang sumunod sa babae sa kusina ng kanyang condo.


"Ang bango, ah..." Nasa bungad pa lang siya ay naamoy niya na ang aroma ng niluto nitong putahe.


"Here's your kare-kare." Inilapag ni Camilla sa gitna ng mesa ang malaking bandehado. Umuusok pa ang laman niyon.


Naupo siya sa isang silya.


"Habang tinitingnan ka ni Doc ay inaasikaso ko itong pagluluto." Sinalinan siya nito sa platong nasa harapan niya.


Kumuwit siya at tinikman ang luto nito. Sa totoo lang kasi ay sa ate Aria niya lang na karekare ang kasundo ng kanyang panlasa. Ngunit ang niluto ni Camilla? Kahit medyo maalat ay nagustuhan niya.


"Anong lasa?" excited na tanong nito.


Napatitig siya sa mukha nito. Ang mga mata ng dalaga ang nanlalaki at bahagya pang namumula ang makinis nitong pisngi. Hindi ito ganoon kaganda ngunit maganda ito. At sa mas matagal na pagtitig dito ay doon mo masasabing maganda nga ang dalaga... lalo na kapag mapapatingin ka sa manipis nitong mga labi.


Kumibot-kibot ang labi nito. "Hoy Hendrick, hindi ba masarap?" nag-aalalang tanong nito dahil sa pananahimik niya.


She looked so cute when her lips pouted like that. Sa kainosentehan ng mukha nito ay nabuhay na naman ang isang parte ng katawan niya.


Bigla niyang ipinilig ang ulo niya at saka sinagot ang tanong nito. "M-masarap..." aniya, ngunit sa dibdib siya ni Camilla nakatingin.

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now