Chapter 7: My life was over.

959 60 10
                                    

SEPTEMBER 23, 2019

​The dark and painful bruises on her mother's ankles clenched Matilda's heart. Hindi niya nagawang tagalan ang awa at sakit na iyon sa dibdib. Just when she was about to leave the room, narinig niya ang mahinang pagtawag ng kanyang ina sa kanyang pangalan.

​"Matilda... anak..." Unlike before, mababakas ang katinuan sa boses ng kanyang ina.

​ Matilda looked at her with hopeful eyes. Unti-unting nabuo sa kanyang puso ang pag-asang lihim niyang ipinagdarasal nang makita niyang naka-upo na sa lumang mattress ang kanyang ina.

​"Halika dito. Lumapit ka, anak."

​ Dahil na rin sa pagkasabik niya sa kanyang ina, mabilis at walang alinlangan siyang lumapit doon.

​ Isang mainit at mahigpit na yakap ang ibinigay nila sa isa't-isa.

​ Tears fell from Matilda's eyes as she felt the love she was missing from her own mother.

​ Matapos ang yakap na iyon, pinunasan ng kanyang ina ang basang pisngi ng dalaga. Then she smiled painfully.

​"Ma, okay ka na? Gusto mo bang magpacheck-up muna tayo sa hospital? May kaunting pera pa akong--"

​"Matilda, hindi na kailangan." She pressed Matilda's hands carefully. "Okay na ako. P'wede ba, anak, tanggalin mo na 'tong nakatali sa akin? Hirap na hirap na kasi akong gumalaw." Nang makita niyang napa-isip at mukhang nag-aalala ang kanyang anak, mabilis niyang kinuhang muli ang atensyon nito. Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. "H'wag kang mag-alala, anak. Magaling na si mama. Gusto sana kitang ipagluto o kaya naman maglilinis na lang ako ng bahay. Gusto ko lang talagang makabawi sa'yo."

​ Hindi na nakatanggi si Matilda. Kinalag niya ang makalawang na kadena bago niya tuluyang iniwan ang kanyang ina upang pumasok sa eskwelahan. Sa loob-loob ay iniisip niya na hindi naman siguro magtatangkang magpakamatay muli ang kanyang ina. She remembered vividly those times na nadatnan niyang magsusuicide ito. Unang beses ay noong kakalipat pa lamang nila sa lumang mansion. Tinangkang sunugin ng kanyang ina ang bahay. Pangalawa ay nadatnan niyang tatalon ito mula sa mismong bubong ng mansion.

​ Nakakabinging tawanan ang sumalubong kay Matilda sa pagpasok niya sa kanilang silid-aralan. Nakamasid sa bawat galaw niya ang mga mata ng bawat estudyanteng nasa loob. Ramdam niya ang insulto na ipinaparating ng bawat isa. Gayunpaman ay nagpatuloy siya sa kanyang nakasanayang upuan sa dulong sulok ng kwarto. Naupo siya doon na parang walang pakialam sa mundo.

​"Sayang! Dapat pala natiming na nandoon sa apartment si Kuya Anjo! Kung nagkataon pala, wasak na wasak siya ngayon!" It was Reina's annoying voice. Nasundan ang pagpaparinig niya ng tawanan ng mga kaklaseng nakapaligid sa kanila.

​ Alam ni Matilda na ang pinag-uusapan ng mga bully niyang kaklase ay ang nangyari sa kanya noong Sabado. Mayroong sama ng loob na unti-unting nagpaparamdam sa kanyang dibdib nang dahil sa hindi magandang karanasan na iyon. She wanted to scream and curse everyone, ngunit nagawa niyang isupress ang nadarama at itago na lamang iyon sa pamamagitan ng pagpikit at pagyukom ng kanyang mga kamao na nakatago sa ilalim ng kanyang armdesk.

​ Natigil lamang ang pagpaparinig at tawanan ng mga estudyante nang dumating ang kanilang guro sa unang asignatura.

​ Sa paglipas ng oras at pagdating ng lunchbreak, Matilda was left alone inside the room. She had nothing to eat. Balak niya sanang umidlip na lamang upang makalipas ang kanyang gutom, ngunit naudlot iyon nang lapitan siya ng muse ng kanilang klase na si Hasmin Castillo. Mayroon itong ipinatong na isang orange juice at sandwich sa armdesk niya. She looked upon her angelic face, asking kung bakit siya nito binibigyan ng pagkain.

Matilda's Alibi [COMPLETED]Where stories live. Discover now