Chapter 4: Weak will always die.

1K 59 5
                                    

​     IT was an unfortunate day for Matilda

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

​     IT was an unfortunate day for Matilda. Bukod sa kumukulo niyang tiyan, biglaan ang pagkakatanggal niya sa part time job niya sa ET Restaurant. Ang ibinigay lamang na dahilan sa kanya ng supervisor ay kailangan nilang magbawas ng tauhan. Nakatanggap lamang siya ng 600 pesos bilang huling sweldo.

​     Dahil alas-diyes ng gabi pa ang susunod niyang part time job, hindi siya nagdalawang isip na dumaan muna sa pinakamalapit na convenience store sa lugar na kinaroroonan niya. Pinag-isipan niyang mabuti ang mga pagkain at personal hygene needs na talagang kailangan niya lamang. She even computed the prices mentally.

​     Ngunit nang magbabayad na siya, ang presyo na binanggit ng lalaking nasa counter ay mas mataas sa presyong na-compute at napaghandaan niya.

     ​"497?" She was surprised. Sigurado siyang 315 lamang ang total ng kanyang pinamili.

     ​"Ah, kasi ma'am..." Sandaling sinulyapan ng lalaki ang grupo ng mga estudyanteng nakatambay sa labas ng convenience store. Itinuro niya ang grupong iyon sa dalagang customer. "Sabi ng mga kaibigan mo, ikaw daw ang magbabayad ng mga kinuha nila."

​     Nagkuyom ang mga kamao ng dalaga. Nalukot ang buong limangdaang papel na nasa kanang palad niya. Isang malaking pagkakamali na doon pa siya namili. Nawala sa kanyang isip na maaaring naroon ang grupo ng mga bully niyang kaklase dahil malapit lamang ang convenience store na iyon sa Victoria High. It was a mistake, ngunit wala na siyang magagawa pa. Ayaw naman niyang makipag-away pa sa mga sigang estudyante. Masasayang lamang ang kanyang oras. Kapag naman hindi niya binayaran ang mga pagkain na kasalukuyang nilalantakan na ng mga patay-gutom, siguradong lalo siyang pag-iinitan sa eskwelahan. Dahil doon ay labag sa loob niyang inabot sa lalaking nasa counter ang lukot na limangdaan.

​     Matilda received her 3 coins change at mabigat ang loob na lumabas ng convenience store.

     ​"Matilds!" Someone called her.

​     Hindi tinapunan ng tingin ni Matilda ang grupo ng mga bully. Dere-deretso siya. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay biglang may pumatong na kamay sa kanan niyang balikat. Mabigat iyon kaya't wala siyang ibang nagawa kung hindi ang tumigil sa paglalakad.

​     The heavy hand belonged to Reinalyn Dumaga. Nakangisi itong pum'westo sa harapan ni Matilda. "Nagmamadali ka ba o iniiwasan mo lang talaga kami? Tinawag kita, ah! Hindi mo ba ako narinig?" Inilapit niya ang puro koloreteng mukha sa dalaga. "Bingi ka ba?" Nadako ang atensyon nito sa bitbit na brown paperbag ni Matilda. Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi niya.

​     Hindi na naka-iwas si Matilda sa mabilis na pagpulupot ng braso ni Reinalyn sa leeg niya.

     ​"Hoy, Reina! Tama na 'yan! Hayaan mo na si Matilda!" Lean yelled. He was quite worried, pero hindi sapat ang nararamdaman niyang iyon para tuluyang pigilan ang kamalditahan ng kaibigan. He remained sitting comfortably, habang kinakaladkad ni Reinalyn si Matilda papasok sa eskinita na ilang metro lamang ang layo sa convenience store.

Matilda's Alibi [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang