Sa pagkakatingin sa dalawa ay biglang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Alexa. Kung anu-ano na rin ang tumakbo sa isip niya.

Ibinaling niya ang tingin kay Aya. "Ouch... nawala lang ako ng ilang araw, nakahanap ka na kaagad ng iba?" Pabiro bagamat labis ang hinanakit na pahayag ng palalong babae. 'Ang sakit naman...' Ang akala niya ay si Yuna lang ang karibal niya. At oo nga't mukhang hindi na muling manggugulo ang witch, pero may epal na namang bagong sumulpot.

"Huh???" Napamaang na tanong ni Aya sa sinabi ni Alexa.

Nagkatinginan silang dalawa ni Ivy. Pinasadahan ng tingin ang bawat isa... Parehong seryoso ang mukha. Tuluyan nang nawala ang antok ng dalawa.

Maya-maya pa'y sabay na napabunghalit ng tawa.

Si Alexa naman ang napamaang sa dalawa. "Anong nakakatawa?" Naguguluhang tanong niya. 'Nakakaloko 'tong mga 'to ah... Heto ako't seryoso dito,' ang himutok sa sarili.

"Oh, gosh... That was really funny," napapahid sa mga mata si Ivy nang humupa na ang tawa. Inalis na ang kamay sa pagkakapatong mula kay Aya.

Si Aya ay nagpahid na din ng mata habang panaka-naka pa ring tumatawa.

"So... I'm guessing that this is Alexa?" Said Ivy, an amused look was on her face.

"Wala nang iba..." replied Aya with a slight roll of her eyes.

Alexa was still dumbfounded. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.

"She's just how you described her," the journalist commented.

"Sabi ko sa'yo 'di ba? She's a little not right on the head," the designer responded.

Alexa's eyes were following from one to another as the two women spoke. "Uh... guys... I'm just right here..." she said, frowning. She crossed her arms, a bit annoyed.

The two released another amused laugh.

"Oh... It's nice to finally meet you, Alexa. I'm Ivy," magiliw na pagpapakilala ng journalist. Ngayon pa lang ay mukhang magaan na ang loob niya sa babae. She extended a hand for Alexa to take.

The silly woman just looked blankly at the hand in front of her. "I don't feel nice meeting you," Alexa stated rather indifferently. "How dare you take Aya from me? Hindi ko pa nga siya naliligawan eh..." parang batang nagtatampo na wika pa.

The journalist's lips twitched in amusement. "What are you talking about?" She asked, chuckling.

Aya who was watching, rolled her eyes and decided to intervene, "she's just my friend, you idiot," she told the scowling Alexa.

"Friend?" The silly woman repeated in question.

Aya rolled her eyes again. "Oo. Childhood friend ko siya. Dati rin silang nakatira dito sa lugar namin."

Alexa scratched her nape and realized her foolishness. "Oh... Friend lang pala... hehe..." she said sheepishly. She looked apologetically at Ivy, who still had an amused look on the face. "Sorry ha..." still scratching her nape, she apologized.

Ivy chuckled good-naturely. "Nah...It's totally fine," she waved-off "Siguro kung ako ikaw, ganoon din ang magiging reaction ko," nakangiti pang saad.

"Binabawi ko na nga pala 'yong sinabi ko kanina... " nahihiyang wika ni Alexa, bahagyang nakatungo ang ulo "It's really nice knowing you," sabi pa na siya nang kumuha ng kamay ni Ivy.

Natawa na lang ulit si Ivy. "Uh-huh... magtatanong din muna kasi bago mag-react, ha?" Nangingiting tugon.

Napakamot muli sa batok si Alexa. "Akala ko kasi..."

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now