Chapter Fifty-Two

Start from the beginning
                                    

Tinignan ni Tatang ang forms at napahinto sa isa.

"Pendleton. Tammy Pendleton. Isa nga siyang Pendleton. Haaah..." bumuntong hininga si Tatang.

"Tang!" bati ni Banri sa ama. "Dumating na po ba yung bago kong boxing gloves?"

"Banri, labas!"

"Ah?"

"Walang training ngayon."

Tumawa si Banri. "Tinetest mo na naman ba ako Tatang? Diba po kayo ang may sabi na dapat ako'ng bumawi sa mga nawalang araw noong na-ospital ako?"

"Sinabi ko nang walang training! Umuwi ka na. O tulungan mo ang ate mo sa restaurant nila. Basta hindi ka pwedeng gumamit ng gym ngayon."

Takang tinignan ni Banri ang kanyang ama. Ano ba ang nakain nito ngayon at parang kakaiba ang kilos?

"Chee~?" maging ang sisiw sa ulo ni Banri ay nagtataka rin.


***


"Planking ng fifteen seconds, at crunching ng thirty minutes. Ginawa ko iyon lahat para lang dalhin mo ako sa lugar na ito, Tammy? Joke lang ba para sa iyo ang paghihirap ko?" tanong ni Willow sa walang konsensya niyang kaibigan. Hanggang ngayon ay masakit parin ang katawan niya dahil sa exercise.

"Well done, Pillow. Treat ko 'to sa'yo. Bakit parang hindi ka masaya?" clueless na tanong ni Tammy.

Hindi alam ni Willow kung totoong clueless nga ang kaibigan. Pero hindi niya talaga matagalan. Bakit ba palagi siyang pinapakain ng kaibigan niya? Parang gusto siya nitong patabain?

"Sa tingin mo sasaya ako kainin 'to matapos ko'ng mag-gym?! Para saan ang paghihirap ko? Huhuhu..."

Tinignan niya ang mga nakahain na pagkain sa mesa. Spaghetti, carbonara, chicken, rice, pizza, pancake, at clubhouse sandwich. Sa tingin ba ni Tammy, mauubos nilang dalawa lahat nang ito? Hindi pa kasama ang desserts dito! Brunch daw? Brunch my butt!

Patuloy sa pagkain si Tammy at hindi na siya pinansin pa.

"Tammy, you jerk!"

Pinanood niya si Tammy na kumain. Naiinggit talaga siya rito dahil hindi ito tumataba kahit na ang daming kinakain. Saan ba napupunta ang mga iyon?

Hindi alam ni Willow na pumupunta si Tammy sa Greywolf HQ tuwing wala itong ginagawa. Doon ito dumadaan sa pagsasanay. Bukod doon, mayroon din itong teacher na nagtuturo rito ng martial arts.

"KING!" tawag ng isang lalaki. Lumapit ito sa lamesa nila.

"Kilala mo Tammy?" tanong ni Willow. Parang namumukhaan niya ang mga ito.

Tinignan ni Tammy ang palapit na mga lalaki. Kilala niya ang mga ito. Natatandaan niyang kaibigan ni Banri ang dalawa. Nakita niya rin si Banri na nakasunod sa likod ng dalawang lalaki.

"King, nandito ka rin pala," bati ni Bo.

"Uy, King, pwede ba kaming maki-share ng lamesa?" tanong ni Gun.

"Sige," payag ni Tammy.

"Ayos! Ah?" napatingin si Gun sa lamesa. Puno ng pagkain. "King, may iba ka pa bang kasama?"

"Wala! Wala! Since, hindi namin mauubos 'to, hwag na kayong um-order. Libre 'to lahat ni Tammy," masayang sabi ni Willow. Kahit na ayaw niyang may abala sa kanila ni Tammy pero nakakahinayang talaga ang mga pagkain na in-order ng kaibigan niya.


***


"Kumusta ang sugat mo?" tanong ni Tammy kay Banri habang naglalakad sila sa shopping district.

"Magaling na ang sugat ko, King. Nag-umpisa na ulit ako sa training ko."

Tumango si Tammy at nanatili ang katahimikan sa kanilang dalawa. Sa likod naman ay masayang nag-uusap ang tatlo. Nakakagulat dahil mabenta ang jokes ng dalawang lalaking kaibigan ni Banri kay Willow. Kanina pa niya ito naririnig na tumatawa.

Pinagpapawisan si Banri habang nag-iisip. May gusto sana siyang ipagtapat kay Tammy ngunit hindi niya magawang sabihin. Naalala niya ang sabi ng kanyang Tatang, bawal siyang ma-inlove kay Tammy. Kahit sino ay pwede, hwag lang sa kanya. Hindi niya maintindihan ang paliwanag ng kanyang Tatang basta pinagbawalan siya nito.

Ngunit nang marinig niya kay Tatang iyon, saka niya narealize na nahulog pala siya sa King ng mga freshmen. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ito ang Unang beses na nagkagusto siya.

"King, may sasalihan akong tournament. Kapag nanalo ako, may sasabihin ako sa'yo."

Kumurap si Tammy sa narinig. Bakit kapag nanalo pa? Pero hindi na niya itinanong ito.

Tumango siya. "Sige, hihintayin ko. Sana manalo ka."

Ngumiti nang malapad si Banri. Napuno ng motivation ang kanyang puso at isip. Dapat ay manalo siya. Tiyak na sisiguraduhin niyang mananalo siya!


***


Linggo, araw ng festival. Ito ang araw na pinakahihintay ng lahat. Muling nagbukas ang school ng Pendleton High para sa mga taga-labas upang makilahok sa kanilang pagdiriwang.

Ipinagdiriwang nila ang kauna-unahang pagkapanalo ng kanilang school sa Quiz Bee. Mailalagay ito sa wakas sa history ng Pendleton High.

Ang main attraction ng festival ay ang mga sikat na banda na mag-uumpisang tumugtog mamayang six pm.

Sa ngayon, masayang naglilibot ang mga tao sa booths. Karamihan ay booths ng mga pagkain na galing sa iba't ibang bansa ang recipes. May mga picture booths at ibang booths na pwedeng maglaro upang makakuha ng iba't ibang prizes.

"Doon tayo, Tammy!" turo ni Willow sa picture booth habang may hawak na rainbow ice cream. "Pakuha tayo ng picture!"

"Okay," payag ni Tammy at hinayaan niya ang sarili niyang matangay ng kaibigan. Masaya siya dahil napakain niya ng ice cream si Willow.

Marami silang pinuntahang mga booths. Pinapanood ni Tammy si Willow na may hawak na dart at ibinabato sa balloons na target.

"Ack! Bakit ayaw tumama?" tanong ni Willow. "Tammy, try natin yung iba pa."

"Okay," hindi mabilang na ulit ni Tammy.

Naglakad sila paikot sa Pendleton High. Tanghali na at parami nang parami ang mga tao na pumapasok sa school nila. Maraming tao ang naging curious sa Pendleton High dahil sa malaking ingay na nangyari online. Ang iba sa mga bisita ay galing pa sa mga malalayong lugar.

"Tammy punta tayo ron!" turo ni Willow sa nagbebenta ng inihaw na mais. Ngunit wala siyang narinig na sagot. Lumingon siya sa pwesto ni Tammy. Nagulat siya nang hindi na niya ito makita sa paligid.

"Tammy?"

Samantala, mabilis ang takbo ni Tammy habang may sinusundang lalaki. Naka-red hoodie at itim na mask. Hindi siya maaaring magkamali, si Blue iyon.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


***AN

Malapit na siyang matapos. Mga five chapters nalang siguro? or maybe less? I don't know. Maybe maglalagay ako ng extra chaps.

Para sa mga dating readers ng If I am Not a Human, inupload ko siya sa bagong title Werebeasts. Ineedit ko siya ngayon, hopefully matapos ko kaagad since malapit na itong matapos, makakapag-focus na ako ulit doon. 

High School ZeroWhere stories live. Discover now