Prologue

8 0 0
                                        

Nauubusan na ako nang hininga, any sooner i'll be suffocating. Walang humpay ako sa pagtakbo kanina pa.

Punom puno ng mga puno ang paligid, nasa gubat ata ako at hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito.

Nang may nakita akong malaking puno, sinubukan kong huminto muna sa pagtakbo at magpahinga. Siguro naman hindi niya ako makikita dito.

Naalala ko na, ang dahilan kung bakit ako nandito at tumatakbo ngayon, pati narin kung sino ang tinatakbuhan ko.

"Hey babe, you really love playing hide and seek huh?" nang marinig ko ang malambing niya boses. Kinilabutan agad ako.

Kung hindi ko lang kilala kung anong klaseng tao siya, siguradong kikiligin na ako sa sinabi niya.

Nakarinig ako ng mga lakad, at alam kong malapit lang siya.

Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng dulong bahagi para hindi niya ako makita, madilim narin naman. Hindi na niya ako makikita nito.

"Hey babe~ come out na! Napapagod na akong maghanap." his voice changes from sweet into kind of irratated tone na mas lalong kinakaba ko.

Tinawag ko na ang pangalan ng lahat ng Diyos na kinikilala ng bawat relihiyon para lang mailigtas ako sa gabing ito.

Sana hindi niya ako makita, sana hindi niya ako mahuli. Gusto ko pang mabuhay.

 

"Got yah!" May biglang sumulpot sa harap kong matangkad na lalaki

"Aaaaahhhhh!" napasigaw ako nang bigla niyang hawakan ang kaliwang braso ko.

Pinilit kong kumawala sa hawak niya pero sadyang malakas niya kaya wala akong nagawa kundi lumuhod at umiyak habang hawak hawak niya ang kaliwang braso ko.

"Babe, why are you crying? Did i hurt you?" lumuhod din siya para magpantay kami.

"Please.. Ayoko na.. Tama na.. Nasasaktan na ako.." sunod sunod kong pagmamakaawa sa kanya, habang tuloy tuloy ang paglabas ng luha ko sa mata.

Masyado akong mahina, hindi ko kayang iligtas ang sarili ko. Ito na ba ang katapusan ko? Pero marami pa akong balak gawin, may dapat pa akong itama, may gusto pa akong tuparin.

"Ssshh.. Dont cry, I'm always here. I'll never leave you." naramdaman ko ang pagpahid niya sa mga luha ko, mas lalo akong kinabahan lalo na sa binitawan niyang salita.

I. Need. To. Escape. From. Him.

Yung lang ang mga salitang tumatakbo sa isip ko, kailangan kong mabuhay.

"We're going home ba--Arrrggh!" kinagat ko ang kamay na nakahawak sakin kaya napabitaw siya, kasi diniin ko talaga ang ngipin ko.

Nag magkaroon na ako ng chance para tumakbo, walang lingon lingon ko siyang tinakbuhan.

"Babe!" narinig kong sigaw niya, pero wala akong pakialam kung anong mangyari sa kanya. Basta kailangan kong lumayo sa kanya. THATS ALL.

Sa kakatakbo ko hindi ko namalayan ang isang malaking ugat na naging dahilan ng pagkapatid ko. Tumama ang ulo ko sa isang maliit na bato, biglang nandilim ang paningin ko.





Ang bango ng paligid, amoy rosas. Para akong nakahiga sa gitna nang hardin na punom puno ng rosas.

Payapa ang paligid, walang ingay, walang panganib at wala siya.

O___________O

Teka lang---Nasa langit na ba ako?

Agad kong dinilat ang mata, pero isang kisameng puti ang tumambad sa paningin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MARRY THE PSYCHOWhere stories live. Discover now