Chapter 5

10 2 0
                                    

"San's POV"

Naupo ako sa may maliit na bench na nasa ilalim ng puno kaya malilim at hindi ako masyadong naiinitan hinihintay ko ngayon si Jacov dahil wala akong pasok ngayon. Medyo malayo kasi itong kinatatayuan ko kung saan ko nakita si Jacov katapat nito ang maliit na parke kung saan maraming bata ang naglalaro. Hindi naman kalayuan ngunit maikli lang naman ang pagitan.

Nakapagdesisyon na ako dahil pinag-isipan ko na ito kagabi pa at sumasang-ayon na ako sa alok niya.

'Pag-isipan mo muna...At kapag nakapagdesisiyon ka na... isigaw mo lang ang pangalan ko... dadating ako'

Bigla kong naalala yung sinabi niya kahapon. At ngayong nakapagdesisyon na ako ay isisigaw ko lang ang pangalan niya ay dadating siya.

Suminghap pa muna ako ng hangin saka sumigaw.

"Jacoooooovvv!!!" malakas na sigaw ko habang nakapikit at ng dahan dahan kong pagmulat ay nagitla ako sa nakita ko.

Tulad ng sabi niya ay isigaw ko lang ang pangalan niya at ngayon nandito na siya sa harap ko at nakangiti na naman ang bungad niya kaya nginitian ko rin siya at tumango.

dO__Ob

'Di kaya may kapangyarihan din siya?? P-Pano siya nakarating dito ng mabilis? Mabilis din kaya siyang tumakbo?'

'Ano ba 'tong nangyayari?? Tama ba 'tong pinasok ko??'

Hayyss.. bahala na. Nandito na eh... may magagawa pa ba ko??

Nabalik ako sa ulirat sa tanong niya.
"Nakapagdesisyon ka na ba hija?" mariing tanong niya kaya agad naman akong tumango. "Oho... napag-isipan ko na po simula pa kagabi. Kaya tulad po ng sinabi niyo isigaw ko lang ang pangalan niyo ay darating kayo..."

"Mm tama ka... Kung gayong nakapagdesisiyon ka na ng mabuti ay naghanda ka na ba?" napatungo ako at hindi nakasagot. Ano bang ihahanda ko??

"Sa tingin ko ay di ka pa handa" malumanay niyang sabi na tinitigan pa ako sa mata at animong inoobserbahan ang mata ko. Napansin niya siguro ang pag-iba ng kulay ng mata ko. Kagabi kasi ay bughaw at ngayong umaga naman ay dilaw na.

"T-Totoo nga..." sambit niya na wala sa sarili na pagkatapos titigan ko ay meron siyang iniisip dahil napapatingin pa siya sa malayo.

Anong totoo nga? Anong iniisip niya??

"A-Ano pong iniisip niyo??" takang tanong ko sa kanya na bumalik na sa ulirat. Nakaupo na rin siya dito sa inuupuan ko. "Kung anong mangyayari... sa hinaharap..." pahina ng pahina niyang sabi kaya mas lalo pa kong nagtaka.

The Legendary Samun: The Sun And MoonWhere stories live. Discover now