Chapter 4

9 1 0
                                    

"San's POV"

Pagkatapos ng klase ay pumunta muna ako sa silid-aklatan namin para kumuha ng librong aaralin ko. Kahit saan mang lugar ako pumunta walang sawa nila akong tinitignan at pinagbubulungan kahit na ganun ang sabi ni Auntie ay hayaan na lang daw sila at wag pansinin.

"Ang weird niya ano?"

"Halata namang nagpakulay lang yan ng buhok eh"

"Tama ka diyan... hindi niya lang inaamin kahit alam naman niyang bawal ang magpakulay ng buhok!"

"Buti nga pinayagan siya kahit na bawal"

"Tingnan niyo yung mata niya"

"Oo nga halata rin namang nagkocontact lens lang siya eh"

"Ang weird niya talaga!"

d-__-b

Hindi ko na pinansin pa ang bulungan nila at nakayukong lumabas ng library hanggang sa gate ng school. Habang naglalakad na ko pauwi sa bahay may nakita na naman akong lalaki na nakaupo sa may upuang bato habang nakapandekwatro pero nasa loob siya ng iskinata at kahit pa medyo madilim doon ay kitang kita ko ang ngiti sa mukha niya.

dO__Ob

Napahinto ako sa paglalakad at gulat naman ako sa biglaang paglabas niya doon at lumapit sa akin. Binigyan niya ako ng ngiti pero hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya at nginitian ko rin siya. Mukha naman siyang mabait at ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"M-May kailangan ho kayo??" tanong ko pero ngiti lang ang isinagot niya sakin. "Kung ganun bakit po...?" takang tanong ko.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo hija?"

"P-Pangalan ko ho?" naguguluhan pa ring tanong ko. "Uhm mm" tangong sagot niya na nakangiti pa din.

"Ako si Jacov... Wag ka sanang matakot sakin hija gusto ko lang makipagkaibigan" pakilala niya. "May gusto lang sana akong sabihin sayo. Pero gusto kong deretchahin na kita" nakangiti na namang sabi niya.

"Ano po ba yon?" takang tanong ko ulit.

"Nakaranas ka na ba ng mga taong may masamang balak sa'yo? tulad nun..." turo niya sa kabilang kalsada na agad ko namang nilingon din. May nakita akong babae at lalaking nakashades ng itim at naka jacket din ng itim. Pilit silang nag-aagawan sa isang bag na sa palagay ko'y pag-aari iyon ng babae. Nakaramdam ako ng awa sa babae dahil sa pangssnatch nung lalaki sa bag niya na talaga namang binabawi niya at siguro may mga mahahalagang gamit siya doon kaya ganun na lang siya makipag-agawan partida pang may hawak na kutsilyo yung lalaki. Bigla namang may dumating na sekyu na pumito pa at hinabol ang lalaking snatcher at buti na lang ay nabawi ang bag niya.

The Legendary Samun: The Sun And MoonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang