Chapter 2

10 2 0
                                    

POV

Nagising ako sa isang boses habang tinatapik ako para gisingin.

"San...nakahanda na ang hapunan...bangon na" aniyang nakangiti ng imulat ko ang aking mga mata at tinanguan siya bilang sagot ng nakangiti rin.

Sabay kaming pumunta ng kusina at nagsimula ng kumain. Ng matapos kami ay nagsalita si Auntie kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Maaari mo na bang ikuwento ang nangyari kanina" tanong niya kaya kinabahan na naman ako.

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan...

"A-Ah A-Auntie kasi po pagkatapos ng dismissal namin ay agad na akong umuwi. H-Habang naglalakad ako sa may kanto na naramdaman ko pong may s-sumusunod sakin"

"T-Tapos..."

"Tapos po bigla akong nakaramdam ng matulis na bagay sa may bandang tagiliran ko. Ewan ko po kung kutsilyo o ano. Sinabi niya sakin na kung hindi po ako sasama sa kanya eh papatayin niya ako"

"A-Anong ginawa mo?..Anong ginawa mo para makatakas d-dun??"

"A-Auntie sumunod po ako sakanya pero hindi pa man kami nakakalayo ay inapakan ko ho yung paa niya. Pipihit na ho sana ako para umalis...k-kaso nahawakan niya agad ako"

"Anong n-nangyari pagkatapos..."

"A-Auntie...h-hindi ko po a-alam kung pa-pano nangyari---"

"Anong--- bakit sinaktan ka ba niya, ha?" aniyang bakas ang pag-aalala at tiningnan pa ko kung may galos.

"Hindi po--- w-wala naman po akong sugat  hindi naman ho niya ako sinakatan. May nakita po akong kahoy malapit po sa kinatatayuan ko. Inabot ko po iyon kaso masyado pong malayo. T-Tapos bigla nalang po nawala iyong kahoy"

"S-Saan napunta iyong kahoy...bakit biglang n-nawala"

The Legendary Samun: The Sun And MoonWhere stories live. Discover now