Chapter 3

8 1 0
                                    

Naglalakad na ako pauwi galing sa school ng may nakita akong lalaki na nakatayo sa gilid katapat ng iskinita sa may kanto at bahagya pang nakakrus ang paa niya habang nakapamulsa sa may di kalayuan.

Napahinto ako sa paglalakad dahil bigla kong naalala yung lalaking dapat ay kukunin ako.

*LUNOK!

dO__Ob ??

'Di kaya siya yung lalaking gustong kunin ako??'

Pero mukang malayo kasi mga nasa mid 40's yung lalaking dapat ay kukunin ako pero mukhang kaedaran ko lang yung lalaki na nasa gilid. Naitagilid ko pa ang ulo ko at pinagmasdan ang kabuuan niya pero masyado siyang balot. Nakayuko pa man din siya at parang may panyo pang nakatabon sa kalahati ng mukha niya kaya mata at kilay lang ang nakikita sa kanya tapos may hood pa.

'Ano ba 'to... masyadong sensitive. Balot na balot?'

d>>__<<b

'Ano kayang ginagawa niyan dito? Parang meron ata siyang hinihintay'

Sino namang hihintayin neto?

d>>__<<b

Bahagya pa niyang ini-angat ang ulo niya na tumingala sa langit kaya napatingala din ako at dun ko nakita na unti unti nang  bumababa ang araw at lumilitaw na ang buwan saka ako muling tumingin sa kanya.

dO__Ob ??

'Ang mga mata niya...'

Nakita ko ang mga mata niyang dilaw tulad ng akin, gulat pa ko na pag-kagat nga ng dilim na hudyat na na magbabago ang kulay dilaw kong mata at magiging bughaw ay sabay lang na nagbago ang amin.

Pinagmasdan ko pa ang mata niya at ng tuluyang magdilim ay inalis niya na ang paningin niya sa langit.

Bahagya pa kong napatalon sa gulat ng lumingon siya sa gawi ko at magtama ang aming paningin kaya nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib ng magkatitigan pa kami.

*LUNOK!

At mas kumabog pa ang dibdib ko ng hindi niya alisin ang tingin niya sa akin at nagsimulang maglakad papalapit sa akin.

'Mukha tuloy akong tangang napapaatras... Di kaya kasabwat din siya nung lalaki??'

Hindi ko malaman kung anong gagawin ko ngayon. Mas lalo pang tumindi ang kaba ko sa naisip ko na parang mga kabayong nagtatakbuhan at mabilis akong tumalikod. Lumiko pa ako at nagtago malapit sa pader na nasa gilid ko.

Ramdam ko na ang pagtagaktak ng pawis ko mula sa noo. Nakakataranta lang na napaisip pa ko kung anong gagawin ko. Hindi naman pwedeng magtago na lang ako dito magdamag.

Naisipan ko pang sumilip ulit kung saan siya nanduon pero nawala siyang parang bula. Luminga-linga pa ako sa pagilid at tiningnan ang magkabilang gilid ko. Lilingon pa sana ako para tignan sa likod pero...

Pagkaatras ko ay nakaramdam na lang ako ng nakaharang sa likod ko. Nagsimulang mangatog ang mga tuhod ko at manginig ang mga kamay ko. Halos manigas ako ngayon sa kinatatayuan ko dahil mula sa likod ko ramdam ko ang hininga niya sa may balikat ko na ikinatayo nang mga balahibo ko na mas ikinabog ng dibdib ko.

The Legendary Samun: The Sun And MoonWhere stories live. Discover now