Chapter 18: 𝗔𝗹𝗹 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗲𝗮𝗻𝘁

Start from the beginning
                                    

"H-ha? bakit ano bang kailangan mo sa'kin?"

"I just want to ask kung sinong magiging partner mo this coming event in our school, I mean yung partner mo in pageant." anak ng conyo parin.

"Wala pa nga akong partner wala namang nag-babalak maging partner ako."

"I can be your partner if you want."

Tae ano daw? sya magiging partner ko? seryoso ba 'to?

"I'm serious I can be your partner if you want pero if hindi then pwede ka namang humanap ng iba."

"Pumayag kana Jade ako na nga nag-sabi kay Jake eh!" sinamaan ko ng tingin si Irish, lintek sya pala ang nag-sabi kay Jake.

Pero tama naman sya dapat hindi na ako magpa-kipot baka mamaya wala na talaga akong maging kapartner ang hirap mag-solo don.

"Hoy Jade Lopez nawawala na naman ba ang utak mo?"

"H-ha eh oo."

"Damn are you okay or what?"

"Mahirap kasi eh."

"Paanong mahirap?"

"Punyeta hindi mo kasi ako naiintindihan!"

"Paano ko iintindihin kung wala ka pa namang sinasabi!?"

"Tsk oo na nga payag na ako."

"Payag saan?"

"T*ng*na Jake ang slow mo!"

"So I'm you're partner now?"

Tae na 'to bwesit! kailangan pang itanong, narinig naman pala.

"Huwag ka na kasing magpa-kipot sinabihan mo na nga ako ng ang gwapo ko pala."

Isa nalang Jake, isang-isa nalang.

"Bakit ang sama mo makatingin totoo! sinabi mo 'yon."

"Sinabi ko ba? kung sinabi ko man hindi ko narin tanda kasi lasing ako non at wala ako sa katinuan."

"Wala pala sa katinuan, ah kaya pala ang pula-pula ng muka mo ngayon."

"Umalis ka nalang kung ayaw mong tamaan ka sa'kin!" malakas kong sabi sa kanya pero ang kolokoy lumapit pa lalo.

"Huwag kang lalapit kong ayaw mong masaktan!" pag-babanta ko sa kanya pero parang walang narinig at diretso parin sa pag-lapit, ako naman ay diretso rin sa pag-atras.

Naramdaman ko nalang na nakasandal na pala ako sa pader. Bwesit ka Jake!

Sobrang lapit na ng muka ni Jake kaya ng makita ko na ganon na pala kalapit ay nasapak ko sya.

"Sabi ko naman kasi sayo na huwag ka ng lumapit!"

"Aray! ang sakit." reklamo nya, agad ko namang tiningnan ang nasapak ko at tama sya may sugat nga.

"Tara sumama ka sa'kin!" aya ko sa kanya pero parang walang narinig.

"Hindi mo manlang ako aalalayan?"

"Bakit aalalayan pa kita paa mo ba yung sinapak ko?"

"Hindi, pero nahihilo ako."

"Tsk kapag nalaman ko na nag-kukunwari kalang madodoble pa'yan."

I'm In Love With My Boss Where stories live. Discover now