32. Boyfriend

3.4K 85 8
                                    

VICE’s POV

 

K: Grabe nalasing yata ako!!! Kase naman yung loko na yun yan tuloy napainom ako! Ang tagal tagal na naming magkaibigan pero bakit ngayon parang di na siya yung kaibigan na kilala ko. Parang nag iba na siya. Pero baka busy lang talaga siya noh? Mahirap ba talaga yung trabahong ganun? Huyy kausapin mo ko!!! Pangit ba ko? Mataba? Mabaho? Di naman talaga ko bad breath ha!! Bakit niya ko nilalayuan? Huyy mahal ko na yata yung lokong yun!!!! Pasalamat gwapo sya tapos matangkad pa kaya kras ko sya!!! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!

 

She was stomping her feet sa bed. At parang baliw na pangiti ngiti habang nakapikit.

 

Samanatalang ako? I am still shocked and stunned sa mga pinagsasabi niya. Sino ba yung tinutukoy niya? Baka yung lalaking kasama niya kanina. Aww. Pero sabi gwapo daw tapos matangkad. Baka naman ako? Ano ka ba naman Vice bakla ka diba? Bakla. Pero baka lasing lang talaga siya kaya kung ano ano na nasasabi. Pero paano kung a-- Stop it! Wag assuming. Aasa asa na naman tapos luha.

***

K’s POV

 

ARF! ARF! ARF! ARF! GRRRR! ARF! ARF! ARF! GRRRR! ARF! ARF! ARF!”

 

Nagising ako gawa na din ng paulit ulit na pagtunog ng alarm ko na automatic ng nakaset tuwing alas otso ng umaga. I missed Vicekee. Bago ko pa maidilat ang mata ko ay nakaramdam na ko ng sting sa ulo ko. Grabe ang sakit. Hangover! Ugh! Biglang nagflashback ang mga nangyari kagabi. Nasa bar ako, nagsasayaw that’s all I remember. I felt kinda relieve dahil obviously safe naman ako, eto nga’t nakahiga ako sa malambot na kama e-- wait! Paanong ---? Bigla akong napamulat ng mata. It is predictable that I checked if I am still wearing the black knee length dress I am wearing last night but GOSH I AM WEARING AN OVERSIZED GREEN SHIRT!!! I panicked!! Di pa man ako tuluyang nakakabangon mula sa pagkakahiga ko ay bigla akong na-out balance nang bigla na namang kumirot ang ulo ko. Automatic ko namang naitukod ang kamay ko sa kam-- wait sa katawan? Napabalikwas ako at biglang napabaling ng tingin sa taong nakahiga sa kama kasama ko. Napakunot naman ako ng makita ko si Vice na payapang natutulog sa tabi ko. Bahagya pang nakabuka ang bibig niya at humihilik ng mahina. Napangiti naman ako dahil ang gandang pambungad sa umaga. Hey what am I thinking? Erase. Napatingin na lang din ako sa paligid at tama nga nasa kwarto ako ni Vice. Pero wait-- paanong nandito ako? Paanong nakarating ako dito e ang huling natatandaan ko ay nakikipagsayaw ako kay Christian?

K: Vice! Wake up!! Viceeee!

Sinubukan ko siyang gisingin pero di naman siya nagigising. Tulog mantika talaga tong baklang to kahit kailan. Kahit medyo hilo pa at wala pa sa ulirat ay buong lakas akong bumangon para hanapin yung cellphone ko. Di pa ko nakakaalis sa kama ay nakita ko naman agad yung bag ko sa may ibaba ng kama. I immediately searched for my phone to check baka hinahanap na ko ng mga kaibigan kong kasama ko kagabi. And wow! 14 missed calls and 7 messages all from them and an unknown number? Nacurious naman ako kaya una kong binukasan yung messages from that unknown number.

“Karylle this is Christian. Please let me know kung nakauwi ka na. This tall guy suddenly approached me and asked me to back off. Di na ko nakaangal kasi sabi niya boyfriend mo siya. Pero parang nakamake up siya so di ako naniwala but he insisted. PS maybe you won’t get mad na kinuha ko kay Jake yung number mo.”

The Switch (ViceRylle)Where stories live. Discover now