55. Hijacked

3.4K 114 17
                                    


Dedicating this to you and your friends :) 


(Hopefully, I won't confuse you guys.)


-

TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!

"Eto na saglit lang!"

TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!

Patuloy pa rin naman sa pagkatok ang tao sa labas. Buti sana kung simpleng pagkatok lang ngunit halos sirain na ng tao ang pinto. It is almost 12 midnight kaya naman napaka-unusual na may bisita pa ng ganoong oras.

TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! 

"Sinabi ng sagl-- uy brad!" Gulat na sabi ni Vhong. Pagbukas niya kasi ng pinto ng condo niya ay sumalubong sa kanya ang wasted na si Vice. May hawak pa itong dalawang bote ng alak at itinaas ito bago binigyan ng nakakalokong ngiti si Vhong.

"Anong na namang ginagawa mo dito?"

"Namiss lang kita. Bawal na ba kitang mamiss?" Sabay deretsong pasok ni Vice sa condo ni Vhong. Binangga pa niya si Vhong dahil nakaharang ito.

"Tigil tigilan mo nga ako Viceral. Bakit ba ang hilig mo kong gambalain ng alanganing oras. Palagi na lang pag patulog na ko tsaka ka nang iistorbo."  Reklamo ni Vhong habang tinutungo ang kusina kung nasaan na si Vice at kumukuha ng glass and ice.

"Ang oa naman nung palagi Vhong. Ngayon pa lang naman ha!" Singhal ni Vice na nakapamewang pa.

"Hoy! Anong ngayon pa lang? Pangalawa na 'to! Hindi mo naaalala?! Brad! Bwisit ka! Inistorbo mo yung moment ko mag isa! Ayun na e konting konti na lang puputok na bigla kang tumawag! Peste ka! Hindi ko makakalimutan yun kaya wag kang loloko loko na hindi mo natatandaan!"  (Naglalaro siyang angry birds wag kayong ano. Tsaka ilang taon na rin nakakalipas sikat pa angry birds nun) Gigil na gigil na sabi ni Vhong. Habang si Vice naman ay litong lito dahil hindi naman niya maalala na ginulo niya ever si Vhong ng alanganing oras. Kilala niya rin kasi ang kaibigan na maaga pa lang ay tulog na kaya hindi na niya inaabala ito but not today. He can't think of any other person na he would want to talk to. Alam niya kasing si Vhong lang ang makakatulong sa kanya.

"Wag ka ngang imbento Vhong!" Sabi nito habang lumilipat papunta sa sala na dala ang mga baso na may yelo. Sumunod naman si Vhong dito.

"Loko ka! Hindi ako manloloko! Wag mo ko igaya sayo!" Pailing iling pa si Vhong habang nakakaloko ang ngiti kay Vice. Di na lang sumagot pa si Vice at binato na lamang si Vhong ng unan.

Agad din namang naging seryoso si Vice at ibinaling na lamang ang atensyon sa pagtungga ng baso na may lamang alak. Tila ibinubuhos ang lahat ng emosyon niya sa alak. Nabasa naman ni Vhong na may problema nga ang kaibigan. Kilala naman niya kasi si Vice, hindi naman ugali nitong mang-istorbo ng iba kapag hindi kailangan na kailangan. Umupo naman si Vhong sa kaharap na sofa at pinanuod lamang si Vice.

"Yun pa rin ba?" Di na nakatiis pa si Vhong kaya nagtanong na. Tiningnan lamang siya ni Vice at lumagok ulit ng alak. "Brad, masaya na yung bata kung nasaan sya ngayon. Sigurado ako gusto nun e makita kang masaya. Let him go."  

"Ilang araw lang tayong di nagkita nag-eenglish ka na ngayon." Napatawa naman si Vice sa sinabi ni Vhong. It's not that he doesn't take it seriously pero hindi lang talaga sanay si Vice na ganun ang kaibigan.

The Switch (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon