56. Truth

3.7K 114 49
                                    


(Play the music on the media box :) It's a nice song.)


Days continue rolling.

Para kay Vice ay isang malaking bangungot ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Life for him is starting to become a mess again. At this moment he is being eaten by confusion and his own fears. Para siyang nasa dulo ng isang bangin, nalilito kung dapat na ba siyang tumalon at sumubok o manatiling nakatayo at habang buhay na magtaka sa pakiramdam ng mahulog. Nag-iisip kung dapat na ba niyang tuldukan ang mga bagay na  nagpapahirap sa kanya. The best feeling for him right now is the feeling that he is able to say what he needs to say but that could mean end to him. Lumilipas ang mga araw niya na babangon siya para pumasok sa opisina at matutulog ulit dahil tapos na ang trabaho. Araw-araw ay sinusubukan niya ang mabuhay pero maging siya ay hindi sigurado kung buhay pa siya. Kadalasan nga ay nakakalimutan na rin niya ang kumain kaya naman palaging nakabuntot sa kanya ang mga kaibigan para paalalahanan siya, lalo na si Vhong. Si Vhong lang kasi ang talagang nakakaalam ng lahat ng pinagdadaanan ni Vice ngayon.



--

Ngayon ay araw ng linggo at kagaya ng nakasanayan ay pumupunta sa mall ang mag-ina at si Dingdong pagkatapos nilang sama samang magsimba, kaya naman excited na bumangon si Avi because she's expecting a usual Sunday. Agad na tumakbo si Avi palabas ng kwarto para puntahan ang ina ngunit ang Tita Coco at Tita Zia niya ang sumalubong sa kanya.

"Umm where's Nanay po?" Deretsong tanong ng bata na palingon lingon pa sa buong bahay na tila hinahanap ang nanay niya. 

"Oh baby! Wala man lang ba kaming good morning kiss ni Tita Zia?" Natatawang tanong ni Coco.

"Ayy sorry po hihihi.." Palapit na sana ang bata para ikiss ang dalawa ngunit bigla itong napatakip sa bibig niya ng maalala na hindi pa nga pala siya nagtu-toothbrush."Ooppss I forgot to do my morning routines." Sabay nanlaki pa ang mata ng bata.

"Nako if your Nanay is here papagalitan ka na nun." Sabi ni Zia.

"Umm by the way where is Nanay po ba?"

"She's out with Tita Anne, baby."

"Ayyy bakit di po nila ako ginising so I can come po." May himig na pagtatampong sabi ng bata. "Where do they go po?"

"Ah- ano nag--" Pautal na sabi ni Zia at sinisiko pa si Coco as if asking for help.

"Nag ano ahm nag-s-shopping tama nag-shopping sila ni Tita Anne mo." Pagdadahilan ni Coco.

"Shopping? Isn't it too early for malls? It's not 10 am yet. And today's Sunday we should go to church first. Nakalimutan niya po ba yun?" Avi said in a-matter-of-fact tone.

"Ang dami mo talagang tanong bata ka. Go upstairs na and fix yourself before we eat breakfast and after that we will clean your house." Utos ni Coco sa bata habang inaalalayan pa ito paakyat ng hagdan.

"Why will we clean po? Malinis naman po yung house because nanay is always cleaning and I help her too."

"Because we will have visitors and your Nanay is in for a super big surprise today!" Zia excitedly shouted at may pataas taas pa ng kilay. Napangiti naman bigla ang bata sa sinabi ni Zia na tuwang tuwa din. Natural na hopeless romantic si Zia kaya hindi ko siya masisisi. Agad din naman siniko ni Coco si Zia para tumigil.

The Switch (ViceRylle)Where stories live. Discover now