44. Soon

3.5K 89 11
                                    

 

VICE’s POV

 

Dingdong! Dingdong!

 

Tamad na tamad akong tumayo ng kama. Yes I’m at home. Maaga akong umuwi sa bahay pagkatapos na pagkatapos kong magtrabaho para sana makapagpahinga dahil sa halos linggo linggong pagpupuyat. Pero mukhang mauunsyame ang plinano kong pahinga. I’m not expecting anyone to visit me kaya wala akong kaideya ideya kung sino yung tao sa labas. Wala pa naman si Jacky ngayon  kaya mapipilitan talaga akong bumangon at buksan ang pinto.

“I told you guys this gay isn’t listening!” Bungad sa akin ni Anne pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan. Nakasimangot pa siya at tila inis na inis sa akin. Ano bang meron? Tatarayan ko na sana si Anne ng biglang…

“Bestie, ano ba yang suot na yan?” Segunda pa ni Billy. Anong masama sa suot ko? I am wearing my casual muscle tee and boxers. E nasa bahay lang naman ako. Dapat ba nakagown ako o nakatuxedo pag nasa bahay. Magdadahilan na dapat ako ng bigla naman akong unahan ni Vhong.

 “Wala ka talagang balak pumunta noh? Buti na lang talaga tayo na ang pumunta dito. Tama ka talaga Anne.” Inis na sabi ni Vhong at dere derecho nagsipasok ang tatlong loko sa bahay ko. Habang ako, iniwan sa labas at takang taka pa rin sa nangyayari.

“Ano bang meron?” Sa wakas ay nasabi ko rin ang kanina ko pa gusto itanong sa kanila. They are currently on my kitchen. Di ko na ikinagulat na inuupakan na nila ang mga laman ng ref ko. “Ayon! Galit galitan para di ako makaangal. Yan naman yata ang pinunta niyo dito.”  Para naman akong hangin sa kanila dahil busy silang lahat sa pagkain at hindi ako pinapansin.

I was just watching them at sa wakas pagkatapos ng ilang minuto ay nakaramdam din yata ang tatlo. Si Anne ang unang tumingin sa akin. ”Anjan ka pala?”  punong puno ng sarcasm niyang sabi. Nainis naman ako dahil wala na talaga akong naiintindihan. And I burst. “You know what go straight to the point! I have no time to waste!”

 

“Bestie naman ang oa. Tara na nga kasi Vhong.”

Umirap lang ako sa kanila at nauna nang pumunta sa living room.

---

GENERAL POV

Okay I’ll go straight to the point. I have no time to waste.”  Sabi ni Vhong with full conviction. He’s trying to mimic Vice, the tone and the face.Billy and Anne burst out laughing habang si Vice ay clueless pa rin sa kabaliwan ng mga kaibigan. They are literally laughing their ass out.

“Ehem. Osige na eto na.” Pagkatapos kalmahin ni Vhong ang sarili niya ay excited niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at may kinalikot na tila may hinahanap. “Teneennn!” Pagpapakita ni Vhong ng isang larawan sa kanila. With full smile pa at tila proud na proud.

 “OH MY GOSH!” Yun lang ang nasabi ni Anne sa sobrang gulat.

”G*g* ka talaga kuys!” Kunot noong sabi ni Billy.

The Switch (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon