Without facing him, I asked him. "Nilalamig ka?"

"Yes, tulungan mo naman ako saglit." That was the moment when I averted my eyes on him. Ngiting-ngiti siya sa akin habang pinapakita ang gray na sweater. "Tulungan mo akong isuot 'to."

Iniripan ko siya nang pabiro bago lumapit sa kanya. "Para ka talagang bata."

He is still on his damn stupid hot smile when I grabbed ahold of the sweater. May pang-asar na tawa siyang itinaas ang kanyang mga kamay. Kaya ako, si maliit, hindi maabot-abot iyon. Bakit ba kasi napakatangkad ng lalaking 'to?!

"Ibaba mo 'yan. Tatamaan ka talaga sa akin!" Pero ang totoo niyan, ako iyong tinamaan . . . sa kanya.

Hindi man lang siya natakot. He provoked me more. I fakely rolled my eyes and when I turned my back at him, I smiled secretly.

Nakakainis na kahit ano pang gawin niya sa akin ay kinikilig ako!

Sumampa ako sa sofa. Mas matangkad na ako sa kanya kaya wala siyang nagawa noong bigla kong hablutin ang kanyang mga kamay. Hastily, I pulled the sweater over his head, down to his broad chest and lastly, to his flat torso.

Pero laking gulat ko na lang nang bigla niya akong niyakap mula sa beywang ko.

My lips parted as I blinked. Kasabay noon ang otomatikong pagbilis ng tibok ng puso ko.

Then . . . I found myself gushing. I am jumping my heart out on my freaking mind. Bliss seems to become a resident of my brain when he did that to me . . . when he freaking hugged me for the first time.

Nakakapanghina iyong kilig. Masikip sa dibdib iyong saya. Ganito pala talaga kapag attracted ka sa isang tao, nakakabaliw.

Iyong kaunting yakap lang, iba na ang epekto sa sistema mo. Iyong kung papaanong normal lang naman iyong ginagawa niya pero bakit . . . bakit ang sarap-sarap sa puso?

I enjoyed feeling all of the butterflies on my stomach. I started to smile secretly. Kasabay noon ay naramdaman ko rin ang mabilis na pag-init ng mga pisngi ko.

Bwisit ka talaga, Marco. Ang lakas-lakas ng epekto mo sa akin . . .

But I know my limitations.

Alam ko ang lugar ko sa kanya.

Kaya tinangka kong kumawala sa yakap niya. Pero napakahigpit noon. Wala na akong nagawa kung hindi ang hampasin siya sa likod. I am now biting my lower lip to stop my wide smile.

Shit, self, 'wag kang marupok. Please.

Halos dumugo na ang ibabang labi ko sa pagkagat ko noong mag-angat siya ng mukha sa akin. He is smiling genuinely and I can't take it anymore. Napakagwapong nilalang. At napaka-epal.

"Thank you, Margot." He mumbled with his sexy and raspy thick voice.

I fake a cough to fight my effin smile, "Thank you for what?"

Inalis niya ang mga braso sa pagkakayakap sa akin. Then he raised his hand only to mess my hair. "For everything."

Napalunok ako ng laway.

After My Death Tomorrow (Published Under PSICOM Publishing Inc.) Where stories live. Discover now