Chapter 1- Where It Starts

37.5K 533 31
                                    


3rd Person's Pov

"Baldo bilisan mo naman! Dali!" Hingal na hingal na sigaw ng isang babaing may hawak na attache case. Tumango lang ang kasama niya at naunang tumakbo sa kanya.

Tumingin siya sa kanyang likuran. Nakasunod parin pala ang mga lalaking humahabol sa kanila.

"Bakit hindi pa sila mawala-wala!" Inis na sabi ng babae at nagtago sa isang eskinita. Pinagkasyahan niya ang sarili sa isang makipot na lalagyan ng mga basura kaya hindi sinadya na nadaplisan ang kanyang sugat.

"Ahhhhh!!" napahawak kaagad ito sa may bandang braso na nadaplisan ng bala kanina. May kalaliman ang sugat kaya masakit.

Kanina pa kasi sila takbo ng takbo ng kasama niya. Hindi naman kasi niya alam na sobrang bigatin ang ninakawan nila kaya may maraming bodyguards na nakapaligid. Hindi naman kasi sana siya mapaengkwentro kung hindi lang tanga ang kasama niya na hindi na niya alam kung nasaan na ito at talaga namang iniwan siya.

Traidor!

Kahit kinakabahan at iniinda ang sakit ng braso ay nagtago lang siya sa likod ng maliit na basurahan sa eskenitang iyon. Tiningnan niya ang hawak na attache case at naisipang ilagay muna sa ilalim ng may kalakihang trash bin na gawa sa kahoy, babalikan na lang niya ito pag hindi na siya tinutugis. Hindi naman siya tanga para isuko ang perang pinaghirapan niya kapalit ang buhay niya. Mahalaga ang pera sa kanya. Mahalaga dahil para sa pamilya niya iyon.

Nag hintay pa siya ng kaunting minuto at nang masiguro na wala na ang mga taong humahanap sa kanya ay lumabas siya sa pinagtaguan at mabilis na tumakbo. Pero hindi niya namalayan na may paparating na kotse sa kiliran niya.

At huli na ang lahat para umiwas.

Nabunggo na siya nito. Naramdaman na lang niya ang sakit na nadarama dahil sa pagkabunggo. Huli na rin para tumakbo ulit dahil dumilim na ang kanyang paningin.







"Lolo naman I have my own plans! Wag niyo naman akong pangunahan" Nakakunot noong sabi ng binata habang kausap ang matandang nakaupo sa harapan.

Hindi niya mapigilang mainis sa Lolo niya dahil palagi na lang dinidiktahan nito ang takbo ng buhay niya lalong-lalo na ang usapang pag-aasawa.

"It's not that apo. Your turning 28 this July and that is three months from now! You need to have a child already. You are not getting any younger! Look at your friend Allexander may anak na! Kelan ka pa? Having a child is worth more than having a hundred billion contract. Basta wala akong pakialam kung saan mo pupulutin ang ang babaeng paaanakan mo basta ay bigyan mo ako ng apo! ASAP!" Dikta ng Lolo niya.

He groan. His a little bit irritated.

"Lolo naman your being unreasonable again" Napahilot siya sa kanyang ulong medyo sumasakit na.

"I'm not unreasonable apo. Malapit na akong mamatay tanggapin mo man o hindi! Kaya bago ako mawala sa mundo ay bigyan mo naman ako ng lahi mo! And that child is my apo sa tuhod"

Natahimik ang binata. His lolo is recently diagnosed of cancer and even if it's not critical it made him worry for his grandfathers well being. Kaya kahit na busy siya sa kompanya niya ay nagmadali siyang pumarito sa mansyon nito dahil sa pag aakalang may nangyaring masama. The personal nurse of his grandpa called him in the middle of his meeting. Pero nagkamali siya, ito lang pala ang paguusapan nila.

"Lolo----"ungot niya.

"No! Find a woman that will bear your child or else ako ang maghahanap ng paraan na gawin mo ang inuutos ko and you won't like what I'll do" Pinal na sabi ng Lolo niya.

When his grandfather is like this. He have to fulfill his command and as a grandson he have no excuse to refuse it.

"Arrgg! Fine! But don't expect me to deliver your grandchild immediately" sumusuko na sabi niya.

The pale face of his grandfather formed a smile. And that's what matters to him, making his grandfather smile. Ayaw niyang madisappoint ang nagiisang 'totoong' pamilya niya.

"Don't worry apo I will give you five months at pagkatapos nun ay dalhin mo ang apo ko rito"

Napailing na lang siya. His grandpa and its deadlines.

Pagkatapos ng paguusap ng kanyang Lolo ay umalis na siya at pumuntang bar para maibsan ang inis na kanyang nararamdam na hindi nawala.

Accidentally Surrogated✔Where stories live. Discover now