Sergio

27 1 0
                                    

Playmates
mga kwentong kuys danyel.

Sergio

Marami na kaming inalagaang aso noon. Pero bago ko pa sila alagaan si Sergio ang pinakanaaalala ko dahil siya yung una kong aso na binigyan ko ng pangalan. Bagamat bago pa man siya dumating ay may mga aso na kaming naging parte ng pamilya. Si Sergio para sa akin ang pinaka-una.

Unang alaga. Unang kaibigan. Unang pinangalanan.

Natatandaan ko pa noong unang i-abot sa akin ni Papa yung maliit na brown na tuta. Tinanong niya kung anong ipapangalan. At dahil wala akong maisip tumingin ako sa TV at saktong sakto nakita ko si Dingdong kaya nabuo ko ang ang pangalan sa kanya. Nasa 7 years old ako noon. Tapos kasasagan ng kasikatan niya dahil sa Marimar. Parang light bulb moment na pumasok sa isip ko ang pangalan niya.

Sergio. Mula sa teleserye. Kalove team ni Marimar. Ang panget kasi kung isusunod yung panglan kay Fulgoso. Walang dating. 

Unang kong naramdaan yung sense of ownership sa kanya. Parang noong pinangalanan ko siya doon ako nagkaroon ng sense na kailangan ko siyang alagaan.

Siya ang unang asong naranasan kong paliguan. Bonding namin ni Papa na ako yung hahawak ng hose habang si Papa yung magsasabon sa katawan niya. Seven years old ako noon. Alam kong hindi na bago sa akin ang mag-alaga ng aso pero si Sergio para sa akin ang asong pinakaunang kong inalagaan. Unang pinaliguan. Unang kinalinga. Unang pinakain. Unang hinawakan nang hindi natatakot kung sasakmalin ba ako nito.

Limitado na lang ang memorya ko kay Sergio. Ang tagal na kasi. Naalala ko kapag ilalakad ko siya ay tumatahol siya sa mga aso. Palatahol si Sergio kapag may nakikita siyang aso sa daan. Mabilis siyang ma-distract.

Sa kanya ko rin nalaman at naobserba na kapag manghahamon ng away ang tutang katulad niya hindi siya papatulan ng nakatatandang aso. Ewan ko kung observation ko lang iyon. Pero lahat ata ng  asong nasa 3-7 months ay di papatulan ng asong mas matanda rito . Kahit na ano pa ang gaspang ng ugali at lakas ng pagtahol niya ay hindi siya papansinin ng asong hinahamon niya.

Sandali lang siya sa amin pero parang ang tagal namin siyang nakasama.

Naaala ko noong bigla na lang siyang nawala. Akala ko nakawala lang sa tali. Baka gumagala-gala lang at katulad ng dati at babalik din. Ayun pala inilibing na siya ni Papa.

Nakakain daw ito ng buto ng manok at natinik. Nagsimulang manghina. Nagsuka ng dugo. Hanggang sa hindi nakabangon. Kaya magmula noon sobrang cautious rin ako sa pagpapakain ng manok. Para patunayan ang statement na ito ayon sa research,Cooked chicken bones can break and splinter, which can cause your dog to choke and can also puncture the gastrointestinal tract, or get caught in his throat.

Pero sabi ni papa lumalaban daw siya. Ngunit may pagkakataon talaga na hindi sapat ang paglaban basta ang mahalaga lumaban ka. At ganoon ko siguro naalala ang pagtatapos ng kwento niya. Ng kwento namin.

Hindi ko nakita si Sergio ganoong kalagayan o state. Hindi ko siya nakitang nanghihina. Madalas kasi siyang umaalis sa bahay. Madalas wala siya.

Ganoon pala kapag alam ng aso na mawawala na sila. Aalis na lang sila, hindi nila ipapakita na naghihina sila. Ayaw nilang maging sagabal sa kanilang pamilya.

Pero kung sakali makita ko siya ulit. Paulit-ulit kong ipaparamdam kung gano niya pinaramdam sa batang ako na magkaroon ng isang kaibigan. Paulit-ulit kong pipiliin na makasama siya sa kalagayang iyon. Papakita ko sa kanya na hindi lang siya ang lumalaban. Siya na isang kaibigan na hindi kailangan ang mga salita upang maunawaan ang isa't isa.

Mabilis lang ang lahat. Ngunit sa tuwing naalala ko siya, naalala ko ang pagkabata ko. Dahil kagaya ng pagdating at pagkawala niya ay parang mabilis lang dumaan ang phase ng pagkabata.

'Pag natatandaan ko siya biglang bumabalik ang memorya kung saan tumatakbo ako sa damuhan kasama siya.

Siya si Sergio at hindi lang siya aso.

Siya ay palatandaan ng pagkabata. Siya ay memorya ng isang masayang batang nagkaroon ng isang kaibigan sa katauhan ng munti niyang alaga. Siya ang nagbigay ngiti sa isang pamilya.

Mabilis ang lahat pero masaya. At sandali lang at kahit hindi ganoon katagal alam kong sinulit namin ang sandaling iyo. Pinasaya niya ako,   at ang kwento at alaala n'ya ay palagi nasa akin. Sa kanya palagi ang unang string na kailanman ay hindi mapipigtas

PlaymatesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang