All Dogs Go To Heaven

14 0 0
                                    

Playmates

All Dogs Go To Heaven

(c) mga kwentong kuys danyel

May nabasa akong isang post noon sa tumblr tungkol sa beterinaryo at isang 6 year old na bata na may alagang aso. Sa kasamaang palad mamatay na ito sa cancer.  Isinama siya ng magulang niya sa vet, with hopes na may bagong matutunan ang batang ito sa procedure na panonoorin. Matapos nito ay sinabi ng vet sa bata na wala ng pag-asa para ma-revive ang dog. Hindi na kayang maligtas ito.

Parte ng pagkatuto ko tungkol sa concept ng kamatayan ay ang pagkamatay ng aking mga aso. Iminulat nito ako sa kamalayang may hangganan ang buhay

Gaya ng bata na ito marami rin akong tanong isa na rito; Where did they go?

Saan nga ba napupunta ang mga aso matapos nilang mamatay? Isa ito sa mga childhood question na hinarap ko noong una akong mamatayan ng aso. Pati noong naglibing ako ng pusa at aso ay bumabalik rin ang tanong na ito, kagaya ng bata ay nagtatanong ako ako gusto ko rin malaman ang sagot.

May mga nag-rereraise na narereincarnate sila. Pero marami ring ginigiit na walang kaluluwa ang mga aso o kahit pang anong animals. Dogs, or any animals can have sex with their relatives as a way of survival. Wala silang definite concept ng tama o mali. Hindi nila naiintindihan na incest iyon dahil walang morals na nag-a-outline kung ano ang mali. Lalo pa siguro doon sa mga hayop na inaabandona at hindi naaalagaan.

Going back, sa kwento noong bata at vet. Pinanood ng bata kasama ng kanyang pamilya na mapayapang mamatay ang aso. Tahimik nilang pinagmasdan ang huling sandali nito sa daigdig. Habang ang bata naman ay walang imik ngunit sa mukha nito tila naunawaan na nito ang lahat. Hindi siya umiyak.

Tinanong ng magulang ng bata kung ano ang nararamdaman niya. Nagulat silang lahat ng sabihin nitong " I know why?"

Alam ng bata ang lahat. Lahat sila na nasa silid ay napatingin sa bata.

"People are born so that they can learn how to live a good life -- like loving everybody all the time and being nice, right?' " Pagbasag nito sa katahimikan

"Well, dogs already know how to do that, so they don't have to stay as long." Dagdag pa ng bata.

If you're interested to read this story ( and para mas accurate yung kwento) you can check this link: https://www.vetwest.com.au/pet-library/a-dogs-purpose-from-a-6-year-old.

People are born so that they can learn how to live a good life -- like loving everybody all the time and being nice, right?

Iyong binigkas na mga salita ng bata ay hindi lang tumagos sa vet at iba pang mga tauhan na nasa kwento kundi pati na rin sa akin na nagbabasa ng kwento

Sinummarize ng bata sa akin ang pakiramdam noong kasama ko ang mga aso ko. Pakiramdam ko ay naunawaan ng bata kung ano ang naramdaman ko. Dahil sa totoo lang napaka-adorable ng mga aso. At hindi ko alam kung deserve ko ba yung pagmamahal nila.

Right after reading this, muling bumalik ang mukha ng mga alaga kong aso sa aking isipan. Sa isang sandali ay naalala ko kung paano ko sila tinatawag sa pangalan nila; Ang dalawang Sergio, si Pamela, at si Lighty. Sa isang sandali ay para ko silang nakitang magkakasama apat na tumatakbo papalapit sa akin, habang nakaupo ako sa grassfields. Masigla at kumakawag kawag pa ang buntot papatakbo papalapit sa akin. Nang makalapit sila ay dinilaan nila ako sa pisngi. Napuno ng tawanan ang lugar. Sa huling pagkakataon ay nakasama ko sila.

Imahinasyon lamang iyon.

Pero parang memorya.

Parang totoo.

Ang presensya nila ay parang isang mahigpit na yakap.

Siguro kung sasagutin ko man ang tanong na; where did they go?

Para sa akin All Dogs Go To Heaven. O kung hindi man ka man naniniwala sa langit. Alam kong meron silang pwesto sa mundo na malaya silang maging sila. Sobrang pure magmahal ng mga aso at pusa. At kung mamatay man sila, deserve nila ang place kung saan mararamdaman nila ang pagmamahal. Pagmamahal na katulad ng binibigay nila sa tao: unconditional at pure. Deserve nilang ibalik sa kanila ito ng walang pagaalinlangan.

Maraming nagsasabi na walang kaluluwa ang aso ngunit nangangahulugan ba ito na wala silang emosyon? Hindi naman diba. Dahil kagaya nating mga tao nakararamdam rin sila ng takot ineexpress nila ito sa pagtahol. Nakakaramdam sila ng pagod pati na ng pagka-bored.

At nandoon rin ang need nilang protektahan ang amo o mga taong nag-alaga nila dahil nakakadama rin sila ng pagmamahal.

Higit sa lahat nagmamahal sila.

Pagmamahal na hindi binibigkas ng mga salita;

kundi ng bawat kawat pagkawag ng kanilang buntot; papuntang kaliwa at kanan.

kundi ng pagtahol sa mga estrangho at pagpapacute at pagpapansin

pati narin ng pag-aabot ng kamay nila sa oras na sabihing kamay

pakikinig sa mga sinasabi mo kahit di mo naman sigurado kung naiintindihan ka ba nila.

At marami pang iba.

Iyon ang pagpapakita ng kanilang pagmamahal. Hinidi man maunawaan ng lahat. Walang katulad at walang papantay. Walang hinihinging kapalit ( minsan buto lang sapat na). Sa sarili nilang paraan pinakita nila kung gaano kaganda ang mundong puno ng pagmamahal,

Nagmamahal ang mga aso hindi para mahalin sila pabalik, kundi dahil ang pagmamahal ang pinakamagandang regalo na kaya nilang ibigay sa ating mga tao.

At bihira lamang ang nakakaunawa sa salita ng pagmamahal ng mga aso. At kung naririnig mo man kung paano sabihin ng aso ang kanyang pagmamahal, masuwerte ka.

Dahil gaya ng sabi ni Orhan Pamuk, na matatagpuan din sa unang bahagi at pahina ng librong ito "Dogs do speak, but only to those who know how to listen."

PlaymatesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ