Playmates

47 3 0
                                    

Playmates
mga kwentong kuys danyel.
-

I have a love and hate relationship with dogs. No! It's more of love and fear that mixes whenever I am with dogs.

Ewan ko ba pero dati minsan natatakot ako sa aso dahil sa possibility na kagatin ako pero kahit ganoon eh gusto ko parin na mag-alaga.

Naalala ko nung unang beses akong nakagat ng aso. Around 6-7 years old ata ako noon noong sundan ako ng asong hindi ko kilala at nakawala sa kanyang pagkakatali. Tapos nagulat ako nang magsimula siyang mag-growl ng pagkalakas-lakas sa akin na parang isang maling hakbang ay kakagatin ako. Sinubukan ko rin lahat ng mga paalalang sinabi ni mama na noon para hindi makagat ng aso: wag titingin sa mata nila, huminto at kagatin ang dila. Dumadagundong ang puso ko noon habang ginagawa ang mga ito. Pero di naman nag-effect. Kinagat pa rin ako ng aso.

Tuwing nakakita ako ng aso sa daan bumabalik saglit ang memorya na 'yon. Pero ewan ko ba dahil kahit na ilang beses na akong nakagat ay gusto ko pa rin yung presensya nila. Kahit na may dahilan para matakot ako sa aso eh patuloy lang ako. Ang cute cute kasi nila. Yung fear na yon nawawala. Dahil sa totoo lang walang wala panama yung fear sa love.

Noong bata ako, lagi akong sinisita ng nanay ko dahil nga palagi kong gustong maghawak ng tuta. Bukod kasi sa ilang beses na kong nakagat ng aso ay mas malaki yung risk sa rabies ng puppies (ayon sa kanya).

Hindi ko rin alam kung anong nag-da-drive sa akin. Siguro dahil ang totoo masarap mag-alaga ng aso. Ramdam mo yung pagmamahal na ibinabalik nila sa'yo. Mula sa pagpapansin na way rin nila ng paglalambing, sa pagkawag ng buntot nila from left to right kapag nakikita kang dumarating hanggang sa pagprotekta sa'yo. Ganoon mo mararamdaman yung loyalty nila.

During my gradeschool days, merong isang tuta na inalagan kami. Isa lang yung aspin, sa dami ng tuta na ipinangak ng asong si Pamela (isa sa aso na inalagaan namin) eh yun lang ang natira sa amin. Lahat ng tutang may magandang kulay eh nakuha na ng kapitbahay, di na kami nakapili kahit na sa amin yung aso dahil sa rash and rush decision ni Mama. Naiirita na kasi si Mama dahil siya yung palaging naglilinis ng poo poo ng aso.

May natirang isang tuta. Noong una medyo naiinis pa 'ko dahil hindi nga ako nakapili. Syempre bata pa 'ko noon at pakiramdam ko tinanggalan ako ng karapatang pumili ng cute na tuta. Pero kahit ganoon eh ayoko namang pabayaan yung natirang tuta. Isang puting tuta na may itim na eyepatch yung natira. Puting puti siya at ang tanging brown at itim sa kanya ay yung pabilog na bahagi sa mata niya. Na parang pirate na may patch sa isang peliluka.

Pinangalanan ko siyang Sergio. Sergio from the telserye Marimar. Sergio rin ang naunang pangalan ng ikaunang asong inalagaan ko. To redeem myself from devastation. Namatay kasi yung asong yun nakakain ng buto ng manok na matulis. Apparently nakakapatay pala 'yon. Tapos nung nawala si Sergio Jr, mga ilang years din ako bago uli nag-alaga ng aso, at dumating si Lighty.

Siguro sa ganitong paraan ko maisasummarize kung paano ako nainvolve sa pagaalaga ng tuta. Dito pa lang nabanggit ko na yung apat na asong inalagaan ko. Sina Sergio, Pamela, Sergio uli at si Lighty.

Pero hindi pwedeng mai-summarize yung love. Hindi pwedeng mai-summarize yung heartbreak. Hindi buo ang kwento kung ganitong paraan ikukwento.

We all have different stories of heartbreak. One of mine came from dogs I cared for. Ang kwento nila ay parte ng kwento ko at ng buhay ko. At may pwesto silang nakalaan sa akin hindi man nila alam.

Isa ito sa mga pinakamahirap na isusulat ko dahil pakiramdam ko ibinubulatlat ko yung katauhan ko sa makababasa nito. Pero gusto ko siyang ikwento dahil darating ang araw na malilimutan ko ang kwento nila dahil sa katandaan kaya isusulat ko na hanggat kaya ko pa

Matagal na panahon na magmula ng alagaan ko sila. At sinusubukan kong balikan ang lahat at ikwento ito sa abot ng aking makakaya. Siguro para sa iba,aso lang sila pero hindi sila basta aso lang. Lalo na kung alam mong naging parte sila ng buhay mo.

Kapag nawala sila may kung anong parte sayo na nakakonekta sa kanila. May kung anong string na nagdudugtong sa inyong dalawa na kahit sa picture mo lang siya nakikita o kahit na sa alaala na lang. Hindi mapipigtas yung taling nagdudugtong sa inyo.

Sergio. Pamela. Sergio Jr. Lighty. Salamat sa pagiging pamilya. Para sa inyo ito.

This is my personal journal about my dogs which I will publish here because their stories are something that I would like to share with the world.

Darating ang panahon na makakalimutan ko ang kwento nila. Kaya habang naalala ko pa, habang kaya ko pa, ikukuwento ko na.

These are my stories of joy and heartache. It's the story that I would read over and over again. This is something I believe worth telling so I will write it.

This is me and my dogs.

This is a book about my pets, my best friends, my sons, my family.

My playmates.

PlaymatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon