PAGKA-park ni Cade ng kotse, pumulas na ng takbo si Angela papunta sa room nito. Three minutes na lang, time na, dahil nga inintay pa nilang makapagshower at makapagbihis si Cade.
"Late na rin ako." Tumingin si Geraldine sa relos niya. "Bilisan mo naman." May kinukuha pa sa trunk si Cade. Kung anik-anik.
Ibinaba nito ang trunk, may hawak nang backpack at duffel bag.
"Ano 'yan?"
"Sapatos ko, tatakbo na lang ako sa oval mamaya."
"Iba pa d'yan sa suot mo?" Trainers rin naman ang suot nito. Hindi ba pantakbo rin iyon?
"Iba 'to." Tukoy nito sa duffel bag.
"Ganun?"
"Running shoes, engineered to support my feet, even my knees."
Napaisip si Geraldine. Oo, nga. Come to think of it, Cade had a lot of shoes. Napangiti siya, "Imeldific."
Cade grinned. Hindi makatanggi na mahilig sa sapatos.
"Tara na." Aya uli ni Gereldine.
Inakbayan siya ni Cade, hinalikan pa siya sa may cheekbone. Pinalis niya ang nguso nito, "Ano ba? Mabubura highlighter ko d'yan."
"Wala pa 'kong kiss simula pagkagising ko."
"OA mo. 'wag kang manglingkis dito, school 'to."
"Wala namang ibang tao--"
"'kala mo lang. May mga nakatingin d'yan." Hindi lang ang mga sikyu at mga kasamahan ni Nora, dahil tinawagan na niya kagabi ang janitress, sinabi ang problema kay Cade at ibinilin niya na talasan ang mga paningin pagdating kay Cade. More than willing naman si Nora na bantayan si Cade nang palihim, minobilize na raw pati mga kasamahan at mga guwardya. "Matsitsismis tayo." As a matter of fact, natsitsismis na talaga sila.
"So what? What's wrong with us?"
"Wala naman nga kung sakali."
"Kung sakali?!"
"Na tayo nga."
"Wa-Wait...uh, I think we should talk about it. Us."
Huminto siya at hinarap ang lalaki, "Really? Ngayon mo pa naisipan 'yan kung kailan nanganganib ang buhay mo at wala akong panahon sa ibang bagay maliban sa kaligtasan mo at sa kalutasan nitong kasong ito?"
"You're saying, we're not in a relationship?"
"We have a sexual relationship which is unavoidable since you have no concept of personal space. But you happened to be a very attractive man, so, there."
"But there's got to be more than this--"
"The thing is, we don't know, Cade. We don't know. Kaya 'wag mong problemahin dahil hindi ko naman pinoproblema kung ano ka sa buhay ko. Ang pinoproblema ko, 'yung killer na ikaw ang gustong isunod."
"Are you afraid of commitment?" tanong ni Cade.
"No. Okay, yes!" sagot ni Geraldine. "I can't even cook, Cade." At wala pang divorce sa Pilipinas. Her own mother was trapped and would probably die married to misery.
YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...
