Untitled Part 24

1.1K 48 2
                                    


PLAIN WHITE SHIRT NA NAKAPALOOB SA BOYFRIEND JEANS, SNEAKERS. PERO KAHIT loose na masasabi ang suot ni Miss Vera, kapansin-pansin na mas malaki na ang boobs at balakang nito. Still, kung hindi nila ito kilala, hindi nila iisiping peke ang hubog ng katawan. The disguise was so low-key, you wouldn't even think it was a disguise.

Maging ang buhok na inakala ni Cade na wig noong una, hindi pala nang makita ni Geraldine. Inilugay at plinantsa lang ni Vera ang buhok nito, kaama ang bangs. May make-up na kaunti.

Sumakay na ito sa Wigo matapos ikarga sa likod niyon ang tatlong malalaking paperbags. Magde-deliver ng mga 'itlog'. Hindi nagtagal ay nabuhay ang makina ng sasakyan, umatras. And the guidance counselor drove off.

In-start na rin ni Cade ang sedan na hniram kay Candy.

"Wait muna." Awat ni Geraldine. "Palayuin mo konte para hindi tayo mahalata. Three minutes."

"Three minutes?!" Angal ni Cade. "De hindi natin makikita kung saan s'ya liliko dun sa gate."

"Ah, okay. Sige. Go." Sabi ni Geraldine. May katuwiran si Cade, eh. Dinaanan siya nito kaninang alas-sais ng umaga. Wala man lang pasabi na darating. Kailangan na daw nilang mahanap si Prudence dahil sooner , not later, malalaman ni Vera ang totoo na hindi sila ang totoong customer. Tiyak na aapela ang umorder ng 'magic panties', obviously ay bayad na kaya ibinigay na sa kanila ni Vera. Tutugaygayan na lang daw nila ang babae, hoping the guidance would take them to where Prudence was.

Geraldine couldn't argue with that. Dali-dali siyang nagshower at nagbihis. Nakapasok silang walang aberya sa subdivision. Nagkunwari lang silang mag-o-ocular visit. Nag-park sila sa kanto ng townhouse ni Vera.

Now the little car turned right towards the gate. Nag-menor si Cade. Hindi pa fully-occupied ang subdivision, dalawa lang silang sasakyan doon. Mapapansin sila kapag agad rin silang lumiko.

Vera approached the gate. Tumaas ang barrier doon. Hinintay nilang makalampas at makaliko si Vera bago sila sumunod. Vera turned left. Meaning , hindi ito sa city proper pupunta.

"Ah, madami ba tayong gas?" Tanong niya kay Cade nang ma-realize na papasok ng NLEX ang Wigo. Tiningnan niya ang display sa dashboard. Hindi pa naman lumalayo sa FULL ang needle.

"Makakarating tayo hanggang La Union na hindi nagkakarga." Sagot ni Cade.

"Tingin mo dun s'ya pupunta?" Ang layo naman. Tatlong oras pang mahigit na biyahe iyon.

"I've no idea."

"I've no idea what we're doing either...but I can't stop thinking about Prudence. Maliban sa 'ting dalawa, wala nang ibang naghahanap sa kanya. Noone cares at all. Kung hindi natin s'ya kailangang makausap, hahanapin ba natin s'ya?"

Hindi sumagot si Cade pero halatang napaisip.

"What if...she's dead already?" Tanong pa ni Geraldine. That was her greatest fear, the thought that kep her awake most of last night.

"'Wag nating isipin ang ganyan." Sabi ni Cade.

a

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now