Untitled Part 25

1.1K 43 0
                                    


MATAPOS ang mahigit isang oras na pagsunod, sa visitors' parking area ng isang exclusive resort community sa Bataan sila pinulot.

"We're in luck." Deklara ni Cade.

"Makakapasok tayo kahit hindi tayo member?"

"Nagturo ako ng football at futsal dito dati."

"Ganon." Tango ni Geraldine. Swerte nga. "Ano 'yung futsal?"

"Football din pero lima lang ang players. Indoor s'ya." Tinanguan siya ni Cade, "Tara."

"Welcome ka dito all the time?"

"Ahhmm, we'll see kung natatandaan pa nila ako."

Duda naman si Geradine na mayroong basta-basta makakalimot kay Cade. And she was right. Magiliw itong binati ng dalawang babae at isang beki sa reception counter. Nginitian din siya nang ipakilala siya ni Cade pero kulang sa sigla ang ngiti sa kanya. Masabi lang.

"Pasyal-pasyal lang kami." Sagot ni Cade nang tanungin kung ano ang gagawin nila doon. "Then we'll have lunch later. Parang gusto namin mag-trekking."

"Mag-zipline na rin kayo, Sir." Suggestion ng beki, "kung magte-trekking kayo. Deretso na dun. Tamang-tama ang dating n'yo sa schedule ngayon." Tumingin pa ito sa relos.

"Hmmm, sure, why not?" Dalawang card ang inilabas ni Cade buhat sa pitaka. Ang isa, credit. The other one, some sort of pass card, "May discount pa ba 'ko?" Tanong nito.

"Tingnan natin, sir." Sinwipe ng babae sa machine ang 'pass card' na pula. "Yes, sir. Hanggang next year pa." Credit card naman ang sinwipe ng babae. Naloka si Geraldine. Two-thousand five hundred ang day-tour, pero person, kasama na daw ang lunch at mga activities na gusto nila. Pero dahil sa 'pass card' ni Cade, three-five na lang silang dalawa.

Maya-maya pa ay sinusuotan na sila ng sticker na bracelet.

"Ahhmmm, may nakita pala akong kakilala kanina sa parking." Sabi bigla ni Cade, "Tinawag ko, hindi yata ako narinig. Nagmamadali, eh. Si Vera. 'gang dito ang buhok--" he indicated his shoulder, "May bangs. White top--"

"Ah." Tango ng tatlo. Iyong nag-swipe ng mga cards ang nagsalita, "Si Miss Vee. Guest ni--" siniko nito ang beki, "Master Lee."

"Master?" Sabat ni Geraldine. "Lee? Di kaya si Bruce Lee 'yon?"

Hilaw ang tawa ng beki. Parang naawa lang kay Geraldine kaya natawa kunwari, "Sylvan Lee. At hindi s'ya ganung klaseng master."

"Ano'ng klaseng master s'ya?" Tanong ni Geraldine.

"Master na...ahmm...ano ba 'yun?" Tanong ng beki sa katabi, "Yung meditate-meditate. May cleansing session sila ngayon--every Saturday, actually."

"Cleansing...ng ano?" Si Cade.

"Mga chaka--I mean, chakras daw po."

Napatango si Geraldine, Ah, that kind of master.

"Pwede sumali dun?" Tanong niya. "Maalikabok na chakra ko."

"Thru invitation lang, Miss."

"Interesting." KOmento ni Cade. "Dun aatend si Vera..Vee?"

"Yes, sir. Regular s'ya, every Saturday."

"Saan ginagawa 'yun?"

"Dun po sa beach club."

"Ah , I see." Tango ni Cade.

#Ixc

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now