Untitled Part 16

1.2K 50 0
                                        


MADILIM NA MADILIM ang loob at labas ng bahay. Wala yata ni isang bombilya na may sindi pero ang mga kapitbahay, may mga ilaw sa labas ng bintana kaya kitang-kita pa rin ni Geraldine ang bahay nina Prudence. Tipikal na Pinoy bungalow--gable roof, casement windows--pero mukhang noon pang 1980s itinayo. May ukit ang paarkong frame ng bintana. May balkonahe sa harapan na nilagyan ng rehas kaya mistula iyong hawla.

Walang doorbell sa gate kaya kinalampag na lang niya iyon at inalog, "Tao po! Tao po!" Kahit naman si Miss Vera na ang suspect niya sa mga krimen, tama naman ang payo nito na gawin niya ang gusto niyang gawin. Kakauspain niya si Prudence dahil hindi naman siya matatahimik kung hindi niya iyon gagawin. Isa pa, ayon sa listahan ni Missy ng mga bullying incidents, may binuhusan ng juice si Prudence sa canteen three days bago napaslang si Miss Igarte. "Tao po! Gandang gabi po!"

Bakit wala yatang tao? Nasaan si Prudence?

"Prudence!" Tawag niya at nakiramdam. Wala siyang marinig kahit kapiraso man lang na ingay buhat sa bahay dahil na rin sa ingay naman sa paligid--asong kumakahol somewhere, motorsiklong humaharurot, "Prudence! Tao po!" Inuga niya nang inuga ang gate.

Biglang nabuksan.

"Hala!" Ineksamin niya ang bakal na bisagra. Maluwag iyon sa suksukan at hindi naman nakabaon sa semento iyong pangkandado na nasa ibaba. "Ahhmm." Luminga-linga siya at marahang pumasok sa gate. Bakit nagi-guilty siya, hindi niya alam.

Limag hakbang lang mula sa gate, balkonahe na. Umakyat siya--dalawang baitang-- at sa front door naman kumatok. Wala pa ring sumasagot man lang. Nag-iisip na siyang umuwi na lang nang mapansin niya ang bintana. Hindi nakalapat, kalimitan nang sakit ng mga bintanang bumubukas palabas. Kapag kinalawang , nai-stuck at kung maisara mo man, hindi lubos.

Hinila niya pabukas. Hinawi niya ang kurtina at inilawan ng cell phone ang loob ng bahay. Tumatayo na ang mga balahibo niya, sa totoo lang. Paano kung biglang si Miss Igarte na ang mailawan niya? Nakalutang sa gitna ng salas, sa tabi ng baby piano....paano kung biglang tumunog ang piano?

Shit.

Katal sa takot na likha ng imahinasyon niya, hindi na niya magawang tumawag.

Pero nasaan si Prudence? Ang alam niya, dahil iyon rin ang alam ng lahat sa school, wala namang ibang nangangalaga ngayon kay Prudence Nag-iisa ito sa bahay.

Bahay na madilim...malungkot...posibleng minumulto. Paano kung....sa sobrang kalungkutan, naisipan na rin ni Prudence magpatiwakal? Imposibleng hindi nito marinig ang tawag niya at pangangalampag.

Shit.

Baka nga may nangyari. Napalitan ng ibang takot ang takot niya sa multo. Inilusot niya ang kanang kamay sa bakal ng bintana. In-extend niya ang braso sa amot ng makakaya hanggang nahawakan niya ang pinto.

"Aaaaaa--" stretch pa...konte na lang....nahagip niya ang doorknob. Uma-adjust pa siya para mas mahawakan niya at mapihit. Tiniis niya ang sakit sa kili-kiling nakasalpak sa bakal.

Nabuksan niya ang pinto.

Pasok agad siya, binuksan ang switch. Hindi lumiwanag. Inulit niya...nang inulit. Walang ilaw. Bakit?

Nagtyaga siya sa flashlight ng cell phone, "Prudence? Si Miss G ito. Prudence, can we talk?"

Sa likod ng baby piano, may maiksing hallway. Dalawang silid ang magkaharap doon, sa dulo ng hallway, mas maliit na pinto. Banyo marahil.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now