Untitled Part 33

1.3K 47 0
                                    


YOU HAVE NO IDEA HOW GRATEFUL I AM FOR THIS." SABI NI CADE MATAPOS kunan ng picture si Angela na tumanggap ng certificate of attendace mula sa organizers ng writers' conference. His daughter was beaming with pride and happiness, iisipin mong award of excellence ang natanggap.

"Huh?" Usal ni Geraldine, pinipiktyuran rin si Angela.

"Look at her. She has never been this happy. Dahil sa 'yo 'yan." Cade took another picture.

"I didn't do anything." Sagot ni Geraldine.

"Nakita mo ang hindi ko nakikita noon."

"Trabaho ko 'yun. Parang ikaw. Nakikita mo ang abilities ng players mo dahil inoobserbahan mo sila bawat isa. It's not your fault kung hindi mo nakita na ito ang gusto ni Angie dahil 'yung talent na kagaya ng sa kanya, hindi naman eskandalosa. Kumbaga sa sakit, mahirap i-diagnose. 'kala mo depressed, anti-social, tamad--"

Natawa si Cade, "yeah, I get what you mean. I'm still grateful though. Madami na s'yang dinaanan na teachers pero ikaw lang ang nakapansin ng hilig n'ya."

Matipid na ngiti ang sagot doon ni Geraldine at lumipat ito ng ibang puwesto para sa ibang anggulo naman makuhanan si Angela.

Kay Geraldine naman itinutok ni Cade ang camera. She made him wonder about...life in general. Ano nga ba ang totoo? Lahat nang nangyayari ay nakatakda o hawak ng tao ang kanyang kapalaran? Sino ang nagdesisyon na maging malapit siya kay Geraldine?

I wasn't looking but I found you....or did you find me? And where do we go from here? Geraldine had no problem getting close..intimate with him. It was great. Pero..parang hindi seryoso ang babae.

"Dad!"

Nagulat si Cade. Angela was tugging at his arm, "Hey, congrats!" Bati niya sa anak, "Is it finish na?" tukoy niya sa closing program ng conference.

"Yeah, but can I stay for a minute? I'll meet you at the car. Magpapa-autograph lang ako dun sa mga authors."

"Sure, sure. Take your time."

"Thanks." Tumakbo na pabalik sa kumpulan ng participants si Angela.

Lumapit na rin ulit kay Cade si Geraldine, "Saan pa 'yun pupunta?"

"Magpapa-autograph daw. Sa kotse na lang natin hintayin."

"Okay."

Lumabas na sila ng events center. Mag-a-alas-kwatro na nang hapon, medyo matingkad pa rin ang init ng araw. Nagbukas ng payong si Geraldine, "I've been thinking hard." Sabi nito. "Saan ako nagkamali? Kay Vera nanggaling ang Bible verse, the same verse na ipinapadala ng killer sa bibiktimahin. Hindi ba tama lang naman isipin ko na si Vera ang killer? May motibo rin s'ya. Gusto n'yang maramdaman ng mga bullies kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay."

"Her alibi checked out. Wala tayong magagawa doon. Paano kung hindi talaga s'ya? Hayaan na natin sa mga pulis ito, tutal, alam na nila ngayon na iisa lang ang killer, pinagsanib na nila ang imbestigasyon. May lead na sila kahit paano."

"Lead? It's not a lead, Cade. It's a dead-end. Kailan pa nila mahuhuli ang salarin?"

"Hindi ko alam. Sana, sa lalong madaling panahon. Pero hindi talaga natin masasabi and...it's not our problem."

"It is a problem." Parang nagtampo si Geraldine. "Ang mga killers, problema ng lipunan. Problema nating lahat."

"Why are you so hung up on this? Pangarap mo bang maging pulis or something?"

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now