Untitled Part 29

1.2K 46 1
                                        


HINDI AKO makapaniwala, Coach. Akala ko mabubulok na ako doon--" mangiyak-ngiyak pa rin si Nora kahit nasa kotse na ito ni Cade at pauwi. "Salamat talaga Coach, utang ko sa 'yo buhay ko. Pati sa 'yo, Ma'am G. Salamat po talaga. Pati po sa tulong mo po Coach sa nanay ko--" kulang na lang ay yakapin nito si Cade mula sa backseat.

"Walang anuman 'yon, Nora." Sabi ni Geraldine. "pasensya ka na lang kung ngayon ka lang nakalabas. Wala kasing opisina kahapon." Linggo. Pero Sabado pa lang ng hapon, nang makita nila sa messages sa cell phone ni Prudence ang Bible verse, tinawagan ni Cade ang abogado ni Nora para asikasuhin ang release papers ng babae. Obvious na na hindi si Nora ang salarin dahil sa parehong Bible verse na natanggap nina Prudence at Janus bago paslangin ang mga mahal niyon sa buhay. Nasa kulungan na si Nora nang mapaslang ang pamilya ni Janus.

Nag-halfday na lang si Geraldine para makasama siya kay Cade na sunduin si Nora at ihatid sa bahay nito.

Apartment na may kalumaan na ang tirahan ni Nora at ng nanay nitong may diabetes. Pero malinis. May mga halaman sa labas, may asong nakatali sa may pinto, malinis ang kainan maging ang aso mismo. Si Gibo raw, pakilala ni Nora sa alaga. Putting aspin, payat pero hindi dahil sa gutom. Natural na iyon ang katawan ng aso.

Sa reunion pa lang ni Nora at ni Gibo, naiyak na si Geraldine. Hindi magkamayaw ang aso paano lulundag, yayakap at didila sa amo, kumakahol na tila cry of joy.

Napayakap si Geraldine kay Cade.

And then Nora's mother was at the door, umiyak na nang makita si Nora. Mother and daughter cried and hugged.

Humigpit rin ang yakap ni Geraldine kay Cade.

Pero siya na rin ang nakahalata sa sarili, "Ba't pala ako nakayakap?" Aniya.

"I'm not complaining." Sagot ni Cade.

Isinali sila ni Nora sa group hug.

After several moments, kumalas si Geraldine, "Uh, kunin lang po namin 'yung groceries sa kotse."

"ha?" Bulalas ni Nora. "Nag-abala pa po kayo Coach. O-Okay na po kami, makakabalik na naman po ako sa trabaho--"

"Pahinga ka muna ng ilang araw. Next Monday ka na rumeport." Sabi ni Geraldine. "Mag-bonding muna kayo ng mama mo, pasyal kayo. Pati ni Gibo." Inaamoy na siya ng aso. Hinimas niya ito sa ulo. Sinisi pa niya si Cade, "Di mo sinabing may dog sila, sana bumili tayo ng dog food." Bago nila sunduin si Nora, nag-grocery muna sila ng sa palagay nila ay kakailanganin ng mga ito sa buong linggo o higit pa. Okay lang mapasobra. Masarap magbigay sa kapwa. Gustong solohin ni Cade ang amount, hindi siya pumayag. They paid in cash para hati talaga sila. Pag pinayagan niyang gamitin ang credit card ni Cade, tiyak na hindi siya sisingilin at magkakalimutan na.

Bumalik sila sa kotse. Binuksan nI cade ang trunk, "Let's have dinner tonight. Just us." Aya nito, magkahati rin nilang binitbit ang mga supot ng groceries.

"Sure. What time?"

"Around seven?"

"Sige. E, di uuwi na muna ako."

"Sunduin na lang kita mamaya."

Napangiti na lang si Geraldine. All's well that end's well, sabi nga ni Shakespeare.

Hinuli na sina Master Lee at Vera. Kinasuhan ng kidnapping. Their respective lawyers were arguing against it. Kusa naman daw sumama si Prudence kay Vera. At hindi papatayin ng dalawa si Prudence. Ang ginawa ng mga ito ay 'cleansing'. Mabuti ang intensyon ng mga ito kay Prudence at kaya lang nakagapos ang bata ay dahil nagwawala noong ikalawang araw na doon.

Natural. Hindi pinapakain, hindi pinapainom. Naging delusional na si Prudence. At malamang daw ayon sa duktor na umeksamin kay Prudence sa ospital, hindi na aabot ng one week si Prudence kung hindi pa rin ito nailigtas. Hindi bale daw sana kung nakakainom man lang si Prudence. Kaso hindi rin. Prudence would have died.

Pero iginigiit ng lawyer nina Master Lee, mino-monitor ang kalagayan ni Prudence sa attic, may sariling duktor ang organisasyon--umiiwas si Mr. Lawyer banggitin ang salitang 'kulto'.

Ewan kung saan pupulutin ang kaso. Tinitingnan at iniimbestigahan na rin ng mga pulis ang posibleng kaugnayan ng dalawa sa pagkamatay nina Miss Igarte at pamilya Alvez. Pero hindi pa kinakasuhan para doon sina Vera. Lalo na si Vera.

Still, that didn't stop the netizens from twitting about the #killerguidance. Trending si Miss Vera at aburido na naman ang pamunuan ng Hillcrest. Nag-aamok na naman ang mga parents.

Iyon ang topic nila ni Cade sa kanilang dinner date.

"Sooner or later, may lilitaw na ebidensya na si Miss Vera nga ang killer." Sabi ni Geraldine. "Ewan ko lang kung kasabwat n'ya si Master Lee."

"I don't think so. Tingin ko, personal vendetta slash advocacy ni Vera ang ginawa n'ya."

"dahil sa nangyari sa kapatid n'ya. Kawawa naman talaga 'yun. Kaso...mali ang ginawa n'ya, eh. Hindi naman naitatama ang mali ng mali."

"Mahirap kalaban ang rage." Sabi ni Cade.

"Pero kung magsalita s'ya, parang--tanggap na tanggap naman n'ya ang ginawa ng kapatid n'ya. Ang impression ko is, she found comfort sa belief na 'yung mga taong kasing busilak ng brother n'ya, hindi talaga nararapat dito sa mundo. Parang, they don't deserve this ugliness."

"Minsan naman, iba ang sinasabi sa nararamdaman."

"Sabagay nga." Kinuha ni Geraldine ang kanyang wine glass, "Dito sa puntong ito na ba tayo kakanta ng Two Less Lonely People?"

Cade grinned, "Yup."

Two less lonely people in the world and it's gonna be fine...

"All is well that ends well." Wika ni Geraldine, ininom ang kanyang red wine.

..out of all the people in the world, I just can't believe you're mine....for a while. Wala namang nagtatagal dahil...hindi naman kailangang magtagal. Kapag umaasim na, walk away.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now