Chapter 28-The Miss

Start from the beginning
                                    

Muli kong sinubukang bumalik patungo sa direksyon ni Killan. I pivot with the help of my agile body. My plan is to run towards Killan and throw a spear across Tigrani's direction to distract her.

Napansin ko ang bawat galaw ng mga buhok nito ay naaayon sa utos ng utak niya. I guess a little distraction could somehow open a spot where I can escape.

Killan's reaction did not change as I ran towards his direction. Muli akong pinaulanan ng mga bato ni Brugour. Sa kasamaang palad, hindi ako nito natatamaan.

Nang mabilis kong nabuo ang isang malaking sibat sa aking mga kamay ay wala akong sinayang na oras. Muli akong dumausdos sa lupa upang makaikot at matantiya ang direksyon ng babaeng-buhok. Tumakbo ako ng ilang hakbang saka tumalon ng mataas kasabay ng pagtantiya ko sa babaeng hindi pa rin sinusukuan ang mga buhok para huliin ako.

Malakas kong ibinato ang sibat. Pinuntirya ko ang ulo nito. Nagulat ang babae sa ginawa ko. Napansin kong tila nataranta ito sa pagdating ng patalim sa direksyon nito. Tumigil sa paghabol ang makapal nitong buhok na tila nawalan ng koneksyon sa babae.

Pagkakataon ko iyon para tunguhin ang direksyon ni Tigrani. Surely, the hair opens a spot of escape!

Para dagdagan ang pagkalito ng kalaban, sinundan ko ang sibat ng dalawa pang naghuhumindik na punyal habang tumatakbo palapit dito.

"You little-" hindi natapos ng babae ang sasabihin dahil mas inuna nito ang pag-ilag sa parating na sibat at dalawa pang punyal.

Lumihis ako palayo sa kinaroroonan nito. Muli akong bumuo ng apat pang punyal sa mga kamay ko at magkasunod na ibinato sa kinaroroonan nito. Kailangang maging abala ang utak nito sa pag-ilag sa mga ibinabato ko para makatakas ako. It's working!

Tila hindi na alam ng mga buhok ni Tigrani kung alin ang uunahin—ang sugurin ako o protektahan si Tigrani mula sa mga umuulang patalim. Tigrani's distraction is my chance to finally save my battle.

Sinamantala ko ang maliit na pagkakataong iyon. Tumakbo ako sa ilang metrong espasyo na nasa pagitan nila ni Lanuza. Laking gulat ko nang bumungad sa daraanan ko ang tila maliliit na bolang kulay rosas. Mabilis na lumipad ang mga ito sa espasyong tatahakin ko.

I see lovely shades of red floating in the air, but they smell like a danger to me. Galing ang mga iyon mula sa mahika ni Lanuza na hindi ko lubusang alam kung ano ang kaya nitong gawin. Knowing your enemy is half the battle. Too bad I only know her name.

Napatigil ako sa pagtakas. Umatras ako nang mapansin ko ang paglapit ng maliliit na bola. Awtomatiko namang bumuo ang kamay ko ng isang katana bilang depensa. Napansin kong balik sa normal na ang mga buhok ni Tigrani at tila nautusan na naman nito ang mga iyon para sugurin ako.

Humigpit ang hawak ko sa espada.

Nang akmang pupuluputan na ako ng makapal na buhok mula sa gawing kaliwa ko'y walang alintana kong iwinasiwas palihis ang hawak kong patalim para putulin ang mga buhok na iyon. Sa kasamaang palad ay nahiwa ko rin ang isang pulang bola sa ere. Sumabog ang maliit na bola at naglabas iyon ng kulay pulang usok na halos malanghap ng buo kong sistema.

Nalasahan ko ang pait ng usok na iyon sa aking lalamunan. Halos maduwal ako at matumba mula sa kinatatayuan. Nawalan ako ng balanse. Naramdaman ko ang mahigpit na pulupot ng mga buhok ni Tigrani sa magkabilang binti at braso ko. Maglalabas pa sana ako ng sandata mula sa aking gauntlet ngunit tila pinigil iyon ng mahigpit na gapos ng mga buhok.

"Akala siguro nito maiisahan niya tayong apat!" Tila tagumpay na halinghing ni Tigrani na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakagapos saakit.

Halos mapasigaw ako sa sobrang kirot ng braso at binti ko dahil sa babaeng buhok. Nagawa pa nitong sakalin ako gamit at pahirapan ako ng husto. Nanlaban ako nang maramdaman kong mauubusan na ng hangin sa baga ko.

"Tigrani, stop! You're killing her!" Dinig kong sigaw ni Killan mula sa likuran.

"Isn't that's the reason why we're here? Kill this little gauntlet?" Ayaw papigil at nanggigigil na untag ng babaeng buhok.

"The Miss wants her to be eaten alive by the dominus." Dinig kong wika ni Lanuza. Naglakad ito palapit sa babaeng buhok. Base sa tindig nito, tila natutuwa itong makita akong nakaluhod sa harap nila ni Tigrani. "The Miss will be very disappointed if we do not follow her orders."

Bruguor roars horribly.

"What's taking so long?" Isang boses babae ang sumulpot. Tila narinig ko na ang boses na 'yon. Hindi ko lang matandaan kung saan.

Natahimik ang lahat. Parang isang mapanganib na nilalang ang dumating. Napansin ko ang pagyuko ni Tigrani bilang pagbibigay pugay sa babaeng dumating. Nadagdagan ang kaba at takot ko sa dibdib. Hinahabol ko ang bawat paghinga habang hinihintay ang susunod ng hatol ng mga ito. Naglalaro na rin sa utak ko kung sino ang nilalang na dumating.

"We have her, Miss." Kalmadong usal ng babaeng buhok.

"Take her to the dominus. Make sure wala ni isang pirasong maiiwan sa kanya."

Her tone. Her pitch. Her accent and the amount of anger in her delivery. Bakit parang kilala ko na ang tinawag nilang Miss kahit na nakatalikod ako dito?

The Miss is here to eliminate me. Eliminate the gauntlet I carry. I have a strong feeling that she's behind the former queen's death. Hindi niya nagawang burahin ang kapangyarihan ng gauntlet mula sa yumaong reyna ng House Calore. Now she made her way here in Mors for the same mission—kill me and get rid of the gauntlet.

The hiems. Enhnace the hiems and find the others...

Whoever is behind the assassination of the gauntlet bearers has the plan to take over the ten kingdoms of Springgan. Naalala ko ang kwento ni Kenru. The four queens: Winter, Vernal, Autumn and Fall once ruled the kingdom but then a certain group caused their disappearance.

The Miss is from that same council which assassinated the queens.

But who is she?

###

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Where stories live. Discover now