Epilogue

11.1K 336 51
                                    

Epilogue

Cindy's POV

"Love, alam ko naman na alam mo na mahal na mahal na mahal kita kaysa sa buhay ko. Kaya kong mamatay para lang sayo. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikitang naka ngiti. Mahal na mahal kita. At sana hayaan mo akong patunayan pa iyon sayo hanggang sa tumanda tayo." sabi nya sa akin dahilan para maiyak ako. Maiyak ako sa tuwa. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito para sa amin. 
"Cindy Mae Villacorta, will you marry me?" tanong nya sa akin at sunod-sunod namna akong tumango sa kanya. 

"Oo Ashron! Yes!" sabi ko sa kanya. Tumayo sya at isinuot sa akin ang singsing. Simple lang ito kung titingnan may diamond na maliit sa gitna at sa palibot nito. Halatang mahal ang presyo.
Niyakap nya ako ng sibrang higpit. To the point na hindi na ako maka hinga. Ginantihan ko din ang yakap nya. Hinalikan nya ako sa noo, sa kaliwang pisngi, sa kanang pisngi at sa... Joke lang wala ng susunod. Hanggang doon lang. Baka sa kasal pa namin mangyari yung kiss na totoo. Hihe. 

"Pangako, mamahalin kita higit pa sa buhay ko. Mahal na mahal kita. At pangako ko din sayo hinding-hindi kita paiiyakin." sabi nya sa akin at hinalikan ulit ako sa noo. Napa-pikit ako kasi kahit sa noo lang iyon ramdam na ramdam mo yung pag mamahal at pag iingat nya sayo. At sa mga yakap nya pakiramdam kong ligtas ako sa kung ano mang maaaring makasakit sa akin.

"Mahal na mahal din kita... Mister ko." sabi ko sa kanya at ngumiti. Aba si mister ko kinilig, namula eh.

"Nako ha, nambobola na ang misis ko." sabi nya sa akin at ngumiti naman ako sa kanya. Syempre kinilig din ako. Ikaw kaya ang sabihan ng 'misis' ng future asawa mo, hindi ka ba kikiligin doon?

Mas gusto ko ang tawagan na 'misis at mister' kaysa sa 'love' mas kinikilig ako doon eh. Tsaka kapag nasa public tapos may nalandi sa kanya, isang tawag lang ng 'mister' titigil sila. Oh diba?

3 months later

"Hoy luka-luka ano na? Pangiti-ngiti ka na naman dyan!" saway sa akin ni Alex.

"Nag de-daydream na naman yan katulad ng magiging asawa nya, tsk." sabi ni Chandy.

Natawa na lang ako sa inasal nilang dalawa.

"Ano ba? Masama bang mag daydream? Ang sarap kayang balikan yung araw na nag propose sya sa akin." sabi ko sa kanila habang naka ngiti.

"Nako pag-ibig nga naman... Mag handa ka na nga. Isuot mo yung gown mo." sabi sa akin ni Xands.

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Ashron! Oemgeeee! Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako or what basta ang nararamdaman ko na sigurado ako masaya ako, sobrang saya...

Ang kailangan ko na lang ay mag suot gown. Ilang araw kaming hindi nag kita ni Ashron. Sabi kasi ng matatanda dapat daw hindi mag kita ang dalawang ikakasal bago sila ikasal kasi daw baka hindi matuloy ang kasal. Alam kong nabubuhay na tayong lahat sa modernong panahon. Pero hindi naman sigurong masama na sumunod sa mga pamahiin hindi ba? Wala namang mawawala eh. At syempre kultura at tradisyon na natin iyon. At sana sa mga susunod na henerasyon, magawa pa ito at hindi malimutan.

Isinuot ko na ang gown ko. Ito ay may mga perlas na nag sisilbing palamuti na parang nagiging bulaklak kapag pinag sama-sama. Ang belo ko naman ay mahaba. Sobrang ganda... Ako ng pumili nito. Ayaw pa nga ni Ashron sa una kasi kitang-kita daw ang likuran ko. Sabi ko 'bakit ba? Okay lang yun' kaya wala na syang nagawa.

Ilang sandali na lang ikakasal na ako... Mag isa akong mag lalakad sa altar kasi wala naman si Daddy. Mapait na lang akong napangiti.

"What's with smile? Wag kang ngumiti ng may halong pait, hindi bagay sayo." sabi sa akin ni Hailey. Ang daming napapansin ng babaeng ito ano?

Forever With The Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon