Chapter 27: Founding Anniversary 6

9.4K 317 23
                                    

Ashron's POV

Pinabalik ko ang mga pinsan ko ganun na din ang mag kapatid na sina Barett at Duke sa kwarto ko.



"Mga pinsan...." panimula ko ng maka upo na silang lahat sa loob ng kwarto ko. At tanging ako na lamang ang naka tayo.



"Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin? Bakit?" tanong ko sa kanilang dalawa na ngayon ay naka tungo habang naka-upo samantalang ang mag kapatid naman ay takhang naka tingin sa akin.



"Alin? Anong sinasabi mo Ashron?" tanong sa akin ni Duke.



Bumaling ako sa kanya. "Nakita ko na sya. Nakita ko na si Cindy." sabi ko sa kanya dahilan para manlaki ang mata nya.



"Nandito? Sa Kasdeyatopia?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Barett, tumango ako sa kanya. Bumaling ulit ako sa mga pinsan ko.


"Hindi nyo ba sasagutin ang tanong ko?" nag sisimula ng mag-init ang ulo sa kanila.




Imagine, pinsan mo sila tapos hindi nila nagawang sabihin sayo ang totoo. Kaya pala pakiramdam ko ay may hindi sila sinasabi sa akin. Nakaka disappoint lang dahil sila yung mga pinagkakatiwaladan mo tapos gaganituhin ka lang. Anong mararamdaman mo diba?




"Ashron... Kaya namin hindi sinabi sayo agad dahil ayaw ka naming mabigla... At----" sabi ni Harold na ngayon ay naka tunghay na. 




"Sa tingin mo ba kanina hindi ako nabigla? Na bigla na lang sumulpot ang babae na matagal ko ng hinahanap na ngayon ay kasama ng iba? And worst asawa nya? Sa tingin mo hindi ako nabigla?" tanong ko sa kanya sa sarcastic na tono.




Ayaw akong mabigla? Damn it! Sinong hindi mabibigla na one day makikita mo ang babaeng halos ilang taon mong hinanap tapos makikita mo asawa na ng kaaway mo? Sinong hindi mabibigla?



"Ayaw din naming masaktan ka kasi nga may kasamang iba si Cindy." sabi naman ni Xander.




"Ayaw nyo akong masaktan?" sarkastiko kong tanong sa kanila. "Nasaktan na ako mga pinsan maraming beses na... Pero bakit ngayon pa? Bakit hindi nyo sinabi sa akin agad? Nabigla na lang ako nung batiin tayo ng mga Villaroel tapos maya-maya nakita ko ang babaeng halos tatlong taon nating hinahanap? Bakit?" sabi ko sa kanila.
"Kung ayaw nyo akong masaktan bakit hindi nyo agad sinabi sa akin? Para sana naka pag prepare manlang ako at hindi magulat na nagkaroon bigla ng asawa yung babaeng niliigawan ko na papakasalan ko pa dapat." pag papatuloy ko pa.





Hindi ko lang kasi matanggap na sarili ko pang mga pinsan ang gaganito sa akin.



"Ashron, easy lang." sabi ni Duke sa akin.




"Paano ako magiging easy? Paano?" tanong ko sa kanya. Mainit ang ulo ko ngayon kaya wag nyo akong sinasabihan ng easy, tss.




"Siguradong may dahilan sila kaya nila ginawa yun." sabi naman ni Barett.



"Oo nga." pag sangayon naman ni Duke sa kapatid nya.




Napa 'tss' na lang ako.





"Okay... Kaya namin hindi agad sinabi sayo dahil alam namin kung ano ang gagawin if ever na makita mo sya. Alam naming hindi mo sya titigilan dahil nga mahal mo sya. Pero paano na lang kung hindi ka nya maalala?" sabi sa akin ni Harold na nagpatigil sa akin. Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko.




Pero paano na lang kung hindi ka nya maalala?



Pero paano na lang kung hindi ka nya maalala?



Forever With The Vampire Where stories live. Discover now