Chapter 19

8.6K 294 18
                                    

Steven's POV

It's been three years...

Tatlong taon ng pag hahanap kay Cindy. Wala akong kaalam-alam na nawawala ang pinsan ko! Nalaman ko lang ito one month after nyang mawala! Sinabi sa akin ng mga kaibigan nya ang nangyari. And I can't help it! Nagagalit ako sa mga kaibigan nya, alam nilang pinsan ako ni Cindy, alam nila kung saan ako hahanapin. Pero bakit parang huli na nung nalaman ko? Pero bakit parang ipinagkait sa akin na malaman ko ang totoo? Ako yung taong piang sasabihan nya ng mga problema nya na hindi nya masabi-sabi sa mga kaibigan nya. Pero bakit ganun? Hindi naman ako magagalit ng ganito kung sinabi nila agad sa akin eh. Kaso ilang araw yun? Bago ko nalaman na nawawala ang pinsan ko? Paano na lang kung may nangyaring masama sa kanya? Paano na lang kung sinaktan sya ng mga kumuha sa kanya? Or kung nasaan ba sya ngayon? Nagagalit ako lalo na sa mga bampirang kasama nya sa bahay nya. Matagal ko na syang binalaan na lumayo sa mga iyon, pero anong nangyari? Hindi sya lumayo! Kaya ayun nawala sya.


"Puputok na yung baso sa sobrang higpit ng hawak mo." sabi sa akin ng isang babae na may bangs at blonde ang buhok na hanggang bewang, siguro?


Tiningnan ko ang bote at tama nga sya. Kung hindi ko inalis ang pag kakahawak ko ay masisira ito.

Nandito ako sa café kung saan ko sya huling nakausap? Sa tingin ko.


"Ayos ka lang?" tanong nya sa akin. Tumingin ako sa kanya. At tumango ako.


"Sure?" tanong nya ulit.

"Oo nga." sabi ko sa kanya.

"I'm Hailey... Hailey Montecarlos" pag papakilala nya sa akin. Tumango lang ako sa kanya.

Bakit ba sya nag papakilala? Ano ba ang gusto nitong babaeng ito? Hindi ko naman tinatanong ang pangalan nya e.


"Sungit." mahinang sabi nya sa gilid ko pero narinig ko parin kaya naman tiningnan ko sya.


"Sino kaba?" tanong ko sa kanya.

"Hailey nga. Kulit mo rin noh." sabi nya sa akin.


"Oh? Bakit ka nag papakilala?" tanong ko naman sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa kanya.


Mapayat sya... Pero tama lang naman... May maganda syang mata at mahabang eye lashes.... Matangos din ang ilong nya... Maganda din ang pink nyang labi...


"Woi?" sabi nya sa akin sabay kaway ng kamay nya sa harap ng mga mata ko. At bumalik ako sa katinuan ko.

Ano ba Steven?! Umayos ka nga!


"A-Ano nga?" tanong ko sa kanya.

Shet nahalata ba ako? Tss. Malapit na..


"Sabi ko... Masama ba maging friendly? Lutang ka." sabi nya sa akin.


"Hindi naman..." Sabi ko sa kanya.


"So ikaw ay si...?" tanong nya sa akin. Umupo na sya sa katabing upuan. Kapwa kami naka tanaw sa labas. Iilan lang ang tao dito sa loob ng café palibhasa school hours. 1:00 pm pa lang ng hapon at ang uwian ng mga istudyante ay 5:00-6:00 pm.


"Steven... Steven Villacorta." sabi ko.


"ah... Nice name." sabi nya.


Bahagya kaming kapwa natahimik. Nakamasid lang ako sa labas at baka sakaling makita ko ang pinsan ko.


"Estudyante ka ba dyan?" tanong nya sa akin sabay turo sa school nina Cindy. Black Stone University.


"Uhmm hindi, sa ibang school ako nag aaral.. Ikaw?" sabi ko sa kanya.


"Uhmm... Yes, kaka transfer ko lang din dito..." sabi nya. Napatingin ako sa kanya.


"Eh bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Nag kakape??" sagot na tanong nya sa akin. Obviously, café 'to eh. Tss.


Tama bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong? Tss.



"May klase kayo ah." Sabi ko sa kanya.



"Tumakas ako. Ayaw ko doon sa subject teacher ko. Kaya naman imbis na mapagalitan nya ako ay umalis na lang ako. At nandito ako sa tabi mo ngayon." sabi nya. Aba may babae palang mahilig mag cutting. Amazing... Akala ko boys lang hahaha.


"By the way... Bye na.. Babalik na ako doon. See you again! Mr. Villacorta!" and she waved her hand to me. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.


Kahit wala na sya at nag laho sa mga paningin ko nakangiti parin ako.


Unang babae... Unang babae na hindi nahiya kapag kausap ako. Lahat kasi ng kumakausap sa akin sa school hindi matitino puro ganito:

"Kesye kyehhh.." tapos may inabot pa sa aking card. Elementary? Tss. Itatapon ko na lang mamaya. Wala akong panahon para basahin ang mga ganitong klaseng sulat.


"eng kyet me kyeh." tapos namula yung girl. Tss. Napa irap na lang ako sa hangin.


Sige ako na, ako na ang masungit. Eh bakit ba? Nag sasayang lang sila ng oras sa tulad ko. Kung nag aaral na lang sila ng mabuti, 'di ba?


"uhmm... I... Uhmm... Shet..." ang tinong kausap. –.–. Tss.


Ang titino diba? Kaya ayun si Hailey ang unang babae na nakausap ko ng matino. Maliban sa mga close friends ko at sa family ko.

Napangiti nya ako kahit naiinis na ako kanina...


Napagaan nya ang loob ko kahit sobrang daling panahon lang. Hindi sya yung tipo ng babae na mahiyain. Sya yung yung tipo ng babae na kapag napansin ka nya na may problema tatanungin ka nya at lalapitan.  Bakit ko nasabi? Base doon sa nangyari kanina.



I hope I can see her again...



Umalis na ako sa café na iyon at sinuot ko ang black cap ko. Mainit sa labas e.










A/N:

Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig kay Steven. Syet. HAHAHA.

Vote, comment and share!! Feel free to comment! Tell me what do you think about this chapter! 

Thank you!

Lablotss!

-DARLINGBABE_22

Forever With The Vampire Where stories live. Discover now