Chapter 5: Kiss?

70 26 12
                                    

Chapter 5

Tila may sariling isip ang mga paa ko na tinahak ang isang makipot na daan pababa ng bundok. Buti at hindi ako naligaw dahil sa ibaba niyon ay naroon ang bayan ng San Isidro.

Malayo iyon sa kabihasnan kaya kinailangan ko pang maghintay ng limang oras para makasakay sa isang pampublikong bus.

Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko pero hindi ko na iyon pinansin. I look like a mess with my dirty old dress but that's my least concern as of the moment.

Damn. Ilang araw akong nawala kaya paniguradong kahindik hindik na sermon ang matatanggap ko. I badly need to go home as soon as possible.

"Manong, ilang oras pa bago tayo makarating sa Manila?"

Lumingon sa akin ang konduktor at kinamot ang batok. Pawisan ang nuo niya at mukhang basa na rin ang damit.

"Mga walo hanggang sampung oras, Miss."

I sighed heavily. Saang lupalop ba ako ng Pilipinas napadpad at ganito kalayo?

Such a bad luck, kailangan ko pang maghintay ng ilang oras bago makaligo at makakain.

Malayo ang biyahe kaya hindi ko napigilang maidlip. Naalimpungatan lang ako nang nanuot sa ilong ko ang isang pamilyar na pabango.

Dumako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Nasa tabi ako ng bintana kaya hindi ko namalayan ang pagdating niya, masyadong napasarap ang tulog ko dulot ng sariwang ihip ng hangin.

He's wearing a white shirt paired with black cap and a faded jeans. Nakahalukipkip siya habang nakahilig sa headrest ng upuan at mukhang natutulog. Sa kaniyang tabi ay isang itim na leather jacket.

Ang kaniyang matangos na ilong, mapupulang labi at umiigting na panga ang tanging nakikita ko dahil natatakpan ng sombrero ang kalahati ng kaniyang mukha.

I can say that he has a well toned body just by looking at his firm muscles on his arms.

I wonder why he's cologne smells familiar but yeah, there are thousands of people in the world so probably, they can use the same brand.

I yawn and look at the window.
Hindi na ako muling nakaidlip dahil nalibang ako sa matatayog na puno at sa malawak na bukirin. Malayong malayo sa mausok at maingay na lungsod.

Ilang oras ang dumaan nang biglang tumigil ang bus. Nagtaka ako dahil nasa isang liblib na lugar kami at puro puno ang nasa gilid ng daan.

Tumayo ako at namataan ang driver na nakataas ang dalawang kamay at pinagpapawisan. Si manong konduktor naman ay tila natuod sa kaniyang kinatatayuan.

"Hold up 'to! Ibigay niyo ang kailangan namin kung ayaw niyong masaktan!" sigaw ng isang lalaki na bigla na lang sumulpot galing sa labas.

May suot itong lumang damit na may mga mantsa pa ng dumi. Marungis ang mukha dala na rin ng kaniyang mataas na balbas. May dala itong baril na nakatutok sa amin. Sa likod nito ay may lima pang mga bagong dating na lalaki na sa hinala ko ay pawang kasamahan niya.

Oh. What a scene.

Nagsimulang maghiyawan ang mga tao at ang iba'y nagsimula nang umiyak.

Naalimpungatan ang lalaking katabi ko dahil sa ingay na nanggagaling sa paligid. He slowly took away his cap and look at the commotion.

His hair was a little bit messy and yeah, he got a pair of thick brows that compliment his deep orbs. This man could attract a lot of women just by his serious expression!

"Bang!"

Nagulat ako dahil sa putok ng baril galing sa mga lalaking holdaper. I clenched my fists tightly, I'll teach those assholes a lesson.

The Wicked AngelWhere stories live. Discover now