Chapter 23

172 11 0
                                    

Kinabukasan pag gising ni Eliab ay wala na ang kanyang asawa sa kwarto. Nang tingnan nya ang kinahihigaan ito nito ay medyo basa pa ng luha ang unan na ginamit nito tanda ng pag iyak nito ng buong magdamag. Napagpasyahan nyang bumangon alam nyang nasa shop na ito sa oras na iyon. Plano nyang suyuin ito at humingi ng tawad.

Nakokonsensya sa marahas nya muling pag angkin dito. He almost raped his wife its not his intension do it that way  pero pag sumisingit sa kanyang isip ang nakitang pag halik ni Michael sa labi nito ay nabubuhay ang galit nya. Alam nyang mabuting babae si Gail, kagabi sa kanyang pagpilit na maging isa ang kanilang katawan naramdaman nyang wala iba ito sa buhay nito maliban sakanya. He really knows that alam nya ang bawat sulok ng katawan ng asawa. Bigla ay parang gustong-gusto nya itong makita. Napansin nya ang picture frame sa bed side table, kuha iyon nung araw ng kasal nila. Napansin nyang kakaiba ang ngiti nila doon, na animoy matagal na nilang mahal ang isat isa. Pupuntahan nya ito sa shop para suyuin ito.

Nagsuot sya short at sando saka lumabas ng kwarto. Dumiretso sya ng banyo nanibago sya amoy nun amoy men's soap ang banyo nanibago sya amoy ng sabon at shampoo nya ang nalalanghap niya sa loob noon. Nagkamali siguro si Gail ng nagamit sa pagligo. Nasa unahan kasi ang gamit nya pag ligo kaya marahil iyon ang nadampot nito. Naghilamos sya at nang matapos ay inabot nya ang tuwalyo. Tumagal ang tingin nya sa basurahan na nandoon, may balat ng kung ano ang nandoon kinuha nya iyon at binasa Pregnancy Test kit. Shit!   Hinanap nya ang laman noon sa basurahan ngunit wala iyon doon.

Lumabas sya ng banyo. Hindi nya alam kung ano ang gagawin. Si Esang ang naabutan nya sa sala umiiyak ito. Si Aling Anda naman ay kalalabas lang ng kusina at may dalang isang baso tubig. Napakunot ang noo nya, hindi bat si Esang ang kasama ni Gail sa shop nito? Bakit ito nandito?

"S-sir Eliab.." Si Esang iyon
"Anak, Eliab gising ka na pala" malungkot na pagbati sakanya ni Aling Anda.

"Ano ang nangyari? Bakit nandito si Esang diba at kasama dapat sya ni Gail sa shop?" Tanong nya sa mga ito.

"Si ate Althea umalis sya, may sumundo sa kanya sa shop Mang Edgar ang pangalan sila pa nga ang naghatid sakin dito sir Eliab, kaya pala may dalang maleta si ate Gail aalis pala sya" umiiyak na sabi ni Esang halatang malapit ito sa kanyang asawa dahil sa paraan ng pag iyak nito.

Parang bombang sumabog sa harap nya ang mga sinabi ni Esang. Alam na nya kung nasaan ang asawa umuwi ito sa lugar nito. Nilayasan na sya nito!

"Eliab anak, higit na kailangan ka ni Althea. Buntis sya." May inabot ito sakanya, iyong bagay na hinahanap nyang laman ng balat na kinuha nya sa basurahan kanina lang. Malinaw ang dalawang linyang pula na nakalagay doon.

Nasapo nya ang noo. Frustrated na naihagod nya ang kamay sa buhok hanggang batok. Buntis pala ito kaya pala mukha itong hapong-hapo simula ng makita nya ito kahapon.

"Napansin ko na ang pagbabago ng asawa mo, nagiging tamad syang kumain kaya nangangayat sya, madalas din sya pumunta ng banyo at sumuka at sabi ni Esang ayaw daw ni Gail ng amoy ng bulaklak, pati ang mga gamit mong sabon at men's shampoo ang gustong amoy ni Althea" si Aling Anda iyon,

Naalala nya na hindi amoy flower scent ang banyo kanina pagpasok nya

"hindi bat nagpunta kayo ng hospital kahapon, ano bang sabi ng doktor? Kumusta ang lagay ng bata?" Si Aling Anda muli ang nagsalita

"H-hindi ko na hinintay ang resulta Aling Anda," nahihiyang amin nya dito.

"Nag away kayo" kumpirma nito sa sinabi nya.

Tumango sya.

"Kuya Eliab bakit mo naman inaway si ate Althea, ang bait-bait nun at mahal na mahal ka, hindi mo ba nakita na sa sobrang pagmamahal nya sayo pati pangalan ng shop nya ay isinunod sa pangalan mo pati yung mga choices ng mga bouquet at set ng bulaklak nakapangalan sayo. Lagi sinasabi ni ate Althea na namimissed ka na nya! Tapos ikaw aawayin mo lang sya! Tama nga siguro yung sinabi nung lalaking naghatid kay ate Althea sa hospital na hindi mo sya mahal!" Dirediretsong sabi ni Esang. Tila huminto ang tibok ng puso nya sa mga narinig mula sa dalagita. Na mahal sya ni Althea Gail hindi nya alam ang tungkol sa pagpapangalan ng shop nito sakanya. At kilala na nya ang lalaking tinutukoy nito.

Pag Ibig Is All We NeedWhere stories live. Discover now