Chapter 21

153 10 0
                                    

Alam ni Eliab na may mali sa paraan ng pagtrato nya sa asawang si Gail, hindi nya mapigil pero mukhang tama yata ang tanong ng kanyang asawa kanina; na nagseselos nga sya kay Michael na ex-boyfriend nito at ngayon ngay nakakasama sa ginagawang shop nito. At sa tingin nya ay hindi lang basta selos ang nararamdaman nya para sa Michael na iyon kundi matinding pagseselos.

Marahas na napabuntong hininga sya. Frustrated na naisuklay nya ang mga kamay sa buhok.

"Shit, shit, shit" naihilamos pa nya ang kamay sa mukha.

Alam nyang walang ginagawang masama si Althea Gail sa kanya gaya ng sinasabi nito at nararamdaman naman nyang totoo iyon pero hindi nya maiwasan na makain ng selos ang kanyang damdamin.

Sa hindi malamang dahilan ay naiinis na muli nyang nahilamos ang kamay sa mukha. Bigla naman dating ng kanyang sekretarya.

"Sir, mayroon po tayong business trip for tomorrow sa bohol good for two weeks po ang itatagal natin dun sa importante nating client si Mr Alonzo kasama din po si Mr Del Mundo na pipirma sa inalok nating kontrata" si Liza iyon.

"Biglaan yata to, hindi mo ko na inform about dito." Komento nya sa sekretarya.

"Sir? Sinabi ko na po yun kahapon sa inyo at pumayag nga po kayo kaya na aprubahan ko na po yung schedule para sa flight bukas"

Natigil sya sandali at inalala ang sinabi nito. Nang makumpirma sa isip na sinabi nga nito iyon ay napa sang ayon nalang sya sa sekretarya.

"Sorry, Liza I forgot" napahawak sya sa sintido

"Ok lang sir, mukhang po yatang malalim ang iniisip nyo"

"Medyo, anyway tutal na aprubahan ko naman na ang alis bukas, I think I need to go home early"

"S-sir? Di po ba may pupuntahan kayo ngayon may meeting po kayo ng ten a.m sa kasama ng mga board members sa Manila Hotel"

Napapalatak sya sa. Nakalimutan din nya iyon, nitong mga nakalipas na araw si Gail ang laman ng isip nya.

"Ok, thanks Liza" tumango lang ang sekretarya at lumabas na ng kanyang opisina.

Marahas na napabuntong hininga nalang sya. Sa kanya nalang pagbalik kakausapin ng masinsinan ang asawa at hihingi ng tawad sa asal at trato na nagawa nya dito. Lalo ng nagdaang gabi alam nyang umiyak ito sa paraan ng pag angkin nya dito nakita nya kasi ang marahang pag punas nito ng luha at pag yugyog ng balikat. Frustrated na naihagod nya ang kamay sa buhok.

Naisip nyang tama ang pansamantalang pag alis para makapag isip ng mabuti. Pipilitin nalang nyang matapos ang trabaho ng mas maaga pa sa dalawang linggo para makasama ang asawa, nakapag disisyon na syang mag late-honeymoon sila ni Gail bagay na hindi nila nagawa nung unang araw ng kanilang kasal. Naisip nyang dalhin nalang sa susunod ang asawa sa mga meeting nya out of town para makapasyal din ito at makasama ito. Nawala ang pagmumuni-muni nya ng tumunog ang telepeno sa kanyang tabi si Liza iyon at pinaalala ang meeting nya ng ten a.m.

~~

Lumipas ang dalawang linggo na paalam ng asawang si Eliab na may pupuntahan itong business trip sa bohol kasama ng mga kaboard members nito ay hindi pa din umuuwi si Eliab sa condo. Unti-unti ng nalulungkot sa pag iisa si Althea Gail magtatatlong linggo na nyang hindi nakikita ang asawa, kaya naman inaabot sya ng gabi sa kanyang ayos ng Flower Shop, isang linggo mula ng umalis si Eliab ay tuluyan ng natapos ang kanyang Flower Shop kaya naman sa opening nyon ay wala ang kanyang asawa. Si Luis ay naroon kasama ang girlfriend nito si Jecca, nakarating din si Tito Fred, ang dalawang kapatid nyang si Arkin at Athena kasama si Bea. Ipinaalam pala ni Luis sa mga ito ang kanyang pag bukas sa negosyo. Naikwento rin ng mga ito na nakauwi na ang daddy nya at si tita Rina mula amerika at naging matagumpay ang operasyon sa kanyang ama, iyon nga lang ay hindi nakasama sa araw na iyon dahil maselan pa ang kalagayan nito dulot ng operasyon hindi pa ito pupwede sa mahabang biyahe.

Pag Ibig Is All We NeedWhere stories live. Discover now