Chapter 13

179 11 0
                                    

"S-salamat" mahinang sabi ni Althea Gail kay Eliab.

Nahihiya sya dito dahil sa ikalawang pagkakataon ay nakita na naman sya nito sa nakakaawa nyang sitwasyon. Noong una ay ng inatake sya ng migraine at ngayon naman ay ng kanyang dysmenorrhea. Normal na sakanya ang pag ataking iyon, almost two years na rin nya iyong nararamdaman while she's on her period. Mga tatlong araw lang naman iyon tatagal sakanya matindi lang ngayon dahil first day ng period nya.

Ngumiti si Eliab sakanya, kitang-kita nya sa mga mata nito ang labis na pag aalala. Nakaramdam sya ng pag init ng pisngi ng naalala nya ang kamuntikan ng may mamagitan sakanila. Iniiwas nya ang mukha dito, hanggat maari ay ayaw nyang maalala ang eksenang iyon sa harap nito, hindi dahil sa naiinis sya kundi hindi nya lang alam kung ano ang tamang iaakto sa harap nito. Nakakatawang isipin na magdadalawang buwan na sila mag asawa at mag kasama sa iisang bubong ay wala pa ding namamagitan sakanila. Eh, ano naman? Bakit gusto mo na? Tanong ng isang bahagi ng isip nya. Bakit? Masama ba? Eh asawa ko naman sya ah? Naputol ang sagutan sa isip nya ng magsalita ito.

"Your face is red, are you sure your okay?"

"Y-yes, s-sa lagnat lang to, dont worry okay lang ako" kahit nananakit ang puson ay nagpasya syang bumangon. Kailangan nyang asikasuhin ito, halos apat na araw din itong hindi umuwi, tingin nya ay naguilty ito sa nangyari kaya nag tago ito sa kanya sa loob ng apat na araw.

"Hindi pa ko nakakapag luto nagugutom ka na ba?" Mataman lang itong nakatitig sakanya, nakaradam tuloy sya ng pagkailang.

"Hindi pa naman, don't bother to cook magpadeliver nalang tayo ng pagkain" sagot ni Eliab. Inalalayan sya nito sa kanyang pagkilos.
"Are you sure na okay ka lang talaga?" Paninigurong tanong nito.

Tumango lang sya bilang pagtugon dito. Hanggang makarating sila ng sala ay inaalalayan sya nito. May nakapatanong na box ng cake sa lamesita doon, wala sa sariling napangiti sya. Favorite nya ang cake at mga matatamis tulad ng ice cream at chocolate. Natutuwa sya dahil nagc-crave talaga sya cake ngayon at sakto naman strawberry flavor ang nandoon na talaga naman paborito nya.

"'Like it?" Napalingon sya kay Eliab nakamasid ito sakanya nakangiti ito. Out of nowhere ay napayakap sya dito. She didn't know why she do that, it's just that na parang sa sobrang tuwa ng puso nya ay wala sa sariling nayakap nya ito marahil ay na appreciate nya ang small things na nagagawa nito, ilang beses na ba itong nag alala sakanya tuwing nakikita nito na nahihirapan sya.

"C-can I hug you back?" tanong nito sakanya.

"Hmmm" lalo syang pumulupot dito para iparamdam dito na okay lang sakanya ang gumanti ito ng yakap.
Naramdaman nya ang mahigpit na pagpulupot ng braso nito sa katawan nya. Mainit ang temperatura ng katawan ni Eliab na nakakapagrelax sa nanlalamig nyang katawan, idagdag pang napakabango nito ganto pala mayakap ng isang Eliab Buendez napakasarap sa pakiramdam parang dinuduyan sa langit. Bago pa sya tuluyang magpaduyan dito ay dahan dahan syang lumayo sa katawan nito at sunod nyang inalis ang mga braso sa leeg nito.

"S-salamat Eliab"

"You're always welcome, wifey"

Ngumiti sya dito, hindi parin inaalis nito ang pagkakapulupot ng braso nito sa katawan nya. Nakaramdam sya ng pagkailang, alam nyang muli na naman syang nagkulay hinog na makopa.

"Your blushing, i like it" pinasadahan nito ng haplos ang pisngi nya. Nalilitong inilayo nya ang mukha dito. Dahan-dahan din nyang inalis ang katawan sa pagkakayakap nito.

"Kukuha lang ako ng platito para makain natin yung cake" tatalikod na sya dito ng hawakan nito ang braso nya.

"Ako na. Just sit here" maingat sya nitong inupo sa sofa, ito na ang pumunta ng kusina.

Pinagsisibilhan sya nito, nakakadalawang hiwa na sya ng strawberry cake ng mapansin nyang hindi ni Eliab nagagalaw ang cake na nasa platito. Nakatingin ito sa kanya with fondness in his eyes, bigla syang nahiya hindi nya na naituloy ang gagawing pagsubo. Kumunot noo at nagsalubong ang makapal na kilay nito

"Y-you're not eating" sagot nya sa pagkunot ng noo at pagsalubong ng kilay nito

"I'm sorry, hindi talaga ko mahilig sa sweet tooth,"

Nalungkot sya, opposite nya pala si Eliab sa mga paborito nyang matatamis

"But dont worry, I like watching you eating sweets, you look like a little girl na first time makatikim ng matamis, dont get me wrong hah? actually, I found it cute"

"Sa totoo lang paborito ko talaga ang strawberry cake" nahihiyang sabi nya dito

"Well, its really obvious" magsasalita pa sana si Eliab ng may narinig silang nagdoorbell

"thats our food" tumayo si Eliab at nilapitan ang nag doorbell mayamaya pay may dala na itong pagkain. Ito na rin mismo ang nag handa at nag ayos ng pagkain. Mayamaya lang ay kumakain na din sila. 

Madaming inorder si Eliab na pagkain, at madami ding nakain si Gail marahil ay dahil namissed nya talaga ang asawa na kasabay kumain. Pagkatapos nilang maghapunan ay niyaya sya nito sa terrace nauna na syang pumunta doon, naghugas ito ng pinagkainan nila kaya natagalan ito makapunta sa terrace, may bitbit itong mini cooler box inilapag nito iyon sa maliit na lamesang ginawa nya, nakita nya ang gulat sa mata nito ng nilinga nito ang paligid. Mistulang mini garden ang terrace dahil nilagyan nya iyon ng mga ibat ibang halaman at bulaklak tila hagdan iyon na nakasalansan gumawa rin sya ng maliit na lamesa at dalawang upuang kahoy para pag gusto ng binata tumambay doon ay may upuan ito at kahit paano ay makakalanghap ito ng konting sariwang hangin dahil sa mga halaman at bulaklak na nandoon.

"I like it" sabi ni Eliab matapos pasadahan ng tingin ang paligid

Ngumiti sya dito. Umupo sya upuang kahoy na naduon.

"Where did you buy this?" Tukoy nito sa upuan at lamesang kahoy.

"Gawa ko yan" nahihiyang sagot nya sa asawa, "pangit ba?"

"Nope. I like it too, I dont know you can do furnitures" nakangiting sagot nito nasa mata ng binata ang paghanga.

"Salamat, may nagturo lang sakin kung pano gumawa nyan" bigla ay naala nya ang ex-boyfriend na si Michael, ito ang nagturo sakanya gumawa ng magandang estante para sa lagayan ng halaman at ito rin nagturo sakanya gumawa ng mga iyon pati mga upuan, lamesa at iba pa. Furniturist si Michael at ito ang gumawa lahat ng mga gamit nya sa dating Flower Shop nya. Naging mag kaibigan sila nito at kalaunan ay naging magkasintahan. Isang taon at kalahati din ang relasyon nila pero nauwi din sa hiwalayan dahil may asawa pala ito. Nang maalala iyon ay hindi nya namalayan ang pagdaan ng mapait na ngiti sa kanyang labi.

Huli na para bawiin iyon dahil nakita na ni Eliab ang mapait na ngiti dulot ng biglang pag alala sa dating nobyo.

"Is that Luis?"

"N-no, it's not him" napansin nyang tila narelieve ang hitsura nito.

"Then who?"

"It's Michael, m-my ex-boyfriend"

Pag Ibig Is All We NeedWhere stories live. Discover now