Chapter 8

165 10 0
                                    

Napagpasyahan ni Eliab Gavin umuwi ng maaga dahil nag aalala sya kay Gail, namumutla kasi ang kanyang asawa kaninang umaga ng iwan nya ito sa condo, napansin na nya iyon sa kotse palang, nahihiya syang tanungin ito dahil mukhang hindi maganda ang gising nito dahil sa pagkakakunot ng nuo nito. Naisip nyang marahil ay gumaganti si Gail dahil sa pagsusungit nya dito ng nagdaang gabi, nawala kasi sya sa mood ng makita nya ang tattoo nito, hindi nya kasi gusto ang mga babaeng may tattoo, maybe he is being judgemental to think na para sa kanya ay masamang klase ng babae ang may tattoo sa katawan. And he dont want to think and dont want to admit that her wife is kind of whore or bad woman. Inalis nya sa isipan ang salitang "baka gumaganti ito" dahil kahit may tattoo ang asawa ay wala sa mukha nito ang maghiganti, she look like a Virgin Mary na mapagmahal sa bugtong na anak, she look so innocent kahit na may tattoo pa ito.

Pagpasok ni Eliab sa condo ay natutuwa syang pagmasdan ang kalinisan na nakikita nya sa paligid ng kanyang kabahayan, naamoy din nya ang mabangong amoy ng ulam na alam nyang si Althea Gail ang nagluto, nakakaramdam ng tuwa ang puso nya sa nakikita. Unang uwi palang nya sa kanyang condo bilang may asawa ay ito na agad ang aabutan nya, amoy tahanan. May malinis na bahay at mabangong amoy ng pagkain. Naalala nya ang nanay nanayan nyang si Nanay Anda na nagpalaki sakanya, simula kasi ng maghiwalay ang magulang nya ay ito ang tumayong magulang nya. Nagkahiwalay lang sila ng nanay nanayan pagkatapos nya mag highschool dahil pinag aral sya ng kanyang ama sa Spain para sa business management na kursong pinakuha nito sa kanya. Kahit galing sa broken family ay wala syang hinanakit sa mga ito, ngalang ay hindi ganun kalapit ang loob nya sa totoong magulang maliban sa kanyang nanay nanayan na tinuturing nyang magulang.

Agad syang dumiretso sa sofa, hindi nya nararamdaman ang presensya ni Althea Gail sa paligid, ini-expect nya na sasalubungin sya nito. Pagkalapag ng suit jacket sa sofa at susi ng kotse sa lamesita ay agad syang dumiretso sa kusina. Wala si Althea Gail doon, sinilip nya ang laman ng rice cooker dahil mukhang hindi pa ito naghahapunan, at tama nga ang hinala nya niwalang bawas ang laman ng rice cooker. Paderetso na sana sya sa banyo ng makita nyang bukas ang kwarto nya, sinilip nya iyon nakita nyang nakahiga si Althea Gail, naaamoy nya ang mabangong amoy ng shampoo nito, marahil ay katatapos lang nitong maligo. Lumapit sya sa nakahigang si Althea Gail, mabango si Althea pero may naaamoy pa syang ibang amoy at nakita nya nga iyon, isang spa ointment iyon marahil ang nagpahid ito sa katawan nito. Napatingin sa mini cabinet na pinatungan ng baso ng tubig at balot ng isang gamot. Inabot nya iyon at binasa pain reliver iyon. Nakita din nya ang isang maliit na supot na may tatak ng mercury drug, kinuha nya iyon at puro pain reliver iyon. Is she sick? Naitanong nya sa isip. Puro pain reliver kasi ang nakikita nya na gamot nito. Tinanggal nya ang tuwalya sa ulo nito, basa pa ang buhok nito, kumuha sya ng tuyong tuwalya at pinunasan ang buhok nito. Napansin nyang may ointment ang nuo at sintindo nito, masakit marahil ang ulo nito. Sobrang tindi ba ng sakit ng ulo nito para inuman pa nang pain reliver. Kumuha sya ng suklay para gamitin sa pagpatuyo ng buhok nito. She really looks in pain naawa sya sa hitsura ni Gail dahil bakas sa mukha nito ang sakit na nararamdaman nito, may bakas pa ng luha ang pisngi nito.

Napansin nyang marahan ni Althea Gail binubuksan ang mata nito, pero muli nito pinikit iyon. Tinakpan ng kamay nito ang nakapikit na mata.

"Are you okay? May masakit ba sayo" nag aalalang tanong nya dito.

Umiling iling lang ito.

"Water?" Alok nya dito.

Umiling lang ulit ito.

Napansin nyang inihilot nito ang kamay sa nuo at sintido nito.

"Let me" sabi nya dito. Ipinalit nya ang sariling kamay sa paghilot sa nuo at sintido nito. Nakita nyang guminhawa ng kaunti ang hitsura nito.

Pag Ibig Is All We NeedWhere stories live. Discover now