Chapter 22

160 10 0
                                    

Inabot ng mahigit dalawang linggo at limang araw si Eliab sa bohol ngayon ngay nakabalik na sya ng Manila at dumiretso muna sya sa opisina upang silipin ang kaganapan doon. Sasaglit lang naman sya dahil mas gusto nyang makita ang asawang si Gail, tumawag sya sa condo at nagbakasaling nandun ito pero si Aling Anda ang sumagot at sinabing nasa Flower Shop daw ito, masayang ibinalita ni Aling Anda ang maayos na pagbukas ng negosyo ng asawa, sinabi din nito na nangangayayat ang kanyang asawa at tila may kakaiba daw dito, masyado itong matamlay at tamad kumain. Pinayuhan pa sya nitong idaan sa hospital ang asawa. Nakaramdam sya ng pagkabahala para kay Gail, pakiramdam nya ay may kinalaman sya sa nangyayari dito ngayon. Umalis syang hindi sila nag kakaayos at hindi nag kakausap ng masinsinan. Pero ngayon iyon ang plano nya magleleave sya ng isang linggo para bumawi dito. Gusto nyang ilaan naman ang buong oras at araw na kasama ito. Pupuntahan nila ang mansyon nito sa Sta Isabela dahil nakauwi na ang daddy nito para mabisita nito pati ang mga kaibigan at mga kapatid nito.

Palabas na sya ng sariling opisina nang may tumawag sa teleponong nandoon. Wala na sana syang planong sagutin iyon, ngunit nakaramdam sya ng matinding kaba sa tawag. Kaya sinagot na muna nya bago napagpasyahang lumabas ng opisina.

"Hello?"

"A-anak? Si Eliab na ba ito?" Nasa boses ng nasa kabilang linya ang nerbyos nito

"Aling Anda, kayo po ba ito? Si Eliab ho ito" sagot nya na kinabahan na din. Agad na mukhang nakangiti ni Gail ang pumasok sa isip nya shit!

"E-Eliab, si Althea ang.. ang asawa mo"

"What happened to Gail?" Kinakabahang tanong nya.

"Si Althea sinugod sa hospital, tinatawagan kita sa cellphone pero di ko makontak kaya nagbaka sakali akong tawagan ka dyan sa opisina mo" hindi na nya narinig pa ang sinasabi ni Aling Anda ang isip nya ay nasa asawa na magtatatlong linggo na nyang hindi nakikita. Nang matanong nya ang kung saan hospital dinala si Gail ay agad din nyang nilisan ang opisina.

~~

Nagising si Gail na may nag aaway sa harap nya. Kita nya ang pagsuntok ni Eliab kay Michael, mula sa labi ni Michael ay may tumulong dugo doon. Nanginginig man ang katawan at kahit alam nyang walang lakas ang boses ay umawat sya ng sigaw sa mga ito.

"I-itigil nyo yan!" Nanginginig ang boses na awat nya sa mga ito na sabay pang lumingon sa gawi nya.

Naguguluhang nagpalipat lipat ang tingin nya sa mga ito. Ngunit tumagal ang mga mata nya sa asawang si Eliab. Muli na naman nyang nakikita ang galit sa mga mata nito, nahihintakutan sya at nakaramdam ng pagkatayo ng balahibo. Tila nagbabaga ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Ano na naman bang nagawa ko? Tanong nya sa isip, gusto man nyang salubungin ng yakap at halik si Eliab dahil sa tagal at tindi ng pangungulila dito ay hindi nya magawa dahil tila galit pa rin ito sakanya pero mas matindi ang nakikita nyang galit sa mga mata nito ngayon.

"Gising ka na pala" si Michael iyon at inalis ang pagkakakuwelyo ni Eliab sa  suot nito. Akmang lalapit ito ngunit inunahan na ito ni Eliab.

Lumapit si Eliab sakanya at hinatak sya nito paalis ng higaan. Hindi na nya naisip na manlaban pa dahil tila wala naman itong balak pakawalan ang braso nyang hawak nito. Kahit nakakaramdam pa ng matinding hilo ay sumunod sya sa marahas na paghatak nito. Lalapit na sana at aawat si Michael ng pigilan nya ito at ilingan.

"Stop that man! Can't you see, you're hurting her!" Si Michael iyon na halatang nagpipigil na din ng galit

"M-Michael please, hayaan mo nalang kami mag usap-" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil tuluyan na syang hinatak ng asawa palabas ng silid na iyon.

Nakalabas na sila sa lugar, nasa hospital pala sila kaya pala may mga naglalakad na mga nakaputi na nasasalubong nila, may mga nasa wheelchair, naka lab gown, at patient gown doon. Napangiwi sya habang nakatingin sa brasong hawak ni Eliab.

Pag Ibig Is All We NeedWhere stories live. Discover now