Chapter 17

197 11 0
                                    

Nitong mga nakalipas na araw ay sobrang saya ng puso ni Althea Gail, nararamdaman nya kasing may special feelings na namamagitan sakanila ng asawang si Eliab. Bagamat wala pa rin nangyayaring love scene sa kanila sa gabi ay hindi nakakabawas iyon ng special treatment nila sa isat isa, alam nyang nagpipigil lang si Eliab pero hindi nya alam kung bakit, at agad nitong tinatapos ang mainit na halikan nila sa gabi, minsan nga ay parang gusto na nyang sya na ang kusang maghubad ng damit nito para masimulan na ang dapat simulan. Napangiti sya sa naisip.

Madalas na din syang ihatid ni Eliab sa kanyang matatapos na flower shop nagkakilala din ng personal si Eliab at ang kaibigan nyang si Luis.

"Mukhang masaya ka na naman Mrs Althea Gail Buendez" si Luis iyon nauna itong dumating sakanya.

"Halata ba?" Nangingiting tanong nya, naisip nya kasing sya na ang gagawa ng first move ng matapos na ang pag aalangan nila sa gabi ng asawang si Eliab

"Halatang halata, kanina ka pa ngingiti dyan eh"

"Masaya ako eh, himala ang aga mo yata ngayon"

"Kasi may ipapakilala ako sa'yo na kaibigan, furniturist iyon. Nasabi ko kasi itong flower shop mo at hiningi ko yung service nya syempre kakilala ako nakahingi ako ng malaking discount. Mayamaya nandito na iyon, dont worry magaling iyon, nasabi ko na rin naman yung mga dapat gawin dito sa shop mo" nakangiting sabi nito

"Talaga? Wow Luis salamat. Malaking tulong ka talaga. Ano ba oras dating nung kakilala mo?" Maaasahan talaga nya itong si Luis sa lahat ng bagay, kahit na busy din ito sa sariling trabaho at buhay nito ay hindi sya nakakalimutang tulungan.

"Maya-maya nandito na rin iyon, sya nga pala baka hindi kita masasamahan dito sa shop sa mga susunod na araw. May pupuntahan ako sa cebu iyon may aasikasuhin akong kaso dun kasi nakatira ang humingi ng service ko."

"Ganun ba? Kailan naman ang balik mo nyan?"

"Siguro mga one week lang ako dun, kelan ba grand opening nitong shop mo? Kailangan nandito ako sa opening nito isasama ko si Jecca" tukoy nito sa girl friend nito minsan na nyang nameet ang kasintahan nito, napagalaman nyang si Jecca pala ang nakahanap ng pagpupuwestohan ng kanyang Flower Shop.

"Sure, basta tawag tawag din pag may time para mainform kita"

"Ayan na pala yung sinasabi ko sayong kakilala kong furniturist" tiningnan nya ang tinitingnan ni Luis na lalaking lumabas sa kotseng pumaradang tumapat sa shop nya.

"Lalaki?" Napabaling ang tingin nya kay Luis. Akala nya ay babae ang kakilala nitong furniturist.

"Yes, bakit may problema ba gender dito? dont worry alam nyang may asawa ka na at sinabi ko yun tsaka wala naman akong kakilalang babae na furniturist" paliwanag nito. "Dito kami pre" tawag nito sa lalaking bumaba ng kotse.

Sinundan nya ng tingin ang lalaking tinawag ni Luis. Ganun nalang ang gulat nya ng makilala ang ito. Nakaramdam sya ng matinding panlalamig ng palad at katawan. Halatang nagulat din ito ng makilala sya.

"Michael meet my friend Althea, sya yung sinasabi ko sayo na may ari ng gagawing flower shop" nagpalipat ang tingin ni Luis sakanilang dalawa "magkakilala kayo?"

"Ye-"

"No!" Putol nya sa isasagot ni Michael. "H-hindi ko sya k-kilala"

"Yes, we dont know each other" mataman nakatingin si Michael sakanya, inilahad nito ang palad sakanya.

Nag aalangan man ay inabot parin nya ang kamay nito.

"Nice meeting you Mrs Althea"

Tango lang ang naisagot nya. Agad nyang binawi ang kamay dito. 

Pag Ibig Is All We NeedWhere stories live. Discover now