Chapter 4: Weak will always die.

Start from the beginning
                                    

​     Doon, pilit na inagaw ni Reinalyn ang paperbags sa walang kalaban-laban na dalaga. Itinulak niya ito ng malakas, dahilan para tumilapon ang mahinang pangangatawan ni Matilda sa maputik na lupa.

​     Bago pa makapagprotesta ang kaawa-awang dalaga, tuluyan nang naisabog ng malditang dalaga ang lahat ng laman ng paperbags sa lupa. Kinuha niya ang mga items na nakatawag ng kanyang pansin katulad na lamang ng mga shampoo, biscuits, and candies. Isinilid niya iyon sa suot na backpack. Binuksan pa niya ang isang bottled water. Ininom niya iyon, at pagkatapos ay walang kakunse-kunsensyang ibinuhos ang natirang tubig sa lupang kinauupuan ni Matilda. Tila ba ngiting dimonyo ang nakaguhit sa kanyang mapulang labi nang matapos ang kawalang-hiyaan na ginawa niya. Niyurakan niya ang isang instant noodles at gagawin pa sana sa lahat iyon nang may biglang tumawag sa kanya.

     ​"Reina!"

​     Reinalyn was quite surprised and flustered nang makita niya kung sino ang lalaking sumigaw at tumatakbo na ngayon palapit sa kanila.

​     It was Jin. Kasunod nito si Lean.

     ​"Ji-Jin... akala ko, hindi pa tapos ang practice ni'yo?"

​     Imbis na sagutin ang tanong ni Reinalyn, napako ang atensyon ni Jin sa dalagang nakasalagmak sa putikan. Napansin niya rin ang mga items na nakakalat sa lupa. Then he glared at Reinalyn. "Lean, mauna na kayo." Mayroong bakas ng galit sa kanyang boses.

​     Agad namang nakaramdam si Lean. Binitbit niya palayo si Reinalyn kahit na nagmamatigas ito.

​     Matilda started to pick up everything on the ground. Kahit na marumi na ang karamihan sa mga items na pinamili niya, isinilid niya pa rin muli ang mga ito sa paperbag. She noticed na lumuhod rin ang binata at tinulungan siya sa pagpulot.

​     Nang maisilid na niyang lahat sa paperbag, she stood up and walked away coldly. Sandali lamang siyang huminto nang marinig niya ang boses ng mabait na binata.

     ​"Matilda, sorry."

***

     "Sir, bawal 'to, 'di ba? Pa'no na lang 'pag may nakahuli sa 'tin? Lagot tayo kay Chief Dover!" Bakas na bakas ang pangamba sa murang mukha ni Tophe. He was worried sa maaaring ipataw na kaparusahan sa kanila dahil sa pagtrespass. Gayunpaman ay parang tuta siyang nakasunod sa kanyang senior.

     Detective Lotega hissed. Tiningnan niya nang masama ang duwag na binata. "Bakit? Magsusumbong ka ba? Itikom mo na lang 'yang mabahong bibig mo!" Gamit ang kawad na napulot, nagawa niyang buksan ang apartment ni Carlo Malay.

     Nang tuluyan silang makapasok sa loob, pareho silang napabuntong hininga sa nadatnan.

     Cannabis, and different drug paraphernalias were everywhere.

***

     Isang awkward na katahimikan ang namayani sa pagitan ng magkakaibigan nang makarating si Jin sa kinaroroonan nila.

     Bakas sa magkasalubong na kilay ng gwapong binata ang galit na nararamdaman niya. His eyes met with Reinalyn. "Hindi pa rin pala kayo tumitigil?"

     Naintindihan ng limang kabataan ang tinutukoy ni Jin. Hindi nila malaman kung saan ipapako ang tingin dahil sa guilt na lumalamon sa bawat isa.

     "Ano bang ginawa sa inyo ni Matilda? Ha?" Isa-isang tinapunan ng tingin ng binata ang limang kaibigan. Sa huli ay napako ang tingin niya kay Reinalyn. "Reina? May ginawa bang masama sa'yo 'yung tao? Bakit kailangang gawin mo 'yun sa kanya?"

Matilda's Alibi [COMPLETED]Where stories live. Discover now