CHAPTER 32 - Tree

Magsimula sa umpisa
                                    

'Please don't kill me..'

Ganun na ba ako katindi? Ganun na ba ako magbanta? Ganun na ba ako kasama at kinatatakutan na nila akong magbanta ng buhay nila?

Mas lalo tuloy akong napayuko.

"I-i'm okay.. s-sorry.." mahinang sabi ko.

"S-sorry, Miss Serene." Humarap na siya sa harap at tumingala sa may stop light. Tiningnan ko na lang ang likod niya. His broad shoulders.... his way of clothing... his back.. his neck.. Everything seems so cool for him.

Palagi siyang nakangiti at hindi ni isang beses nagalit o naoffend sa mga pinagbabato kong masasamang salita o kilos sa kanya.

Namamangha ako sa kanya.

Ano ba 'tong mga iniisip ko?

Tumingin  na lang ako sa gilid.

Hayy... bakit ba naging ganito ang buhay ko? Ano bang nagawa ko at bakit ganito ang naging kinalabasan ko? At bakit napunta sa puntong magugulo ang buhay ko ng dahil sa lalaking ito.

Hindi ko naman ginusto at malamang ay hindi niya rin ginusto. Pero nung sinabi niyang thankful siya at kinupkop siya ng agency dahil kung hindi, hindi niya raw ako makikilala, hindi ko maintindihan pero.. para akong naging masaya nung sinabi niya iyon. Ang sarap sa pakiramdam..

"Hahahaha! Let's go ladies!"

Nakuha ang atensyon ko sa isang grupo ng mga kalevel ko na naglalakad paliko ng intersection. Isang lalaki ang nasa gitna at nakaakbay siya sa tatlong babae.

Isa ang nakaakbay sa kanan niya ganun din sa kaliwa. Tapos katabi nung nasa kaliwa yung isa pang babae na nakahawak sa kamay nung lalaki.

Wait lang... yung lalaking iyon..

That's....

"Hold on Miss Serene." Napatingin naman ako kay Drew . Nalutang ang utak ko nung sinabi niya iyon pero kaagad kong narealize kung ano gusto niyang iparating dahil bigla na lang siyang nagpaandar ng pagkabilis bilis na akala mo ay kasama kami sa karera.

"FFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUDDDDDGGGE!"

Napahawak tuloy ako sa likod niya ng sobrang higpit. I'm actually hugging him! Waaah! We're going to die! Bakit naman ang bilis niya magpatakbo?!

Hindi naman siya ganito magpatakbo ah?!

Nakahawak lang ako ng mahigpit sa likod niya at hindi na yata ako nagalaw. Habang nakayakap ako sa likod niya, naamoy ko naman ang pabango niya. Ang.. ang bango...

Para akong naglue doon at parang ayoko nang bumitaw.

***

"We're here Miss Serene."

"Miss Serene?"

"Miss Serene? We're.. already here.."

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon